Kabanata 1

13.9K 192 40
                                    

"Oh, no, no, no!"

Lia leaped the last two feet to the elevator and pressed long and hard on the 'down' button, but the doors still closed on her. She looked up at the blinking numbers and her insides twist in anxiety. Wala na. Mapapagalitan na naman siya nito ni Lacey.

Nilingon niya ang kabilang elevator sa kanyang kanan. Nakabukas ang mga pinto niyon at mukhang nang-aakit na pasukin niya. Pinigilan niya ang sarili. That elevator might bring her to the lobby faster, but she will pay for it with office gossip.

Not worth it.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa panel ng elevator sa harapan niya. She wanted to tap her foot, but the hefty overnight bag she had on one shoulder and the thick Manila envelope in the other hand prevented her from doing so.

Sabay-sabay na sila ngayon ng mga kaibigan niyang maiinip—sila sa kahihintay sa kanya sa lobby, at siya sa kahihintay ng elevator na muling umakyat.

Isinisisi niya ang pagiging late ngayon sa among nag-iwan ng Manila envelope na kasalukuyan niyang bitbit. Kamuntikan niya iyong makalimutan at binalikan niya pa kaya naiwan siya ng elevator.

Biyernes at off niya ang weekend. Alam naman iyon ng amo, pero nagbigay pa talaga ng take-home assignment.

"Go through that and let me know what you think," utos ni Raphael Mondragon pagkarating na pagkarating nito kaninang umaga.

Linapag lang nito ang Manila envelope sa mesa niya at dumiretso na sa sarili nitong opisina. Kinalimutan na siya for the remainder of the day. Typical of that boss of hers.

Hindi niya binuksan ang envelope. Marami pa kasing mga naunang files na hindi niya pa natatapos. Iuuwi na lang niya iyon sana hanggang sa kamuntikan na ngang makalimutan at kailangan niya pang balikan.

She's bringing work home now.

Hindi ka kasi busy, ano? Sarkastikong bato ng utak niya.

She disgusts herself sometimes. Naturingan pa namang may magandang quality worklife program ang kumpanya nila pero heto at nag-uuwi pa rin siya ng trabaho.

Raphael kasi!

Pinanlalakihan na niya ang mga umiilaw na numero sa panel na mukhang nananadya at hindi na gumagalaw. Isinama na niya iyon sa himutok niya kay Raphael.

Hindi niya ito maintindihan minsan. Panay komento that she should get a life pero ang hilig magbigay ng last minute tasks tuwing Biyernes. Alam naman nitong Biyernes lang ng gabi siya nakalalabas kasama ang mga kaibigan.

Oo nga at hindi naman nito sinasabi na gawin niya lahat ang mga iyon ora mismo pero kilala naman siya nito. Hindi niya natitiis na hindi buklatin ang mga binibigay nitong reading materials.

Executive secretary at personal assistant rolled-into-one siya ng lalaki. Hindi maalis sa kanya ang takot na baka may makaligtaan siya at iyon pa ang maging mitsa nang pagkasira ng meeting nito. Kaya, kahit nasa bahay, nagtatrabaho pa rin siya minsan.

"You should get a life, Guiliana," anas niya sa malalim na boses. She mocked that man's arrogant tone every time he says that line to her.

Sino kaya ang dahilan kung bakit hindi niya iyon magawa? Nakaiinis!

She sighed and pleaded silently with the God of Lateness to use his powers and pull the building elevator up fast. The god must be sleeping. Walang sumasagot sa mga dasal niya.

Her distorted reflection on the gleaming elevator wall stared back, as if mocking her. Napahawak siya sa nakapusod niyang buhok at akmang tatanggalin sana iyon pero nagbago rin ang isip niya. Kailangan niyang suklayin at muling ayusin ang mahabang buhok kapag naglugay siya. Wala na siyang oras para doon.

Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon