Kabanata 42-Partial

2.8K 148 55
                                    

Author's Note: Best to wait for the next part para hindi bitin. Pagpasensiyahan na ninyo ang raw version na ito. Super duper draft. Don't expect much 😣

==========

Nag-angat ng tingin si Raphael mula sa hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na pagsipat sa kanyang relo. Inilibot niya ang paningin sa loob ng banquet hall pero nabigo siyang makita ang pigura ni Lia. 

What is taking her so long? The hotel gallery is just a few floors up. Hindi kaya't baka sa connecting suite sa kuwarto niya ito pumunta at nakaidlip?

Gustuhin niya mang lumabas ng bulwagan at hanapin ang babae, hindi niya magawa. Hindi maganda tingnan na pareho silang nawawala sa gitna ng celebration ng kaarawan ng kanilang anak. He doesn't really care about wagging tongues, but Lia does. Katakot-takot na namag lecture ang makukuha niya mula sa babae. Also, he couldn't slip away from his mother's eagle eyes. Heto nga at nakikita niyang pinapaypay na naman siya nang ginang palapit dito. 

With a deep sigh and last glance at his watch, Raphael crossed the room para lumapit kay Sra. Grace. Mahina siyang natatawa habang pinapanood ang eleganteng ginang na patagong ipinapahid ang daliri ni Niccolo sa sariling damit. Looks like the child sneakily poked one of the seven cakes on the table to get a taste of it. 

Nakangisi pa rin siya nang tuluyan nang makalapit sa dalawa. Pumihit paharap si Sra. Grace paharap sa kanya habang mahigpit ang pagkakakapit sa isang kamay ni Niccolo. bumaling sa kanya ang ina. 

"Look what this naughty child did," dismayado nitong pagsusumbong, sabay turo sa cake na may obvious na maliliit na fingerprint sa gilid. "And where are the tablenapkins when you need them?" Umikot pa ito na para bang sa pamamagitan niyon ay biglang may susulpot na tablenapkins out of thin air. 

"Daddy," mahina namang tawag ni Niccolo sa kanya na ikinayuko niya rito. 

"Hmmm?"

"I'm bad," seryoso nitong pagkakanulo sa sarili. "I swiped at the cake even when Lola warned me not to."

"Are you sorry?"

Hindi kaagad sumagot ang bata at parang pinag-isipang mabuti ang sagot sa tanong. To their surprise, umiling ang bata. "No," simple nitong sagot na ikinabilog ng mga mata ng nanay niya. Bago pa makapanermon ang ina, pilyong ngumisi si Niccolo at muling bumulong na para bang magbubunyag nang pinakamagandang sikreto sa mundo. "It was delicious, Daddy. I can never be sorry for that."

Raphael threw his head back in laughter, and then messed the kid's hair playfully.  Lalo lang lumapad ang pagkakangisi ng bata. At the corner of his eyes, he saw his mother roll her eyes up in exasperation. 

"You just wait, Maximilian," ani nito sa tonong nagbabanta. "Just wait til Lia hears of this."

He snickered without saying anything and picked up Niccolo. 

"You're not going to tell Mommy?" nakangiti nitong tanong.

"Nope. It will be our secret."

"Thank you, Daddy." 

Niccolo threw his arms around Raphael's neck and hugged tight. Raphael pressed a soft kiss on the child's forehead. "You're always welcome."

"Nasaan na nga ba si Lia? At ang mga kuya mo't mga pamangkin? Pati ang Daddy? Sina Oliver at Sabrina? Naku naman. Bakit kung kailan picture-an na saka nawawala ang mga miyembro ng pamilyang ito?"

Senora Grace walked out with a determination in her steps. Titipunin nito ang angkan habang naiwan naman sila ni Niccolo sa harap ng mesa ng mga cake. Nagkakatitigan sila ng bata at sabay na ngumisi. 

Raphael realized that looking at Niccolo is like looking at a mirror. A mirror of his younger self. He deserves to be shot with how blind he was all these years. At karapat-dapat nga siyang taguan ng anak sa pagkatanga niya.  

May dumaang waiter at nag-request siya ng bread knife mula rito na agad naman nitong ibinigay. He cut a very thin slice of the cake Niccolo swiped earlier and gave that piece to the child. Galak na galak naman nito iyong tinanggap at agad na kinain. Pinapahid na nila ng tablenapkin ang dumikit na icing sa mga daliri ni Niccolo nang bumalik si Sra. Grace kasama ang event photographer. 

"Wala pa rin... Oh, Lia, thank goodness and you're back!"


Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon