Lia greeted the hotel doorman back. It was an afterthought. She was busy taking in her first sight of The Elysium.
She just realized now that Raphael didn't bring here before. Well, not when it was completed. That one awkward day in his unfurnished suite does not count.
A massive statue of four mythical beasts intertwined together dominated the lobby. It reminded her of the golden globe in The Venetian Macao lobby, except that this is twice the size of the globe and more imposing. She didn't see anyone fighting with each other to take a selfie with the beasts in the background.
She slowed her steps and eventually stopped right in front of the fearsome golden dragon. She glanced at the three other beasts beside it — ouroborus, manticore, and griffin. Majestic beasts in their own right, but her eyes kept coming back to the dragon. Raphael Mondragon's beast.
The dragon's red eyes seem to stare back at her the longer she looks at them. Napabawi na lang siya ng tingin. She took a breath, stepped away, and continued walking to the reception area.
Marami pang tao roon at ang limang receptionist na nakikita niya ay may kaniya-kaniyang kliyenteng inaasikaso. She decided to stand at one corner and waited for her turn.
She used that time to continue observing. Doon niya napansin ang hile-hilera ng mga magagarang sasakyan sa labas. Na-conscious na tuloy siya ngayon na nag-taxi lang siya papunta rito. Sana pala tinanggap niya na lang ang company car na ipinipilit ni Raphael sa kanya. It's too late for regrets now. As it has been for so many other things in her life.
Ibinaling niya na lang ang tingin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa suot naman niya ngayon siya na-concious. Mabuti na lang at nagbihis siya bago pumunta sa Elysium. She had on a royal blue off-the-shoulder sheath dress. Hindi man iyon kasinggara ng mga suot ng ibang nakikita niya ngayon, at least, hindi pants.
Sa susunod niyang punta rito, kung may susunod pa, isusuot na niya ang Dior black dress na niregalo sa kanya ng nanay ng amo niya. Nangongolekta lang naman iyon ng alikabok sa closet niya. Kawawa naman.
Napilitan siyang umuwi sa bahay niya kanina sa halip na dumiretso rito. Nakalimutan niyang isilid ang mga bihisan sa loob ng kanyang bag nang umalis siya ng bahay noong umaga.
Paglabas niya ng kuwarto pagkatapos magbihis, natuon sa kanya ang atensiyon ng anak at ang nanny nito.
"Wow, Ms. Lia, ang ganda mo," nakangiting papuri ni Nancy na awtomatiko niyang ikinangiti. Mukha talaga siya sigurong katulong sa regular niyang gayak dahil ganoon na lang ang pagkamangha nito sa ayos niya.
Sobrang lalim naman ang pagkakakunot-noo ni Niccolo habang nakatitig sa kanya. "Why are you looking too beautiful, Mommy?" tanong nito. Halatang naiinis ito dahil diretso mag-English.
Lihim siyang napabuntonghininga. Ito ang napapala ng anak niya sa kasasama kay Raphael. Ganoon din ang lalaki kapag malapit na mag-tantrum.
"Mommy will be finding you a daddy," natatawang tukso ni Nancy. Inirapan niya ang mas nakatatandang babae. Ginagatungnan pa talaga ang iritasyon ng anak niya.
Niccolo frowned even more at her and slowly turned his little head to stare at his nanny. "I already have a daddy," mariing deklarasyon ng bata at muling tumingin sa kanya. "His name is Raphael Mondragon."
Naubo si Nancy habang pinipigil ang ngiti.
"Magtigil po kayo, Ate," nagbabanta niyang saway sa babysitter.
The older woman just pursed her lips but winked at her teasingly. Napaikot ang mga mata niya bago yumuko para halikan ang anak at nang makapagpaalam na rin rito.
BINABASA MO ANG
Elysian Secrets
RomanceAn Elysium Beasts series story Raphael Maximilian Mondragon x Guiliana Madrid Formerly "Pleasure Me, Max" ~~my entry to the boss-secretary trope/cliche~~ GENRE: Erotic Romance (M/F) LANGUAGE: Taglish DISCLAIMER: This work is for MATURE ADULT AUDIEN...