Prologue

35.6K 695 62
                                    


"Zee! Mag-usap naman tayo, please! Huwag naman ganito, love!" Pagsigaw ko sa labas ng mansion nila pero walang Zee na nagpakita sakin.

"Mahal, ayusin naman natin 'to please? Huwag naman ganito oh, harapin natin ng magkasama 'to mahal, please?"

Biglang bumukas ang malaking pintuan ng mansion nila at doon ko nakita ang babaeng kanina ko pa gustong makita. May mga bitbit siyang maleta na isinasakay na ng kanilang katulong sa kanilang mamahaling sasakyan.

"Zee, saan ka pupunta? Huwag mo naman ako iwan mahal, please? Harapin natin 'to ng magkasama, love." nagmamaka-awa kong wika sakaniya.

"I'm sorry, Yanna. Pero mas okay ang buhay ko kapag wala ka. Tama si dad, pera lang ang magpapabago sayo at ginamit mo pa ang kumpanya namin para sa pangsarili mong interes." Aniya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga salitang binitawan niya. Si Zee ang unang pumasok sa isip ko na hindi ako iiwan pero ngayon siya ang pinaka-unang taong tumalikod sakin at sa ganitong sitwasyon pa.

"Zee, huwag naman ganito, please? Mag-usap naman tayo nang maayos mahal. Hindi ko naman ginawa yun, mahal e. Nagttrabhaho ako nang marangal para sainyo. Sige na mahal please? Huwag ka ng magalit. Umuwi na tayo, umuwi ka na sakin." naiiyak na wika ko sakaniya. Pinagmasdan ko lamang siya habang lumuluhang nakikinig sa mga sinasabi ko

"I'm so sorry, Yanna pero ito yung mas makakabuti sa ating dalawa ang lumayo sa isa't-isa." Tatlong salitang paulit-ulit niyang binabanggit sakin pero hindi maibsan ang sakit na nadarama ko ngayon.

"Mahal, huwag naman ganito, please? I need you, love. Hindi ko kaya 'to ng mag-isa. Please love makinig ka muna sakin, ayusin muna natin 'to."

Gusto ko siyang manatili dahil kailangan ko siya, dahil kailangan namin siya pero ang sama ko naman kung ipagkakait ko sakaniya yung bagay na gusto niya, ang maging malaya sa sakit at kahihiyan na ginawa ko.

Nakita kong humakbang na siya papalayo sa akin, at kasabay ng mga luha na pumapatak galing sa aking mga mata ay isang malakas na sampal ang tumama sa aking pisngi.

"Umalis ka ng hampas-lupa ka! Huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa pamamahay ko kung ayaw mong mas lalo kong sirain ang buhay mo!" Galit na saad ng kaniyang ama.

Kahit masakit sa akin ang desisyong ito, humakbang ako palayo sakanila. Siguro nga hindi ako sapat at hinding-hindi ako magiging sapat para sakaniya. Dahil kahit ano namang gawin ko hinding-hindi ko siya kayang abutin. Tama naman ang kanyang ama, isa lang naman akong hampas-lupa na nangangarap ng mataas.

"Mahal na mahal kita, Zee. Sana maging masaya ka, mahal kahit hindi na ako ang kasama mo. Huwag kang mag-alala ako na ang bahala sakanila, mahal."

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon