Kinabukasan ay maagang nagtungo si Jeremiah kasama si Fel sa bahay. Alas sais pa lamang nag-umaga ay nandirito na sila si Fel ay antok na antok pa samantalang si Jeremiah ay hindi na mapakali sa sobrang kaba.
"Can you calm your fucking ass?!" Inis na utos ni Fel sakaniya habang nakasandal sa sofa. Nakabihis naman na ko at naghahain na lang ng umagahan para samin.
Nang matapos kaming kumain ay inilabas ko na yung Strawberry Cheesecake na ginawa namin para kay Pres.
Nang maisiguro namin na wala ng nakalimutan ay nagtungo na kami sa university.
Buong klase namin halos hindi mapakali si Jem dahil sa kaba kaya nung tumunog na ang bell hudyat na Lunch break na ay mas lalong namutla ang itsura ni Jem.
"Chill, daddy." Sabi ni Ian sakaniya habang natatawang nakatingin kay Jem.
"Ano handa na ba lahat?" tanong ni Jem
"Handa na lahat, handa na kami. Ikaw ba handa ka na?" tanong ko.
"Pwede bang mamaya na lang uwian? Natatakot kase ako sa magiging reaksyon niya e." paiyak na sambit ni Jem.
"Nakita ko kanina si Vincent may flowers na dala para kay Pres." Seryosong saad ni Joyce kaya naman dali-daling tumayo si Jem at inaya na kami papuntang canteen.
Unang pumasok si Jade para hanapin si Pres, nang makita niya ang pwesto ni Pres ay nagsignal na siya samin.
Una akong pumasok habang tumutugtog ng gitara at si Jem naman ay nagpunta sa harap ni Pres.
"Itanong mo sa akin
Sino ang aking mahal
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal"
Naghiyawan naman ang mga tao sa canteen at lahat ng atensyon ay nasa amin na.
Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman
~
Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba
~
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
Kahit saan pa man
Ang aking isisigaw
Ikaw ang aking mahal."
Nangmatapos na kami ay iniabot ni Jem ang bouquet ng bulaklak kay Pres at ang dalawa naman ay inilabas ang hawak nilang cartolina na may nakalagay na "Can I court you?" Namumula namang tumango si Pres kaya tuwang-tuwa si Jem.
"Ipinapangako kong hindi mo pagsisisihan na payagan akong manligaw sayo." Sabi ni Jem sabay hinalikan ang kamay ni Pres na ikinahiyaw lalo ng mga tao sa loob ng canteen.
"Para nga pala sayo. Ako gumawa niyan nagpatulong ako kay Ianah." Sabay abot nito kay Pres ng strawberry cheesecake.
"Thank you, Jeremiah." Nakangiting sagot ni Pres sakaniya.
Nangmatapos kami sa oplan panliligaw ni Jem ay kumain na kami. Habang kumakain kami ay nakita ko si Zee na kasama na naman ang asungot na iyon habang nakahawak siya sa braso nito.
BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...