Ianah Khicel POV
It's two in the morning at tinopak na naman ang mahal kong asawa kaya nandito ako sa mcdonalds para bumili ng nuggets at sundae para kay Zee.
Sabi ko nga oorder na lang ako sa grab food para hindi na ako lalabas ng bahay pero sabi niya kapag ginawa ko iyon yung delivery boy na ang magiging magulang ng anak namin dahil siya raw ang gumawa ng responsibilidad ko at hindi ako.
Binigyan niya pa ng responsibilidad at sakit sa ulo yung rider na nagttrabaho lang nang marangal.
Kaya ito ako walang choice kung hindi bumili ng gusto ng misis ko kahit hating-gabi na.
"Hello, mahal?" bati ko ng sinagot ko ang tawag niya.
"Where are you? Ang tagal mo naman? Nambababae ka na naman siguro?" sunod-sunod niyang tanong.
Ewan ko ba rito kung kailan kasal na kami roon pa siya nagsimulang pagdudahan ako na nambababae ako.
"Mahal, wala pa akong thirty minutes wala diyan sa tabi mo, okay? Andito na ko sa mcdo hinihintay yung order ko." Kalmado kong sagot.
"Go home na! Hindi ko na gusto yan." she said at ibinaba ang tawag.
Ang lakas talaga ng topak niya. Pasalamat siya at mayroon akong mahabang.. pasensya.
Nangmakuha ko ang pinabibili niya ay nagmadali na akong nagmaneho pauwi dahil baka topakin na naman siya.
Hindi naman siya ganito noong ipinagbubuntis niya yung kambal kaya nagtataka ako bakit ganito siya ngayon minsan nagdadasal na ko na sana manganak na siya kabuwanan naman na niya.
Nangmakarating ako sa bahay ay nagmamadali akong nagtungo sa kwarto dala-dala ang mga pinabili niya sa akin. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko siyang umiiyak habang nag-iimpake ng mga gamit niya sa maleta.
"M-mahal anong ginagawa mo?" kabado kong tanong.
"You don't love me anymore! You cheater! Let's divorce na, I already call our attorney to process everything!" galit na galit niyang sigaw habang pinaghahampas ako ng mga damit.
"Ano na naman bang ginawa ko? Anong cheating sinasabi mo? inistorbo mo pa si attorney na mahimbing na natutulog." kalmado kong tanong.
"Don't tell me pati si Attorney babae mo?! Manloloko ka talaga! May anak ka na naghahanap ka pa ng iba! Ano? hindi pa ba ako sapat ha? dahil ba panget at mataba na ako humahanap ka na ng mas sexy?" umiiyak na tanong niya.
"Mahal, wala akong babae, okay? Ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang ang maganda at sexy sa paningin ko. Huwag ka ng mag-overthink diyan makakasama yan sa anak natin. Mahal na mahal kita, Zee palagi, always." kalmado kong saad.
"I saw you kissing Madee!" sigaw niya.
"Ako? hinalikan ko si Madee? Ikaw lang nilalaplap ko, mahal."
Pagkatapos ng kasal namin ni Zee ay hindi ko na muling nakita pa si Madee. Ang alam ko na lang ay nagkakamabutihan na sila ni Pres.
She keeps on crying habang nakatingin sa tv and there I saw me kissing Madee sa unang project namin noon.
"Mahal naman. Trabaho lang yan tsaka noon pa yan hindi na ko kumukuha ng project na romance or anything na may ganyan." Paliwanag ko
"Kahit panahon pa yan ng mga kastila pagseselosan ko pa rin yan Ianah Khicel! How dare you kiss someone ha?"
"You kiss someone too, I saw you kissing seth din naman noon ha? nung Fiance mo pa siya." seryoso kong saad.
She stop crying habang nakatingin sa akin. She immediately hug me tightly and started crying loudly.
![](https://img.wattpad.com/cover/354281708-288-k410270.jpg)
BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...