Chapter 26

15K 420 138
                                    

Asteria Zee POV





"Kanino bang anak itong dalawa na ito? Hindi niyo ba alam na limited edition ang binasag niyong vase ha?!" pagsigaw niya sa dalawang bata.

Lumabas lahat ng mga katulong nila mommy dahil sa sigaw ni seth at iyak nung bata na sa tingin ko ang nakabasag. Hindi ko gaano maaninag ang itsura ng dalawang bata dahil puro likod lang ni Seth ang nakikita ko.

"Ano walang aamin sainyo kung kaninong anak 'to!? Hindi niyo ba alam na mas mahal pa presyo nito kesa sa mga buhay niyo?!" galit na galit na saad niya.

Lalapitan niya na sana ang dalawang bata ng bigla lumitaw si Kuya Zeke at walang pagdadalawang isip siyang sinapak kaya naman natumba siya sa sahig.

"Who the fuck are you ha!? Anong karapatan mo para sigawan ang dalawang bata?!" galit na galit na saad ni Kuya habang nakahawak sa collar ng polo ni Seth.

"I'm Asteria's boyfriend!" sagot ni Seth habang pinupunasan ang dugo sa labi niya.

Hindi naman na ko nakasagot dahil may biglang pumasok at tinulak ang pintuan ng malakas.

"NASAAN ANG MGA ANAK KO?!"

Nagulat akong napalingon sa dumating, kilalang-kilala ko ang boses na yun. I feel my heart beating so fast na anytime parang lalabas na sa sobrang bilis.

She's just wearing a robe at halatang-halata na galing pa siyang shooting. Gulo-gulo yung buhok niya at hindi maayos ang make-up sa mukha niya. Magkaiba rin yung pares ng tsinelas na suot niya.

P-pero anak niya yung dalawang bata? is she already married?

"Momma!" paiyak na tawag nung batang babae sakaniya.

Hingal na hingal naman pumasok si Mama sa sala.

"What is happening here?!" sigaw ni mama.

"Itong mga hampas-lupang mga bata kase na ito, tita binasag yung mamahaling vase niyo." Pagsagot ni Seth.

Kaya nakatanggap na naman siya ng malakas na sapak sa mukha galing kay kuya Zeke.

"You don't have any right para tawaging hampas-lupa ang mga pamangkin ko!" galit na saad ni Kuya Zeke.

Pamangkin?

E dalawa lang naman kaming magkapatid. Mabilis kong tinignan ang dalawang bata. Kamukhang-kamukha niya ang lalaki samantalang parang carbon copy ko yung batang babaeng umiiyak.

Are they my-?

Nanginginig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan sila. I feel something na hindi ko ma-explain.


"Im sowwy, mommyla I bwoke your expensive vase po." Paghingi ng tawag nung batang babae kay mama habang humihikbi.

"It's okay, apo. I can buy new one again. Don't Cry na, hmm? Mommyla is not mad at you." Malambing na saad ni mama sa bata.

"I'll pay for the vase na lang tita. Pasensya na po." Saad niya at mabilis naman na umiling si mama.

"Momma! Khione has boo-boo! Momma she is bleeding!" pagsigaw ng batang lalaki habang nanginginig na  tinuturo ang dugo sa legs ng kanyang kapatid.

Dali-dali niya itong binuhat bakas sa mukha niya ang pag-aalala ng makitang may dugo sa legs ng bata.

"Manong, pakihanda ang kotse pakibilisan we'll go to the hospital!" malakas na sigaw niya habang buhat-buhat yung batang babae.

"IANAH!" malakas na sigaw ni mama.

Mabilis naman siyang huminto  kaya nabalot ng mas malakas na iyak ng dalawang bata ang buong sala.

Palagi, Always (Bravo Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon