Mabilis na lumipas ang mga linggo at ramdam na ang malamig na simoy ng hangin.
Nasa palengke kami ni mama kasama si Zee para mamili ng mga ihahanda sa Noche Buena. Kita ko naman na parang hindi sanay si Zee na mamili sa palengke.
"Ayos ka lang ba, mahal?" tanong ko rito kaya naman kumapit ito agad sa braso ko.
"Yes, love. I'm not just used to this." Sagot nito.
Naninibago kase siya dahil sa supermarket daw sila palagi namimili ng kanyang mommy. Nagugulat nga siya kapag tumatawad si mama ng presyo ng mga bilihin.
Napansin naman ito ni mama kaya naman naisipan niyang utusan si Zee na bumili ng Mangga para sa Mango Graham na gagawin niya mamaya.
"Asteria, pwede ka bang bumili ng mangga yung matamis sana para masarap ang mango graham natin." Utos ni mama at nag-abot ng dalawang daan kay Zee.
Pinanood ko lang si Zee na mamili ng mangga. Kinikilatis nito ng mabuti ang mga mangga habang ang tindero ay nakatitig lamang sakaniya.
"How much is it, manong?" tanong ni Zee.
Kita kong lagpas sa dalawang kilo na ang napamili niyang mga mangga at 120 isang kilo ang mga ito.
"Bale 240 lahat, ganda." Sagot nung lalaki habang nakangiti kay Zee.
"But I only have 200 pesos, manong. Can I have a discount?" pagtawad ni Zee sa mayamang paraan.
"Osige dalawang daan na lang yan para sayo at dahil maganda ka dadagdagan ko pa ng dalawang mangga."
At inilagay nito ang dalawang karagdagang mangga sa plastic na hawak ni Zee. Nakita ko namang nagpasalamat ito at ngiting-ngiting tumungo kay mama.
"Here's the mangoes, tita." Sabay pakita ni Zee kay mama ng plastic na hawak niya.
"Ang dami naman nito hindi ba 200 lang ang sabi ko?" gulat na saad ni mama.
"200 pesos lang po lahat 'to tita. Kahit itanong niyo pa po kay manong. He even gave me two additional mangoes for free." Mayabang na saad ni Zee kay mama.
"Sa susunod lagi na kitang isasama sa palengke para mas makatipid tayo. Hindi ko alam na magaling ka palang tumawad." Natatawang sabi ni mama kay Zee at kinuha ang mga mangga at pinabuhat sakin.
Nakahawak si mama sa braso ni Zee habang nauunang maglakad pauwi habang ako ay nasa likod nila at bitbit ang lahat ng pinamili namin.
Habang naglalakad ay huminto sila sa mga naglalako ng mga aso sa tabi ng kalsada.
"This is so cute, tita." Pahayag ni Zee habang hinahawakan ang paa ng aso.
"Magkano yan, manong?" tanong ni mama sa tindero.
"7,000 po, ma'am. Bigay ko na lang sainyo ng 6,000 may mga vaccine naman na po iyan pero hindi pa kumpleto." Sagot nito.
Lumingon naman si mama sakin na parang nagpapahiwatig na ayun na lang ang iregalo namin kay Zee. Namili na kase kami ng mga regalo at nakalagay na sa ilalim ng Christmas tree.
Isang gabi nakita ni mama si Zee na tinitignan ang bawat regalo, may mga regalo para sakaniya pero hindi galing sakin o kay mama. Nappressure kase kami kung anong ibibigay kaya naman tumango na lang ako kay mama bilang sagot na pumapayag ako sa ideya niya.
Nauna na silang naglakad dahil inaya siya ni mama sa grocery para bumili ng pangfruit salad at graham crackers. Kaya hindi ako nagdalawang isip na kausapin si kuya para bilhin ang aso.

BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...