Lia eyed the long line of women in varying degrees of sparkling almost-nakedness, with similarly sparkling partners beside them. She looked back longingly at the taxi they'd just gotten out of para parahin ito ulit pero mabilis na itong nakalayo.
Binalingan niya ang katabi. "Lumipat na lang kaya tayo?"
"Sira ka ba?" asik ni Lacey. Kinapitan agad siya nito sa braso at mabilis siyang hinila palapit sa pila. "Lumipat. Pwe," naiinis pa nitong dagdag.
Kahit medyo madilim, kitang-kita niya pa rin kung paano umikot ang mga mata ng kaibigan. Lacey could have been a contender for the title of Expert Eyeroller if eyerolling was in the Guinness Book of World Records.
"Binuyo natin ang lintekang haba ng traffic mula sa opisina mo papunta rito. Nagbayad tayo ng pamasahe sa taxi na kasing mahal ng ticket sa eroplano. Tapos, magyayaya kang umuwi? Naririnig mo ba ang sarili mo, Guiliana?!"
Pataas nang pataas ang boses nito habang nanenermon. Sa lobby pa lang nanenermon na ito, hanggang sa taxi, at pati ngayon sige pa rin. She's the only one with child in her group of friends pero itong si Lacey ang nagger.
She tried to placate the irate woman."Hindi ko naman sinasabing umuwi na tayo. Lumipat lang sa ibang club na mas maiksi ang pila." Tinuro niya ang linyang sinusundan nila. "Baka madaling-araw na bago tayo makapasok. Sa Rakesh na lang kaya tayo. Nagustuhan naman ninyo roon last time, 'di ba?"
Sinulyapan niya ang dalawa pa nilang mga kaibigan. Magpapakampi sana siya pero hindi sila pinapansin ng mga ito. Nakatutok ang dalawa sa kanya-kanyang cellphone.
Wala na siyang nagawa kundi magpaubaya nang hilahin siya ni Lacey sa dulo ng pila. Tahimik namang sumunod sina Chantal at Emmeline sa likuran nila.
She heaved a forlorn sigh and braced herself for the long wait. Treinta minutos na ang lumilipas pero hindi pa rin sila nakaaabot kahit man lamang sa pinto ng club. Parang ang sarap maging senior citizen sa mga oras na iyon at mag-demand ng priority lane.
Ang daming mga batang nakapila ngayon. Naalala niya ang sinabi ni Raphael kanina na may sikat na DJ sa loob ng Celeste ngayon. Kaya siguro ang daming bata. Kahit 31 pa lang naman siya, ramdam na ramdam niya ang pagiging tita habang tinitingnan ang mga nasa unahan nila na nagpapaligsahan sa pakintaban at paiksian ng damit.
Napatingin na lang tuloy siya sa sariling suot. Hindi lang yata siya mukhang tita. Lola na nga yata. Napabuntong-hininga na lang siya.
Gusto na niyang magparoo't parito dahil nangangalay na siya sa bigat ng overnighter niya. Pakiramdam niya bumabaaon na ang strap ng bag sa kanang balikat niya. Pero hindi naman siya makaalis dahil ang higpit nang pagkakahawak ni Lacey sa braso niya. Parang takot itong mawala siya bigla.
Noong nakaraang Biyernes, napag-usapan nilang magkakaibigan na sawa na sila sa mga 'lesser club' ni Raphael. They call those places 'lesser club' pero napapangiwi pa rin siya sa tuwing tinitingnan ang credit card bill niya at nababasa ang mga pangalan ng mga club na iyon doon.
Oras na raw para akuin nila ang pagiging young professionals. People half their age are enjoying the nicest clubs in town on their parents' gold. Bakit silang pinaghihirapan ang bawat singkong tini-tip sa mga bartenders na gumagawa ng mga mocktails nila hindi iyon magawa?
She could have told them that the answer to the question is already in the argument. They don't have parents who have gold lying around. Well, Lacey and Emmeline have. Sila ni Chantal, wala.
Hindi na niya nasabi iyon noong nakaraan dahil bukod sa tipsy na siya, natalo na siya sa debate. The group drunkenly chosen Club Celeste as their first entry into to her boss' high-end nightclubs.
BINABASA MO ANG
Elysian Secrets
RomanceAn Elysium Beasts series story Raphael Maximilian Mondragon x Guiliana Madrid Formerly "Pleasure Me, Max" ~~my entry to the boss-secretary trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish DISCLAIMER: This work is for MATURE ADULT AUDIEN...