Kabanata 7

3.4K 109 39
                                    

"Oh, Lia, napatawag ka. Wait. Hold on a sec!"

Napakagat-labi na lang si Lia sa sunod-sunod na inusal ni Chantal. Simula nang sagutin nito ang tawag niya, hindi na siya nabigyan nang pagkakataong magsalita beyond her reluctant hello. Tapos, nawala na ulit ang babae sa linya. Pasensiyoso naman siyang naghintay sa pagbabalik ng kaibigan.

"Hello, Lia, andiyan ka pa?"

"Yes!" alisto niyang sagot nang muling marinig ang boses ni Chantal.

"Sorry. May bigla kasing tumawag galing sa opisina. I had to take it," paliwanag nito.

"Ayos lang," sabi niya.

"Okay, I'm all ears now. What's up? Nabago ba ang club na pupuntahan natin mamayang gabi?"

It's Friday again. Napagkasunduan nila last week na hindi na muna sila babalik sa Club Celeste at susubukan naman ang iba pang mga club ni Raphael. They agreed to meet in another club.

"No, no," mabilis niyang tanggi. "That's still on."

"Okay! Ready ka na ba at ang VIP card mo for later?" Chantal's teasing laughter followed the question.

Muli na naman siyang napakagat-labi at buntonghininga. Si Chantal ang pinili niyang tawagan sa halip na sina Lacey o Emmeline sa pag-aakalang, sa tatlo, ito ang hindi masyadong mausisa. Nakalimutan niyang journalism graduate nga pala ito. Nasa dugo ang pagiging matanong.

The past few days, puro seen lang siya sa messages sa group chat nila dahil hindi niya alam kung paano isisingit na hindi siya makasasama sa mga ito ngayong gabi. Excited pa naman ang mga babae na masaksihan ang power daw ng VIP card niya sa ibang club at hindi lang sa Celeste. Iyon halos ang laman ng group chat. How excited they were.

"Um, that's the thing, Chan. Hindi ako makakasama mamaya."

"Ha? Why?" Halatado ang gulat at panlulumo sa boses ng kaibigan.

"May importante lang kasi akong pupuntahan," malamya niyang pagdadahilan.

Saglit na natahimik ang babae sa kabilang linya. "Please tell me it is not about work," daing nito pagkaraan. "Because if it is, susugurin ko na talaga 'yang amo mo na 'yan! He promised! He promised to give you Fridays!"

Walang ipinangakong ganoon si Raphael. Oo nga at umiiwas ang lalaking mag-schedule ng meeting tuwing Biyernes pero choice nito iyon. He could change his mind anytime he wants and she has no say on it. Ito ang boss.

Isa pa, hindi naman ang lalaki ang dahilan kung bakit niya i-indiyanin ang mga kaibigan ngayong gabi. Ang Elysium Suites ang may kasalanan. Dumating na ang unang Biyernes ng buwan at nakatakda na ang pagpunta niya roon.

Voice call man ang ginagawa nila, ramdam niya ang inis ng kaibigan sa isiping in-o-overwork siya ng amo. Before the woman could launch on a rant about her boss, she denied her accusations.

"No! It has nothing to do with work. Personal matter ito. I will even leave a few hours early."

"Leaving early? Are you sick?!" nagdududang tanong ni Chantal.

"Hindi," diin niya. "Aalis lang ng maaga, may sakit na agad."

"You don't leave early. Heck, you have never taken a day off in your life," komento nito. Nasa tono pa rin ang pagdududa. "Remember that one year when you had dengue pero sumama ka pa rin sa dragonito mong amo papunta sa, uh, Amanpulo ba 'yon?"

"Banwa," pagtatama niya.

She recalls the incident and shudders at the memory.

Raphael had a business meeting at that island at isinama siya. Pati si Niccolo na two years old pa lang noon. Wala siyang mapag-iwanan sa bata kaya ipinaalam niya sa amo kung puwedeng isama. He immediately agreed and even changed the chartered helicopter into a plane to accommodate her son.

Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon