Chapter 15

21.5K 394 27
                                        

Ianah Khicel POV

Mabilis na dumaan ang mga araw. Si Zee ay halos sa bahay na patirahin ni mama simula noong unang may nangyari samin. Narinig kase ni mama ang mga halinghing naming dalawa pero sinabihan ko naman si mama na huwag pwersahin si Zee sa pag-aanak.

Gustong-gusto na kase ni mama na magka-apo kung dati ay 'Kay BJ ka humingi' ang sinasagot ko ngayon naman ay 'kapag handa na si Zee'.

Wala naman naging malaking problema sa relasyon namin. Kapag may maliliit na problema ay hindi namin pinatatagal at inaayos agad namin pero hanggang ngayon wala parin akong alam tungkol sa pamilya niya.

Nagagawa ko ng magtanong sakanya tungkol doon pero hindi pa raw siya handang pag-usapan ito kaya hindi na ko nagtanong pang muli.

Kasalukuyan akong nagttrabaho sa kumpanya ngayon. Simula noong nahuli ko ang boss ko na may kahalikan na lalaki sa opisina niya naging mabait na ito sakin.

Assistant engineer na rin ako sa railway project na hinahawakan niya. Noong una ay tinanggihan ko ito lalo na hindi pa naman ako graduate pero sabi niya ay siya na ang bahala. Yung allowance ko naman ay halos trumiple ang halaga.

Hindi ko alam kung ginagawa niya ba ito para patahimikin ako pero sinabihan ko naman na siya na hindi ko iyon pagsasabi pero mas tinataasan niya lang ang sweldo ko.

Kasalukuyan kami kumakain ng tanghalian sa opisina niya. Nagluto kase ako ng tanghalian namin ni Zee kaninang umaga kaya naman binigyan ko na rin ang boss ko ng niluto ko.

"Kumusta naman kayo ng girlfriend mo?" tanong nito sakin.

"Ayos lang naman po. Anak na nga po ang turing ni mama sakaniya kaya halos ayaw na siyang pauwiin sa condo niya." Nakangiti kong saad.

Interisadong-interisado naman siyang nakikinig sa kwento ko.

"Ipinakilala ka na ba niya sa pamilya niya?" tanong niya sakin.

Umiling naman ako kaya napansin niyang hindi na ako komportableng pag-usapan pa ito.

"Kung may kailangan ka o kahit ano andito lang ako." Saad niya sakin.

"Sir, kung natatakot po kayo na ipagkalat ko ang nakita ko huwag po kayo mag-alala safe na safe po sakin iyon. Mas natatakot kase ako kapag mabait kayo kaya please tarayan niyo na lang po ako." Pabirong nagmaka-awa pa ko sa harap niya. Inirapan lang naman niya ako at nagpatuloy pa sa pagkain.

"Magpapasko ba ang girlfriend mo sa inyo?" tanong ni sir sakin.

Tumango naman ako kahit hindi pa namin napag-uusapan ni Zee ang tungkol dito dahil busy pa kami pareho sa trabaho namin.

"I'll now give you your Christmas bonus and 13 month pay." Sabay abot sakin ng cheque.

"1,000,000 pesos?!" sigaw ko ng makita ko ang halaga na nasa cheque.

"Don't worry wala pa dyan ang sahod mo for this month." Kalmado niya saad

"Hindi pa kasama sahod ko sa isang milyon na to?!" tanong ko ulit sakaniya.

Umiling naman siya habang nagpupunas ng bibig dahil tapos na siya kumain.

"Dalian mo dyan dahil bibisita pa tayo sa site."

Dali-dali naman akong nagligpit at nag-ayos dahil baka bawiin niya pa yung bonus niya sakin. Habang nasa byahe kami ay nakita kong nagtitingin siya ng gamit sa online.

Habang ako ay nag-iisip ng kung ano-ano. Nang marealize ko na hindi pa pala kami nagddate ni Zee palagi kase namin kasama ang mga pinsan ko kapag kakain sa labas kapag naman biglaan ko siyang inaaya ay sumasama naman si BJ samin.

Ayos lang naman kay Zee dahil wala raw siyang nakababatang kapatid. Nagtitingin ako ng mga restaurant na pwede naming kainan ng biglang magsalita ang boss ko.

"What do you think is the best gift for him? Disregard the budget." Tanong niya habang nagsscroll sa phone.

"Hmmm, pansin ko mahilig siya sa sapatos. Jordan to be specific. And pansin ko rin na halos lahat ng colorway ay mayroon siya except sa isa." Pabitin kong sagot sakaniya.

Palagi ko kase yun nakikita na iba-iba yung sapatos na gamit tuwing bibisita siya kay Zee.

"May pinag-iipunan siyang sapatos pero hindi ko maalala kung ano."

"Pansin ko lang po wala pa siyang Jordan 1 OG Chicago." Sagot ko.

Mahilig din kase ako sa sapatos pero hanggang tingin lang dahil wala akong pambili.

"Is that the red and white na J1?"

"Yes po, I saw him wore a black and red one e. If I'm not mistaken pareho lang po yung price."

"How much is it?"

"Last time I check nasa $30,000 po equivalent to 1,705,785.00 pesos." Sagot ko.

Nakita ko naman siyang nagmessage sa secretary niya para humanap ng ganong sapatos.

Napa-isip din tuloy ako kung anong ireregalo ko kay Zee sa pasko. Madali na lang naman sa mga pinsan ko dahil mababaw lang naman mga kaligayahan non.

"Engr. Ano po kayang magandang iregalo sa girl-" hindi pa ko tapos magtanong ng bigla na lang siya sumagot.

"She loves jewelry, necklace to be specific." mabilis na saad niya.

"How'd you know po? Nagkita na po ba kayo ng girlfriend ko?" nagtatakang tanong ko.

"A-ah N-no. I just k-know that girls l-loves jewelry, r-right?" utal na sagot nito. Hindi ko naman na pinansin pa at naghanap na lang ako online.

Tama naman siya. Lagi ko ring napapansin na paiba-iba ang suot na kwintas ni Zee unless sa bahay siya natutulog pero kapag sa condo niya ay kinabukasan iba na naman ang suot nito.

"She will surely love that necklace!" pasigaw niyang saad habang tinuturo ang diamond necklace na may maliit na pendant na mukhang diamond din.

Pinindot ko ang necklace at tumambad sakin ang presyo na nagkakahalaga ng 121,000 pesos.

"Tangina" bulong ko sa sarili ko habang tinitignan ang kwintas sa cellphone ko.

Hindi naman sa kuripot ako pero ang hirap kase kitain ng pera kaya nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko. Pasko palang naman baka sa birthday niya na lang para makapag-ipon pa ako.

"If I were you, I'll buy that and just give it to her on what ever occasion you want. That necklace is limited edition and it is already cheaper that the other limited edition necklace." Sabi nito kaya naman inorder ko na.

Pero ibibigay ko lang iyon sa birthday niya hindi sa pasko. Mayayari ako kay mama non si Zee may diamond tapos siya wala oh edi nabugbog ako.

Matapos ang isang oras ay dumating na rin kami sa site sobrang traffic kase. Habang nakikipag-usap si boss sa mga assigned engineer ay nagcheck naman ako ulit ng schedule.

Itong station ng railway ay kapapasa pa lamang sa company ng boss ko dahil nabalitaan na ang unang humawak ng project na ito ay gumagamit ng mga peke at marurupok na materyales para makatipid ng malaki at makalikom ng malaking halaga.

Habang nag-iikot ako ay nakita ko ang mga materyales na nakatambak sa gilid. Ito yung mga naireport na mumurahing materyales na ginamit na kasalukuyang hinahanap nila boss para gamiting proof sa maling ginagawa ng naunang company.

Dali-dali kong dinial ang number ni boss ng may biglang trabahador na tumulak sakin dahilan kung bakit pabagsak akong tumilapon sa sahig at huli na ng makita ko ang pabagsak na malaking bakal sakin.

Sigawan ng mga trabahador ang huli kong narinig bago ako nilamon ng dilim.

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon