Kabanata 29

3.5K 85 19
                                    

Hindi siya 'to! Hindi siya nagte-text nang ganito!

Pero hindi maitanggi ni Lia na daliri niya ang tumitipa sa screen ng cellphone niya. Tumipa ng mga salitang 'cock', 'breast' at suck. Pakiramdam niya ay nasipa ang totoong kaluluwa niya mula sa kanyang katawan at napalitan ng ibang kaluluwang mahalay. Ang kaluluwang iyon ang naglalagay ng kung ano-anong makasalanang ideya sa utak niya at nagpaparamdam nang kung ano-anong hindi niya inakalang mayroon pala siya.

She hadn't been a virgin for years, and she'd worked on the fringes of the sex industry for years before that. A girl's gotta live after all. For all those years, she has never texted filthy things like this, let alone spoken of them. She just had to dance and move. Nobody required her to speak. Not even during that unforgettable night.

Pero heto siya at parang gaga na nagte-text nang kung ano-ano sa lalaking hindi niya pa nakikita ang mukha. Hindi niya pa nakikita ang mukha, but has done almost everything under the erotic sun with.

You can still have all that, sugar.

Binasa niya ulit ang sagot ni Max sa text niya. She understood the text for the temptation that it is. And she's sorely tempted. Why did she even start this?

Endymion is designed in such a way that a small group could have their own 'private' bar with a dedicated bartender. Palihim na sinulyapan ni Lia ang isa sa mga iyon. Ang pinakamalapit sa booth nilang magkakaibigan. It's still across the room, but it's near enough she could still make out her boss' silhoutte.

Raphael appears to be busy with his own cellphone. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa kausap. Nakatagilid man, kitang-kita niya pa rin ang mapaglarong ngiti nito habang nakatunghay sa screen ng cellphone nito.

Inaamin ni Lia sa sarili niya na naiinis siyang makitang maganda ang mood ng amo ngayong gabi. Iritado pa rin siya kasi sa sinabi nito sa sasakyan. Masama pa rin ang loob niya doon kahit na hindi naman niya talaga gustong maging mistress ng lalaki ... Or does she? Is that where her irritation comes from?

Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip. Iyon ang dala ni Raphael sa kanya. Sama ng loob at sakit ng ulo. She should just quit the damn man and focus on this Max instead. Kahit na wala rin siyang mapapala sa huli sa lalaking ito, at least, ngayon, he makes her happy without the strings, dashed expectations, and broken hearts.

Ibinalik niya ang atensiyon sa pakikipag-text kay Max.

'If I'm going to have all that with another girl, mister, huwag na lang.'

Alam niya namang wala siyang karapatang mag-demand nang kahit ano sa lalaking ito, but she couldn't really take sharing him with someone else tonight. He is her secret indulgence. He should just give her all the pleasure and none of the pain. Isn't it how indulgences work?

'No other, Lily. You are more than enough for me.'

Mahina siyang natawa habang binabasa ang sagot nito. Kahit kailan talaga, ang tamis ng dila ng lalaking ito. Alam na alam kung paano siya makuha. Siya namang parang timang nagpapakuha rin. Not that she believes a single word he says. She perfectly knows that all this are part of the fantasy of Max. He seems to want to have what they call the girlfriend experience. He is in luck. She wants the boyfriend experience, too. She never had one of those before.

'Bolero.'

'Did it work?'

Tuluyan na siyang natawa. Mabuti na lang abala ang mga kaibigan niya ngayon sa dance floor. Kung hindi, kanina pa siya pinutakti nang panunukso. Baka may isa pang umagaw ng cellphone niya.

'Yeah.' Ibinalik niya rito ang isang salitang text nito kanina.

'Hmmm ... Prove it.'

Elysian SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon