Kabanata 43 - 1st Part

3.3K 161 26
                                    

Author's Note: This is a (verrrry) raw version. Please don't expect a fluid read😣

==========

Please. Please. Please, pick up.

Habang tumatagal na pag-ring lang ng kabilang linya ang naririnig niya, lalo ring humihigpit ang pagkakapit ni Lia sa cellphone niya. Paroo't parito siya sa tapat ng pintong nagkokonekta sa suite niya sa suite ni Raphael. 

Matagal nang kumawala ang buhok niya mula sa mahigpit na pagkakapusod niyon dahil sa kanina niya pa iyon pinararaanan ng kanyang mga daliri. Panaka-naka rin niyang naikukuyom ang kamay na ikinahila niya sa sariling buhok. The pain helps manage her anxiety while she waits for Renault DeMille to pick up the phone.  

Bago pa muling ma-disconnect ang tawag, a voice tinged with sleep came on the line. "Lilypad?" anito. Finally!

Napakunot-noo siya at napasulyap sa miniature grandfather clock na nakapatong sa coffee table sa kuwarto. Why is Renault sleeping at half past nine in the evening? Is he not in the Philippines? Naka-roaming lang ba ito kaya natatawagan? Of all the days... he couldn't be out of the country tonight! He just can't do this to her!

"You have to help me, Ren. Please help me," pagsusumamo niya sa telepono. 

"Where are you?" agad nitong tanong. 

She could hear movement from his end and a feminine voice which he immediately shushed. Medyo natauhan siya sa boses na iyon. 

"You're busy," nanlulumo niyang sabi.

"No! Never, for you. Where are you?"

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-aalinlangan kung itutuloy niya ba ang sasabihin, pero nang maalalang napapalibutan ng angkan ng Mondragon ang anak niya, her resolve strengthened. Once again, she has to become a selfish bitch so she could get herself and Niccolo out of this predicament. Walang puwang ang ibang tao sa utak niya ngayon.  

"Sa Riviera. Sa connecting room sa suite ni Raphael. Please come and get us."

Isang minutong katahimikan din ang lumipas bago umimik si Renault. Tila hinintay muna nitong mag-sink in sa utak ang sinabi niya. "So, your game is up and your secret is out?"

Pagak siyang tumawa. "I was the one that got played." Hindi na niya ito hinayaang makapag-komento pa at nagpatuloy. "How fast can you get here?"

"Thirty minutes. Hold on until then."

She released a calming breath hearing that rescue is near. "Salamat, Kuya."

"There's no need for gratitude between family. You know I'd do anything for you."


Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon