Chapter 16

16.4K 367 16
                                    

Pagkamulat ko ng aking mga mata puting kisame agad ang bumungad sakin. Nasa langit na ba ko? Fuck namatay ako? NOOO! Hindi pa kami nakakasal ni Zee!

"L-love? Are you okay? Do you need something? Wait I'll call the doctor." Sunod-sunod na tanong ni Zee sakin. Tatayo na sana siya ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit.

"Akala ko patay na ko." Bulong ko kaya naman hinampas niya agad ako ng malakas sa balikat.

"Its not a good joke, love! You scared the hell out of me! Did you know that?! I thought I'm gonna lose you too." Umiiyak na saad niya.

"I'm sorry, mahal. Pinag-alala pa kita. Im sorry, hmm?" malambing na saad ko habang pinapakalma siya.

Natingin ako sa may pinto ng kanina pa pala nakatayo roon Si Engr. Ashford kasama ang doctor.

"K-kanina pa po kayo d-dyan, s-sir?" nahihiya kong tanong sakanya.

"Enough to hear your whole conversation. Btw, Are you fine? Do you need something?" tanong nito.

Humiwalay naman sakin si Zee nang makalapit sakin ang doctor para icheck ako. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Zee ng makita ang boss ko. Napansin ko naman ang pamumula ng mga mata ni Boss habang nakatingin kay Zee.

"Ahm, sir. She's Zee nga pala my girlfriend." Pakilala ko sakaniya.

"N-nice to m-meet you, Zee." Utal na saad niya habang nakatitig kay Zee.

Lumapit naman sakin si Zee para magpaalam na bibili lang siya ng pagkain namin at hinalikan naman ako nito bago umalis. Pagkalabas ni Zee ay masinsinan kaming nag-usap ni Sir tungkol sa nangyare.

"Naibigay ko na ang mga materyales na nakita mo sa abogado para gamiting proof laban sa unang company na humawak ng project. Tungkol naman sa taong tumulak sayo para mailigtas ka..." pagtigil niya. Kaya naman kumunot ang noo ko.

"He is dead on arrival. Halos naisalo niya ang pagbagsak ng bakal kaya naman hindi gaano kalala ang naitamo mo." Malungkot na saad nito.

Naiyak na lang ko sa mga narinig ko dahil ang lalaking tumulak sakin ay ang matandang lalaki na lagi kong nakaka-usap sa site yung 'Engr' na ang tawag sakin kahit noong nag-OJT pa lamang ako. 

Lima silang namatay dahil sa insidente at nasa sampo kaming sugatan. Inako naman ng kumpanya ang hospital bills at nagbigay ng tulong sa pamilyang naiwan ng mga trabahador na pumanaw.

Nang matapos naming mag-usap ay napagkasunduan nila ni Mrs. Ashford na sa opisina na lang muna ako magttrabaho habang nagpapagaling pa ako. 

Dumating na rin naman si Zee na may dalang pagkain. Nasabi niya rin sakin na ngayong araw sana ang byahe namin papuntang Cebu para sana sa seminar na dadaluhan namin ngunit dahil sa nangyare ay pinalitan ako ni Ian samantalang nagdesisyon si Zee na si Ma'am Camille na lang ang pumalit sakaniya dahil hindi raw siya mapapakali sa Cebu lalo na sa kalagayan ko ngayon.

 Hindi naman malala ang natamo ko, nabagsakan lang naman ang ibabang parte ng katawan ko pero hindi naman ito naipit dahil naisalo nga nung trabahador ang lahat ng bigat. Nagtamo rin ako ng galos sa noo ko pero wala namang nakitang internal bleeding.

"The doctor said that you can go home na later." Masayang balita ni Zee sakin habang inililigpit na ang pinagkainan namin.

"Magpahinga na muna tayo, mahal. Tabi ka sakin dito." Sabay tapik sa espasyo sa tabi ko. Tumabi naman siya sakin ay niyakap ako ng mahigpit.

"Can you tell me what happened, love?" tanong nito sakin habang nakayakap sakin.

"Yung part kase na pinuntahan namin ay kapapasa pa lamang sa company ni Engr. Nabalitaan kase na yung last na humawak non ay nangungurakot ng budget. Yung materyales na ginamit ay mumurahin lang kaya hindi siya ganon katibay. Habang nagccheck ako nakita ko yung mga natirang materyales sa gilid kaya naman tinawagan ko agad si Engr para may magamit na proof tapos ayun bumigay na hindi ko alam kung mabuti pero may tumulak sakin kaya ito lang ang natamo ko pero yung tumulak sakin.. namatay daw." Naiiyak na kwento ko sakaniya. 

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon