Kabanata 21

4.2K 186 65
                                    

"Guiliana?"

Agad na napalingon kay Lia ang lahat nang naroroon sa hapagkainan nang tawagin ni Raphael ang pangalan niya. Nakakunot-noo pa ito. Ayaw niya sanang lumapit dito kaya lang ipinaghila na siya nito ng upuan. She wouldn't be able to say 'no' without making a scene in front of his whole family.

Labag man sa loob, binitiwan niya ang upuang akmang hihilahin niya sana para sa sarili at lumapit sa upuang hinila ng amo para sa kanya. With one last longing glance at the chair she tried to choose for herself, she sat down.

She really liked that chair. Nasa kabilang dulo ng mahabang mesa, malayo sa Mondragon matriarch at mga anak nito. Malayo sa lalaking abala sa pagpapa-upo kay Niccolo.

She sneaked a peek at the others at the table. She's too underdressed to sit by them. Kasalanan na naman ni Raphael. Minadali siyang magbihis samantalang alam naman nitong formal affair ang mealtime sa bahay ng ina nito.

Palihim niyang sinulyapan ang katabi, at kung sakaling nakatingin din ito sa kanya, iirapan niya ito. Pero hindi siya nito pinapansin. Kay Niccolo pa rin ang buong atensiyon nito. Nang maayos nang nakaupo ang bata, saka lang din naupo ang amo. Nasa kaliwa siya ng lalaki. Nasa kanan naman ang anak. Pinakamalapit kay Senyora Grace.

Niccolo suddenly leaned forward so he could see her, grinned and waved.

"Hi, Mommy," bati nito.

She leaned forward, too, and smiled back. She could never not smile back at him. "Hi, baby," nakangiti niya ring bati dito.

Ipinatong naman ni Raphael ang palad sa ibabaw ng ulo ng bata na ikinatingala nito. Nginitian din ito ni Niccolo. The gentle and positively loving smile Rapahel gave Niccolo was giving her a heart ache. She had to look away.

Nagtama ang mata nila ni Senora Grace at magiliw siya nitong nginitian. Gumanti rin siya ng ngiti. She just hopes hindi iyon tabingi katulad nang nararamdaman niya.

Binalingan ng senyora ang anak niya. "Niccolo, lead the prayer, baby."

"Yes, Lola," magalang namang sagot ng anak niya.

Habang nagdadasal ang anak, nararamdaman niyang may nakatitig sa kanya. Napaangat siya ng ulo at nagtama ang mga mata nila ni Freya. There is more than curiosity at the pointed stare the woman is giving her.

She knew that look. She has seen it in all of the countless women her boss indulged in. That glint of challenge she has no interest in responding to.

The woman wants Raphael Mondragon? She should just go ahead. She's more than welcome to the grouchy man. Magpakasasa ito nang sagad. Tutulungan niya pa if the woman just plays nice. Unfortunately, her ilk never do.

Hindi maintindihan ni Lia kung bakit siya nalalagay sa ganitong sitwasyon samantalang hamak na sekretarya lang siya. Why don't they just give her a break?

Nasa gitna na nang masayang pagkukuwentuhan ang mga tao sa hapag nang biglang magsalita si Freya.

"Let me get this straight." Huminto ang lahat at napatingin sa babae. "The adorable baby Niccolo is yours, Raphael?"

"Yes." Ani ni Raphael.

"No!" Mariin niya namang tanggi.

Nagkatinginan sila ng lalaki. He shrugged and continued eating.

Napasimangot siya and kept on staring at him, urging him with her eyes to speak up. It appears like he has nothing more to say beyond his 'yes' and pointedly ignored her.

Utterly disgusted with him, hinarap niya si Freya at inulit ang sinabi. "No."

Freya glanced at Raphael seeking for confirmation. The man was busy de-shelling Niccolo's shrimp to notice. Ibinalik ng babae ang tingin sa kanya pero hindi umimik.

Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon