Thank you for reaching the end of Palagi, Always.
Gusto ko lang pasalamatan lahat ng sumubaybay sa unang kwento na sinulat ko. Alam kong hindi ako ganoon kagaling sa pagsusulat pero salamat sa mga humanga sa istorya ko.
Nais ko sanang manghingi ng mga tugon o saloobin mula sa aking mga mambabasa para sa ikagaganda ng mga susunod ko pang isusulat na mga istorya.
Tungkol naman sa special chapter.
Isa lang sana ang balak kong special chapter kung saan ipakikilala ko ang bagong miyembro ng Chua-Bravo family.
Kung binasa niyo ang istorya simula sa umpisa talaga mapapansin niyo na sobrang mapagmahal si Ianah Khicel sa kaniyang pamilya kaya naman marami rin silang magiging scenes ni Zee sa istorya ng kanilang mga anak.
Naisip ko rin sana ilagay sa special chapter ang kanilang unang solo date ni Zee.
Pero I am open for your suggestion kung anong gusto niyo ilagay pa sa special chapter.
Please lang huwag ninyong lagpasan ang unang mga chapters! Ang daming hindi alam yung "Miss I'd rather not say" na scene eh ayun ang una nilang pagkikita!
Mga tanong mula sa aking NGL account.
•Bakit ang daming problema ng story mo author?
Isa rin kase akong mambabasa rito sa wattpad at isa sa pinaka-ayaw ko ay hindi nabibigyan ng closure ang mga problema kahit pa endgame ang mga bida.
Kita niyo naman kung ano yung epekto ng huling problema kay Ianah, diba? Ayun ang naging daan para harapin niya ulit ang pinakakinatatakutan niya.
Ang panget kaseng tignan na endgame nga sila pero si Ianah nagtatago pa rin sa Thailand tapos biglang makakaramdam ng takot kapag nabubuksan ang isyu tungkol sa nangyare noon.
•Magkakaroon ba ng kwento ang mga pinsan ni Ianah?
Hindi po pero magiging parte ng istorya ang mga anak nila kumbaga second generation ng Team Bravo.
•Kailan niyo po sisimulan ang story ni Khione Miss A?
Kapag siguro nakalahati ko na yung story niya. By december siguro simulan ko ng ipublish. Dapat nga mayroon ng Prologue kaso lang nahihirapan ako dahil ayokong maspoil kung sino ang tinutukoy doon.
Kapag pinublish ko na ang special chapter sa story na ito magsisimula na ko magpublish sa story ni Khione dahil nandoon na si baby number 3.
•Mukhang sobrang sakit ng story ni Khione author.
For me hindi, siya ang pinakalight na story sa kanilang magkakapatid.
Maybe may scenes na masakit pero hindi naman siya yung makakaranas kaya light lang for me.
•Gawin mong triplets yung dinadala ni Zee author para marami silang anak.
Hindi na ako maka-isip ng story kung triplets huhu. Sa totoo lang si Khione and si baby number 3 mayroon na si Kadynce wala pa rin. Hindi ko mabuo yung plot medyo magulo pa.
• Baka pwedeng ibang course naman sila Author kawawa naman kaming criminology puro na lang med at engineering mga story.
Gustuhin ko man pero hindi kase ako maalam sa ibang courses. Isa akong STEM student noong shs kaya wala rin akong gaanong kakilala na pwede pagtanungan.
Gusto ko rin sana med student ang maging bebeloves ni Kadynce pero wala rin ako gaanong alam talaga. Ang panget naman kung mali-mali sasabihin ko sainyong impormasyon.
•Pwede ba tayong maging mutual sa kahit anong socmed Miss A?
Tiktok: legitnocapfrfr
Sa IG naman personal account lang mayroon ako if you want pwede naman siguro? idk.
Some spoilers about Why Not Me?
• Ito ay isang slow burn at love triangle na istorya. Mayroong dalawang tao na magkakagusto kay Khione kaya yung tag ay ProfxStudent tsaka Academic Rival.
Kaya ako nahihirapan sa pagsulat ng prologue kase ayaw kong malaman ninyo kung sino ang hindi niya makakatuluyan sa kwento.
• Ang istoryang ito ay magfofocus sa pamilya talaga. Gusto ko kaseng medyo makarelate naman kayo kahit papaano bilang isang anak sa isang magulang na hindi pinahahalagahan ang kanilang anak at bilang isang anak sa isang mapagmahal na magulang.
Kaya ko nasabing light lang ang story ni Khione kase hindi lang sakaniya magfofocus ang istorya at hindi siya masyadong masasaktan hindi katulad sa magulang niya. May mga POV ang kaniyang dalawang admirers at sila ang may problema sa kanilang mga pamilya.
Kilala niyo naman si Ianah at Zee bilang isang magulang. Hindi nila kayang saktan ang anak nila.
• Ang Plot twist dito ay dito ko bibigyan ng closure ang isang bagay na hindi ko nabigyan ng closure sa istorya ni Ianah at Zee. (Kung alam niyo huwag niyo ng sabihin)
Kaya sana suportahan ninyo ang aking susunod na istorya.
Labyuol! Mwa!
Tanong mula kay Author:
(1 lowest and 10 highest)• Gaano kasakit ang una kong istorya? (Rate 1-10)
• Rate my first story from 1-10.
![](https://img.wattpad.com/cover/354281708-288-k410270.jpg)
BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...