"Go to my office."
Nagmamadali akong nagtungo sa office ni Miss-Ma'am dahil makalipas ang isang linggo ngayon lang ulit magkakasama. Kumatok muna ako bago pumasok. Nagulat ako ng may mga nakahandang pagkain sa mesa at may dalawang platong nakahanda.
"Let's eat." Pag-aya niya sakin.
Puro mga paborito ko ang nakahanda, buttered shrimp, inihaw na pusit, talaba at manga.
"Wow, lahat ng paborito ko nakahanda ah. Paano mo nalaman ito, miss-ma'am?" takam na wika ko sakaniya
"Sa mga pinsan mo." Sagot nito
"Ikaw nagluto nito, miss-ma'am?" tanong ko habang kumakain na kami
"I only cooked the buttered shrimp. Your cousins told me na maarte ka when it comes in cooking inihaw na pusit. While sa talaba, tita is the one who prepared it." Sagot niya sakin. So, nagpunta pa pala siya sa bahay para lang magpatulong kay mama?
"Pasado sakin yung luto mong buttered shrimp, miss-ma'am. Pwede ka ng maging misis ko." Mapang-asar na wika ko sakaniya.
"You're not courting me tapos gusto mo asawa agad?" seryosong saad nito na ikinagulat ko.
"Hindi pa ba panliligaw yung ginagawa ko, miss-ma'am?" tanong ko sakaniya. Hindi naman na siya umimik pa kaya naman masaya na lang akong kumain ng niluto niya.
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresentang magligpit at maghugas. Habang naghuhugas ako nakita ko ang mga Tupperware na ginamit ko para ilagay yung mga binebake ko para sakaniya.
"Miss-ma'am, pwede ko na ba kunin yung mga Tupperware ni mama? Mapapalayas na kase ako samin." Sabi ko sakaniya.
Kita ko namang tahimik niyang kinakain yung banana cake na binigay ko sakaniya kaninang umaga. So meaning kinakain niya pala lahat ng binebake ko? Nasasarapan kaya siya?
"NO! I'll just buy new tupperwares for tita." Kunot-noo niyang sagot sakin.
"Bakit naman kailangan pang bumili? Ubos na yung Tupperware namin sa bahay wala na kong paglalagyan ng ibibigay ko sayo bukas." Sagot ko rito.
"I'll order now so that you can have one and also for tita." Sagot nito habang umoorder na online.
Hindi ko naman na siya inintindi pa, parang ibabalik lang naman sakin. Hindi niya ba alam na muntikan na kong mapalayas ni mama dahil walang Tupperware na bumabalik sakaniya. Bumalik ako sa realidad ng may kumatok sa pinto ng office ni Miss-ma'am.
"Good afternoon, Ash! Oh, Hello, Ianah! Andito ka pala." Nakangiting bati sakin ni Ma'am Camille.
"Good afternoon din po, ma'am." Nakangiti kong bati sakaniya.
"What are you doing-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Ay excuse me po, sagutin ko lang." sabi ko kaya naman tumango siya.
"ANO?! ANONG NANGYARE?!" gulat at pasigaw kong saad sa katawagan ko kaya naman nagulat at nagtataka na napatingin sakin ang dalawa. Binaba ko ang tawag at nagmamadaling lumabas sa opisina ni miss-ma'am. Pero nagpaalam naman ako pero hindi ko sinabi kung sino yung pupuntahan ko.
"Oh anong nangyare?!" tanong ko ng makarating ako sa Clinic.
"Natapilok lang naman siya and hindi naman ganun kalala ang nangyare pero hindi siya pwedeng maglaro mamaya dahil sa injury na natamo niya." Kalmadong sagot sakin ng nurse. Pero hindi ako naniniwala na natapilok si Joyce dahil alam niyang final game nila ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/354281708-288-k410270.jpg)
BINABASA MO ANG
Palagi, Always (Bravo Series 1)
RomanceIanah Khicel has always struggled with face blindness, a condition that keeps her from recognizing others by their features. It's a challenge that isolates her in a world where appearances matter, until she meets Professor Asteria Zee. Despite her i...