TLL 1:

74.2K 1.7K 45
                                    

A/N : ang update po nito ay madalang lamang, kapag meron lang po akong libreng oras...
Working at graduating student po:)
Please understand, or basahin nyo na lamang po ang story kapag completed na...dahil mabibitin at mabibitin po talaga kayo....

Maraming salamat:)

***

1.

" Ren can we talk?" Muling nilingon ni Ren si Eunice, huminga muna siya ng malalim saka muling nilingon ang kinaroonan ni Candice kausap ang professor.

Pumasok pa ang dalawa sa loob. Nakaramdam siya ng inis dahil sa lapad ng ngisi ni Darnang Flat.

"Ren?" Muling tawag sa kanya ni Eunice, napatingin din ito kung nasaan ang kanyang mga mata.

"Sige" pagsang-ayon ni Ren para makuha ang atensyon nito. Hindi niya alam kung para saan at kung ano ang pag-uusap na gusto ni Eunice. Kahit mahirap, sinikap niyang lumayo dito kahit paunti-unti. Humihingi ito ng distansiya sa kanya. Mahirap naman kasi tanggapin na sa kabila ng maraming bagay na nagawa mo para patunayan ang pagmamahal mo sa bandang huli, hindi naman pala ikaw ang pipiliin. Napakasakit noon. Ilang bote ng alak ang itinumba niya, ilang luha din ang inubos niya. Hindi masamang umamin na talagang iniyakan niya ang araw na sinabi nito sa kanya na hindi siya, sa halip si Dion ang nagugustuhan daw nito, ang kababata. Ilang taon na rin silang lumaki halos na magkasama, simula noong araw na nakita niya ito sa kanilang sala. Nakita niya ang takot at pagkabalisa sa mga mata nito.

Para itong isang alaga na ipinamigay lamang. Naawa siya, hindi hamak na maswerte sila ni Ran, di man nila nakagisnan ang kanilang ama, mayroon naman silanh mabait na ina na walang kapantay ang pagmamahal. Lahat gagawin para sa kanila, that's how lucky they are. Kahit na nalaman niya na ang mommy niti ang dahil, kung bakit naghiwalay ang kanilang mga magulang. But still, kung anuman ang naging kasalanan ng mommy ni Eunice, labas ito doon. Minsan hindi totoo kung ano ang puno siya din ang bunga. He knew that Eunice is different.

Simula noong araw na 'yun, ipinangako niya na aalagaan ito. And that's what he is doing, kaya lamang mukhang hindi nito gusto ang pagmamahal na gusto niyang ibigay.

Natanggihan. Hindi lamang isa, dalawa o tatlong beses.

"Pwedeng sa labas?" Pakiusap ni Eunice. Nakita ni Ren ang pagkabalisa sa histura nito habang nakatingin sa mga tao sa kanilang paligid, napupuno na naman ng estudyante . Hindi kasi sikreto ang pagkagusto ni Ren dito at sa proposal niya rito nitong freshman sila na tinaggihan nito.

Hindi na rin nagtataka si Ren, pero ,may gusto muna siyang gawin bago sumama dito. Tiyak niyang hindi siya mapapalagay kapag hindi niya ginawa iyon.

" ok, pwedeng hintayin mo ako sa kotse, may kakausapin lamang ako." Tumango ito at tumalikod, sinundan muna ito ng tingin ni Ren bago pumihit. Tinungo niya ang faculty. Kakatok na siya ng bigla itong bumukas.

Nakakunot noo na Candice ang sumalubong sa kanya.

"Problema mo?"

"Harang ka sa daan, yan ang problema ko." Wala na siyang naisip na dahilam kung hindi iyon, umismid ito at tumabi.

Kanina lamang nakangiti pero ngayon nakasimangot na naman ito.

" oh, ba't di ka pa pumasok? " tanong nito sa kanya. Pinapanood siya nito. Wala siyang nagawa kung hindi buksan ang pinto.

Napaangat ng tingin ang ilang sa mga instructor at mga prof sa loob.

"Mr. Romualdez?" Tinawag pa siya ng isa.

"Bye ma'am" sagot niya dito saka tumalikod at luambas. Nakita niya ng naglalakad sa hallway si Candice. Tumakbo siya para maabutan ito.

"Hoy!" Tawag niya pero hindi ito lumilingon. Tama ang kanyang hinala ng maabutan ito, meron na naman itong pasak sa tainga.

Tinanggal niya iyon.

"Ano ba!" Inis na hiyaw nito, mas lalong nagalit ito ng siya ang makita.

" kaya ka bingi, lagi may pasak ang tainga mo!"

" ano bang pake mo? Kainis to!" Tumalikod na ito at nag umpisang maglakad.

" hoy may sasabihin pa ako," hinawakan ni Ren ang balikat nito kaya naman napwersa ito na huminto.

"Ano po ba yun ?" Sarkastikong sabi nito.

" gawin na nating yung project bukas!"  Utos ni Ren dito.

"Hindi ako pwede bukas, busy ako, itetext na lang kita!" Sabi nito saka tumingin sa relo.

"Busy pero may oras kang mag pacute sa prof. Tsk?"

"Anong sabi mo?" Hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Ren, pero hindi niya babawiin ang bagay na totoo naman.

" halatang crush mo yung teacher na 'yun, bukod sa hindi kayo bagay-" pinutol  niya pa ang sasabihin at pinasadahan ito ng tingin. Nagtaggal 'yun sa mismong dibdib nito." Hindi ka rin niya magugustuhan,wala syang mapapala sa'yo...kasi nga flat! " tinakpan ni Candice ang dibdib gamit ang kanyang bag.

"Ang bastos mo talaga!" 

" nakapameywang lang si Ren habang nag-eenjoy sa pag-laki ng butas ng ilong nito..nag eenjoy dun siyang makita ang nuna nito sa dulo ng ilong. Minsan nga gusto niyang itanong kung naduduling ba ito kapag nakikita ang nunal sa tuktok ng ilong.

" hindi ako bastos, nagsasabi lang ako ng totoo, hindi kasi ako pinangak na sinungaling," katwiran ni Ren.

"Talaga lang ha, tamaan ka sana ng kidlat." Banta nito sa kanya at muling tumalikod' nasa  harapan pa rin nito ang backpack.

"Hoy!" Muling tawag ni Ren.

"Hoy mo mukha mo!" Ganting sigaw nito na hindi lumilingon.

"Candice!" Napatigil ito ng isigaw niya ang pangalan nito.  Humarap ito sa kanya. Napatigil siya sa hitsura nito.

"Please, wag muna ngayon, time out muna," ngumiti ito at muling naglakad paalis.

Hinayaan na ni Ren na mawala ito. Iba ang nakita nya sa mata nito at sa ngiti na binigay nito sa kanya.

Magkasalungat.

Napalingon tuloy siya sa kanya likod. Hindi niya iaasahan na makita ang prof doon na kanina lang kausap ni Candice. Blangko ang hitsura nito. Narinig ba nito ang usapan nila? Kaya ba nagbago ang mood ni Candice dahil nakita ito sa kanilanh likuran.

Tumalikod na rin ito.

Wala ng nagawa si Ren, muntikan niya ng malimutan na naghihintay pala sa kanya si Eunice.

***

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon