Linggo pa lang pero ang haba na kaagad ng to-do list ni Lia mula sa amo niya. Nilalapag lang naman nito ang mga isandaang utos mula sa Book of San Raphael habang nagmamaneho.
Ito ba ang ganti ng lalaki sa pamimilit niyang umuwi na sila ni Niccolo: ang bingihin siya sa dami nang pinapagawa nito? Nasaan na ang 'right to disconnect' niya bilang empleyado? Though, how could she possibily disconnect with her boss physically beside her dictating all the way home?
"Were you even listening to me, Guiliana?" naiirita nitong tanong nang hindi pa nga tuluyang humihinto ang sasakyan nito ay nagtatanggal na siya ng seatbelt.
She looked away from him to hide her eye-rolling. "Opo," nang-uuyam niyang sagot. "Bubuksan ko lang ang gate para makapasok ka."
Hindi na niya hinintay ang tugon nito at binalingan ang anak na nagsi-sing-along sa kantang tumutugtog sa sasakyan. Mali-mali man ang lyrics nito, at least, nasa tono. Perfect pitch pa nga.
Mana sa tiya nito, at ayaw niya mang aminin, sa ama. Walang aasahan sa kanya. Sintunado siya.
"Nico," tawag niya sa atensyon ng bata. Hinintay niya munang tumingin ito sa kanya bago nagpatuloy. "Don't go out of the car, okay, baby?"
"Ow-kee," masaya naman nitong sagot pagkatapos ay bumirit sa chorus na mali pa rin ang mga salitang binabanggit.
Natatawang bumaba na siya at binuksan ang metal gate ng bahay niya. Hinintay niyang maiparada ni Raphael ang sasakyan nito sa loob ng bakuran niya bago tinulak ang gate pasara. Pagharap niya, binubuhat na nito si Niccolo palabas sa sasakyan. Inabot din nito sa kanya ang bag na puno ng gamit ng bata bago din isinara ang pinto ng sasakyan.
Sabay silang umakyat ng hagdan. Nauuna lang ito ng isang hakbang sa kanya pero hinintay din siya sa pinakataas na baitang para mapagbuksan niya ito ng pinto.
Kasusuksok niya ng susi pero kusa nang pumihit ang seradura at bumukas ang pinto. Raphael and her stared at the woman holding the door open for them.
"Ames," nagulat niyang tawag rito. Her younger sister just blinked.
"Auntie Ami!" hiyaw naman ni Niccolo mula sa bisig ni Raphael.
Napangiti naman agad ang babae sa narinig mula sa bata. "Baby," bati pa nito kay Niccolo. Binalingan rin siya nito at binati, "Lia."
Nilinuwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at tumabi para tuluyan na silang makapasok ni Raphael sa loob ng bahay.
"Amber," bati naman ni Raphael nang matapat dito.
"Mr. Mondragon," magalang naman nitong ganti.
Umarko ang kilay ni Raphael. "Raphael would do."
"Mr. Mondragon," Amber said firmly.
Raphael glanced back at her. "Do you also teach your sister to annoy me?"
Muling umikot ang mga mata niya. Malakas ang loob niyang ganunin ito. Linggo naman at nasa sarili siyang pamamahay. Whatever she does here wouldn't be used as a ground to terminate her.
"Everyone in my family seems to annoy you."
Malapad na ngumisi ang lalaki. "Not everyone." Hinarap nito si Niccolo na buhat-buhat nito. "This one is adorable."
Humagikhik naman ang bata dahil tinawag na adorable. Yumakap pa ito nang mahigpit sa leeg ni Raphael at pinaliguan ng maliliit na halik ang mukha. Raphael's loud and happy laughter filled their small living room. Sinabayan din ito nang tawa ni Niccolo. The two males grinned at each other happily.
Amber and her looked at the happy scene silently. Then, her sister glanced at her meaningfully before closing the front door. She sighed, exhausted. Hindi na matapos-tapos ang araw na ito.
BINABASA MO ANG
Elysian Secrets
Roman d'amourAn Elysium Beasts series story Raphael Maximilian Mondragon x Guiliana Madrid Formerly "Pleasure Me, Max" ~~my entry to the boss-secretary trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish DISCLAIMER: This work is for MATURE ADULT AUDIEN...