TLL 16:

47.6K 1.5K 156
                                    


So many" bitin "word na comment, what will you expect sa isang on going story?
Just saying...

#unedited
...

16.

Hindi alam ni Ren kung bakit may hinahanap ang kanyang mga mata. Maybe he's waiting for someone to come. Kaya lang hindi niya pa iyon maamin sa sarili.

"Su-sure." hindi niya lubos maisip kung bakit tunog napipilitan ang salitang yun, di gaya dati, sabik siya sa mga ganitong pagkakataon. Sa likod ng kanyang utak, naiisip niya na ganoon pa rin naman, may himig pagdaramdam nga lamang kung bakit ngayon lang.

Si Eunice ang nagdecide kung saan sila kakain, may ibang lugar pa man siyang nasa isip. Itatanong niya rin sana kung pumasok na si Candice, wala ito sa klase kanina, madalas itong late, yung tipong isang minuto na lang bago magsimula ang klase darating ito. Pero ngayong araw hindi talaga ito napakita at wala siyang ideya kung bakit. May numero ito sa kanya pero hindi naman sinasagot.

"Okay ka lang?" Nabigla siya sa tanong ni Eunice. Natural na okey naman siya dahil kasama niya ito, silang dalawa lang, parang date.

" Yes I am." Ngiti niya dito.

"You seems off, kanina mo pa pinaglalaruan ang cake na order mo," napatingin siya sa slice ng cheesecake, lasog na lasog na iyon, tipong minurder. Hindi siya tinuruan ng kanyang honey na maglaro ng pagkain dahil marami daw ang nagigugutom. Sadya nga lamang sigurong malayo ang nilalakbay ng kanyang isip at hindi niya na namamalayan ang kanyang ginagawa.

"Sorry."

"Hindi mo ba yan gusto? I can order another for you." Suhestyon nito. Kung si Candice ang kasama niya ngayon, magagalit ito,kukunin ang pagkain niya kahit durog na, ito ang kakain dahil p.g. ito, walang pinipili. Walang inaatrasan dahil libre. Pero dahil si Eunice ang kasama niya, hindi siya nito pagagalitan. Sa halip, oorder pa ito ng iba para sa kanya.

"No thanks, hindi naman din ako gutom."

"Ah, ganoon ba." Pilit itong ngumiti, siya naman ay nahihiwagaan pa rin sa kilos nito.

"Hindi pa rin kayo bati ni Doraemon?" Yung boyfriend nito. Iniisip niya na yun ang dahilan kung bakit malungkot si Eunice at kailangan ng kasama. Hindi naman siya nito lalapitan kung hindi ganoon. She needs him and just like before he is willing to spend his everyday just to make her happy.

Pero ganoon pa rin nga ba?

" Hindi kami nag-away, " napatango na lamanh siya at iniiwas ang mata sa tingin nito. He divert their conversation, hindi rin naman niya gustong pag usapan ang mokong na si Doraemon, Dion pala, pero mas gusto niyang tawaging pusang Robot ang lalaki.

"Kailan ka bibisita sa bahay, tinatanong ka ni honey," ngumiti ito sa pagkabanggit sa ina. Kahit naman kasi may nakaraan ang parents nila ay hindi itinuturing na iba ng kanyang mommy si Eunice. Sa sobrang bait nito, kayang kaya nitong halikan ang pagkukulang at kalokohan ng kanilanh daddy. Pero syempre hindi ito gagawa na ng kalokohan, takot lamang nitong mawalan ng pamilya. Marami silang mawawala kapag nagkataon. Syempre hindi niya rin yun papayagan, hindi niya hahayaan na maloko ang kanilang honey, kaya naman ibayong paghihirap ang pinaranas nila sa ama kahit mga bata pa sila. Magpahanggang ngayon, iniinis at pinagseselos niya pa rin ito. Effective naman.

"Alam mong takot ako kay Ran," pag amin nito, malaki talaga ang phobia nito sa kanyang kakambal. Marami naman, hindi lamang ito. Lahat ng nakapaligid ay ilag sa kanilang si Ran kayang kaya nitong pasunurin ang lahat sa pag irap lamang nito at pagkumpas ng kamay. Higit sa lahat, paborito ito ng kanilang bunso na si Rojan at higit ng kanilang daddy.

"She's always like that, hindi ka pa ba nasanay sa ugali niya?" Sinusubukan nyang pagaanin ang loob nito.

...

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon