Chapter 20

15.3K 376 39
                                    

Maaga kaming nagising ni Zee dahil sa pagdila ni Khaizee sa mukha namin.

"Good morning, love. Good morning, baby." Bati ko sakanila ng anak namin tsaka hinalikan.

"Good morning, love. And to you, Khaizee." Malambing na saad ni Zee.

Bumaba na kami para sana maghanda ng almusal pero pagbaba namin ay nakaluto na si mama at kumpleto ang buong pamilya sa sala.

"Congratulations, Engineer!!"

"Naol tapos na mag-aral."

"May engineer na kami!"

Sigawan nila nang makababa kami ni Zee sa sala.

Sabay-sabay naman kaming nag-aalmusal at as usual sobrang ingay nila natigil lang sila nang may bigla kaming narinig na katok mula sa pinto.

"Ang aga naman ng bisita mamaya pa po yung handaan!" sigaw ni Akiezha.

Tumayo naman si Kuya Mack para buksan ang pinto. Nagulat kaming lahat ng sumigaw ito kaya lahat kami ay nagmadaling lumingon sa pinto.

"H-hon?!" gulat na saad ni mama habang nakatingin kay papa na may mga bitbit na maleta.

"SURPRISE!" masayang bati ni papa sa amin kaya naman nagtakbuhan sila lahat patungo kay papa. Samantalang ako ay inalalayan muna si Zee at dahan-dahang tumungo papunta kay papa.

"Congratulations, anak." Naluluhang saad ni papa.

"Thank you, Pa. May engineer ka na." masayang bati ko.

"Tsaka nga pala pa ito si Zee, nobya ko." Pagpapakilala ko.

"Hello, nak. Ang ganda mo pala sa personal." Saad ni papa at niyakap si Zee.

"Hello po, tito. Let's eat breakfast po muna." Pag-yaya ni Zee kay papa kaya naman nagtungo na kami sa dining area at itinuloy ang pagkain.

Matapos kaming kumain ay maaga kaming naghanda para sa graduation ko. Naunang nag-ayos si Zee dahil gusto niya siya ang mag-aayos sakin.

Nakayakap ako sakaniya habang nag-aayos siya ng sarili niya.

"Love, may sasabihin ako." Seryosong saad ko.

"hmm, what is it?"

"Remember nung pinuntahan kita sa opisina mo last time?" Medyo nagbago yung ekspresyon niya dahil ayaw niya kaseng pag-usapan yun dahil hindi pa raw siya handa.

"Hmm, what about that?" Malamig na sagot niya.

"May sasabihin sana ako sayo non e kaso hindi ko nasabi. Ikaw kase sana gusto kong unang maka-alam."

"Tell me, love."

"I'll be graduating with Latin Honors, love." Masayang balita ko sakaniya.

Nakita ko naman ang pagkagulat niya tsaka humarap sakin para yakapin ako ng napakahigpit.

"Congratulations, my love. I'm so proud of you!" Bati niya sakin.

"Thank you, love. Para sainyo yun ng anak natin at syempre para kila mama rin." Agad ko rin siyang sinuklian ng yakap at hinalikan ang tiyan niya.

Matapos kaming mag-ayos ni Zee ay bumaba na kami naabutan namin ang mga pinsan kong nag-aayos para sa simpleng handaan mamaya.

"Ma, Pa. Kapag ba Cum Laude ako iiyak kayo?" tanong ko kaya naman lahat sila napatingin sakin.

"Oo naman, nak. Bakit Cum Laude ba ang anak ko?" Sagot nilang dalawa na halos maiyak na dahil sa sinabi ko.

"Hindi po, ayaw ko kayong makitang umiiyak ma, pa kaya hindi ako Cum Laude hehe." Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa mga pinsan ko at nakita ko rin si Zee na halos mamula na sa pagpipigil ng tawa niya.

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon