Chapter 5

17K 184 2
                                    

Aneta

MAAGA Umalis sa bahay si sir Jake. Hindi ko man lang nakausap ang amo ko. Tumawag kasi si nanay at Humihingi ng pera sakin para pambili ng gamot ni Tatay. May sakit kasi ang tatay at kailangan niya ng maintenance na gamot. Mahirap ang buhay at alam ko sa sarili ko na ako lang ang Bread winner sa Pamilya.

Naku malapit na pala mag expired ang load ko kaya lumabas ako sa bahay. Ni lock ko ang pintuan dahil pupunta ako sa Tindahan para magpa-load. Medyo malayo ang Tindahan dito at kailangan ko pa maglakad ng malayo kaunti... Wow Namamangha nalang ako habang pinasadahan ng tingin ang bawat bahay na Dinadaanaan ko.. Noon bata pa ako pangarap ko talaga magkaroon ng ganito kaganda bahay kaso hindi ko naman afford dahil mahirap lang ako..

Narinig ko may nag bosena kaya napatalon ako bigla. Bumaba ang tinted ng salamin at nagulat ako--- Sir Jake.

Ang sama ng tingin niya sakin at nagmamadali siya lumabas ng kaniyang sasakyan.

"Saan ka pupunta? Aneta bakit ganiyan ang suot mo? Halos kitang-kita na ang kaluluwa mo?" grabe naman ito Sir ko pati ang Pananamit ko napupuna niya agad."God sake, araw-araw nalang ba kita Pagsasabihan na kapag lalabas ka mag suot ka ng damit na maayos."

"Sir Jake magpapa-load lang ako saglit sa may Tindahan dahil na expire ang load ko, tumawag Kasi si nanay dahil nanghihingi ng pera para sa gamot ni Tatay."

"Ganun ba.. Ako na magbigay ng load sayo. Keep you're money Aneta. Yun sweldo mo sakin mamaya ko ibibigay."

"Wow ang bait mo naman pala sir Jake." sabi ko sa kaniya.

"Oo naman mabait talaga ako basta ayusin mo ang trabaho mo sakin."

"Oo naman ako pa ba" sabi ko. "Nakikita mo ang muscles ko yan. Kaya ko magbuhat ng isang balde tubig, kaya panis sakin ang mga Gawain bahay na yan sir Jake."

"Talaga. Halika na dahil may pupuntahan tayo."

"Teka saan tayo pupunta sir Jake?" gusto ko malaman kung saan kami pupunta ni sir Jake ngayon araw..

"Maligo at magbihis ka muna. Tsaka ko sasabihin sayo."

"Okay sabi mo eh"

PAGBALIK sa bahay Dumiretso ako agad sa banyo para maligo. Binuksan ko ang shower bago ko nilagyan ang shampoo ang buhok ko. Sinabon ko ang buong katawan ko dahil Amoy araw ako kanina dahil nag damo at nag dilig ng mga halaman sa labas. Sinabon ko ng mabuti ang katawan ko para naman hindi ako Amoy araw. Nag tooth brush ako ng ngipin bago lumabas. Kaunti lang naman ang damit ko Kaya madali lang ako Makakapili kung ano ang Susuotin ko damit. T-shirt na kulay Red at pantalon. Sinuot ko ang doll shoes na binigay sakin ni Lola Sonia noon kaarawan ko.

Paglabas ko nakita ko si Sir Jake. Simple t-shirts ang sinuot niya.Pantalon na maong na bumagay sa kaniya. Kahit ano naman ang Suotin ni Sir Jake ay babagay sa kaniya dahil maganda siya magdala ng damit.

"S-Shall we" narinig ko sabi niya at nakasunod lang ako hanggang sa makapasok ako sa kotse. Katabi ko siya sa Drive seat. Binuhay niya ang makina ng sasakyan bago lisanin ang lugar na iyon. Tahimik siya Magmamaneho, habang ako nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Ang dami ko nakikita mga billboard ng mga Artista lalo na si Bea Alonzo at Coco Martin.... Ang Ganda ng Mukha ng Manila dahil marami mataas na Gusali katulad ng Mall at condominiums.

Nakamata lang ako kay sir Jake habang Pinaparada niya ang sasakyan sa Parking lot. Sa SM Mall kami pumunta. Tinanggal ko agad ang seatbelt ko bago lumabas sa kotse...

Ni lock ni sir Jake ang sasakyan bago kami pumasok sa loob ng mall.

"Wow sir Jake ang Ganda naman ng mall na ito. Ano nga mall ito sir Jake?"

My Innocent Maid [R-18] Complete Where stories live. Discover now