"Daddy!"
Nahinto ang pakikipagkuwentuhan ni Lia kay Nancy sa sigaw na iyon ng anak. Tahimik nilang pinanood ang patakbong pagyakap ni Niccolo sa binti nang kararating lang na si Raphael.
Hindi man lamang kumatok ang lalaki bago pumasok sa bahay niya. Confirming her suspicion that her boss has a key to her house.
Magiliw ang ngiting binuhat ni Raphael si Niccolo at hinalikan ang bata sa magkabilang pisngi nito. The child flushed in pleasure, then wrapped his little arms around her boss' neck and reciprocated with wet kisses. Hinayaan lang ni Raphael ang malagkit na laway ni Niccolo sa pisngi nito habang tinititigan ang bata with wonder and love.
Sumisikip ang dibdib niya sa tuwing nakikita ang ganoong tingin ng amo para sa kanyang anak kaya umiwas siya ng tingin. Itinuon niya na lang ang pansin sa laman ng bag bag na inihanda ni Nancy para sa kanyang anak.
"I missed you, baby," narinig niyang ani ni Raphael.
"I missed you, too, Daddy." Niccolo flung his arms wide open and stretched to create a big circle in the air. "This big!"
Raphael chuckled. "Aba, big nga. Sakop na ba sa pagka-miss na 'yan ang Mommy mo?"
Agad siyang nahinto sa pagbutingting ng bag ng anak at kunot ang noong binalingan ng tingin ang lalaki. The man had a grin so wicked it took everything in her to control the delicious shivers it brought.
No! Matigas niyang kastigo sa sarili. Those were cold shivers. Nothing delicious about them. Umayos ka, Guiliana! Amo mo 'yan, remember?
"Did you miss me, too, Guiliana?"
Lalong lumalim ang gitla niya sa noo at sinimangutan na ito. She gave him an eye roll for good measure. He just laughed at her, then returned his attention to his son.
Nahagip naman ng tingin niya ang pinipigil na ngiti ni Nancy. Nairapan niya ito dahil doon. The older woman gave in at lantaran na siyang nginitian.
"Sana sinagot mo ng 'oo'," bulong nito.
Lalong sumama ang tingin niya rito.
Sinulyapan niya muna ang dalawang lalaking abala sa masiglang pagkukuwentuhan para siguraduhing wala sa kanila ang atensyon ng mga ito. Saka siya bumulong din sa nanny.
"Bakit ko siya ma-mi-miss, eh, halos araw-araw ko na siya nakikita? Kahit day off ko tingnan mo at binibitbit niya pa rin ako sa mga lakad niya. Sinasama pa ang anak ko."
"Hindi ka kinikilig?" May halo pang pagtataka sa tono ng babae.
Pinaningkitan niya na ito ng mga mata. "Ano ang nakakikilig doon? Tigilan mo nga ako, Ate."
Tinitigan siya nang maigi ng babae bago umiling. "Kailangan mo magpa-doktor, Lia. May nakabara siguro sa ugat papunta sa puso mo. Hindi tumitibok ng tama, eh."
"Kailangan niyo na rin pong tumahimik," naiinis niyang sabi.
Tinawanan lang siya nito.
Naparahas tuloy ang pagkakasara niya sa bag ng anak kaya naipit ang minipis niyang balat sa daliri sa zipper.
"Shit!" hindi niya napigilang ibulalas dahil sa sakit.
Her gaze automatically flew to her son. Namimilog ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. First time nitong marinig siyang magmura. Napakagat-labi na lang siya.
Kunot na rin ang noo ni Raphael habang nakatingnan sa kanya. Naglakad ito palapit sa kanila habang buhat pa rin si Niccolo. She expected to hear a sermon about cursing, kaya napakurap-kurap siya nang sa halip ay naglahad ito ng palad sa kanya.
BINABASA MO ANG
Elysian Secrets
RomanceAn Elysium Beasts series story Raphael Maximilian Mondragon x Guiliana Madrid Formerly "Pleasure Me, Max" ~~my entry to the boss-secretary trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish DISCLAIMER: This work is for MATURE ADULT AUDIEN...