#unedited
...
47.
Tahimik si Candice hanggang sa magdesisyon silang umuwi, ayaw nga niya sana, kung pwede lamang iuwi na lamang niya ito sa kanyang bahay kaya lang hindi pa ito ready.
Naguguilty rin siya sa pananahimik nito, dinaan niya kasi sa bilis kaya naman nangyari na ang nangyari, pero wala siyang pagsisisi sa katawan, sana ganoon din ito. He wanted to marry her kaya lamang nanghihingi ito ng palugit, hindi buwan kung hindi taon? Kakayanin niya pa kaya? Ano kaya ang posible niyang gawin para mabago ang isip nito?
"Ren! Lumampas na tayo sa bahay!"
"Ha?!"Hindi niya napansin na nakalampas na pala siya, napailing na lamang si Candice , pumihit siya para maibalik ang kotse. Buti na lamang talaga at hindi sila naaksidente sa pagiging absent minded niya." Sorry, iniisip ko kasi yung nangyari kanina kaya wala ako sa sarili," ngumisi siya at namula naman ito. Tinanggal nito ang seatbelt. Nag -aalala ito, kasalanan niya.
"Samahan kitang magpaliwanag sa ate, I think hindi ka rin maayos makalakad kaya aalalayan kita kasi you know...."
"Wag!" Mabilis naman na pigil nito sa kanya,"kaya ko naman, sige papasok na ako." Akma siyang lalabas ng pigilan siya nito, balisa ito at siya ang may gawa noon. Bago pa man ito makaalis ay pinigil niya ang kamay nito. He is worried.
"Are we good? Hindi mo naman ako kinamumuhian sa nangyari diba? Hindi naman ikaw yung klase ng babae na biglang nawawala diba?" Hindi niya masabi kung bakit siya nakakaramdam ng kaba sa kilos nito.
Bakit kasi, mas inintindi niya yung ulo siya sa baba kaysa nasa taas? Yan tuloy, mukhang nag aalalangan na si Candice sa kanya.
"Candice, Are we good?"
"O-oo naman, sige una na ako." Mabilis itong nakawala sa kanyang hawak, pumasok na ito sa loob ng bahay matapos ang isang beses na paglingon. Ayaw niya pa sanang umalis kung hindi lang siya nakatanggap ng tawag mula sa kanyang ama.
"Where are you?" Kinabahan siya sa boses nito, nakaramdam siya ng takot.
"Something wrong?" Wag naman sana, pero ang boses ng kanyang ama ay nakakabahala.
"Pumunta ka sa hospital ngayon din, Eunice had an accident, she's in dangerous situation, and do you know who was with her? "
"Sino po?"
"Si Amanda!Paanong hindi mo nalaman? Ikaw ang dapat nakakaalam na nagkikita na sila!" Hindi na siya nakasagot pa sa galit ng ama, sinabi na nito kung saang hospital siya dapat magtungo. Kinalma niya angs sarili para maayos na makapunta doon.
Kinakabahan siya sa posibleng nangayari kay Eunice, base sa kanyang daddy ay malala daw ito.
...
Pinakinggan niya lamang ang galit ng kanyang ate, hindi na siya nagsalita dahil may katotohan naman ang bawat sinasabi nito. Buti na lamang at wala ang kanyang mga pamangkin para hindi marinig ang mga ganoong bagay.
"At talagang mana na ka malandi mong ina no, sa bagay kung ano ang puno siya din ang bunga. Kung saan saan siguro kayo naglalandian ng mayaman mong boyfriend, sa bagay mapera na yan, pakakawalan mo pa ba? Pero wag kang pakasiguro , dahil baka pag nagsawa na rin yun iwan ka na! Maghahanap yun ng mas maganda at karapat dapat na iharap sa magulang niya, hindi katulad mo na bunga ng kataksilan!Maghihiwalay din kayo!"
"Jo tama na!" Kanina pa ito sinasaway ng kanyang kuya, pero patuloy lamang ang bibig nito.
"Hayaan mo nga ako! Wag mong kampihan yung babae na yan!" Bumaling sa kanya ang kanyang kuya sinenyasan siya na pumasok sa kanyang silid. Yumuko na lamang siya, ang dalawa na naman ang mag aaway ng dahil sa kanya.
Hindi na talaga magbabago ang kanyang ate, mas lumalala pa nga ito. Hindi na siguro matatanggal ang galit nito sa kanya...siya ang pumutol sa mala fairy tale nitong buhay.
Pumasok na siya sa kanyang kwarto, pagod na inihiga niya ang katawan, naiisip niya ang nangyari kanina, hindi lamang dalawang beses. Ren was irresistanle and she gave in. Pwede siyang tumanggi pero hindi niya nagawa , nalunod din siya sa pagnanasa katulad nito. Hindi niya naisip kung ano ang mga posibleng mangyari pagkatapos noon, tinanggihan niya rin ang kasal na inaalok ni Ren, dahil hindi kasal ang sagot sa lahat.
Hanggang sa makatulog siya ay hindi siya nakatanggap ng tawag o text mula kay Ren, nakakapagtaka at nakakalungkot. Kaya naman masama ang pakiramdam niya kinabukasan.
"Tita , rest ka na lang pag nakapasok na kami sa school." Sabi ni Brittanny bago lumabas ng bahay, ngumiti siya sa tatlo, bumalik na nga siya sa kwarto para magpahinga. Mag isa na naman siya, maagang pumasok ang kanyang ate at kuya. Wala pa ulit mensahe galing kay Ren kaya naman siya na lamang ang nagdesisyon na tumawag dito.
Pero wala, out of coverage ito.
...
"You should rest son," malambing na boses ng kanyang mommy ang nagpatinag sa kanya.
"Ayaw kong iwanan si Eunice, she needs me." Sabi niya, niyakap siya ng kanyang mommy. Nakaramdam siya ng kaginhawaan dahil sa yapos nito.
"She will wake up, she's a strong girl...nalampasan niya ang mahabang oras na operasyon, magiging din siya." Yun ang kanina niya pa pinagdarasal ang sana magising si Eunice. Kagabi ay dumating ang mga pulis na nag iimbestiga, ang namatay na babaeng kasama nito ay si Amanda , ang ina nito. Wala silang alam na nagkikita na pala ang dalawa at may koneksyon. Siya ang inatasan ng kanyang daddy na bantayan si Eunice, para na rin, alam nila kung lumitaw na nga ba si Amanda, ang babaeng halos sumira sa kanilang pamilya. Nagtiwala siya kay Eunice at naging abala din siya sa kanyang sariling kaligayahan. Ang malungkot pa doon, kinumpirma ng doktor na ginahasa ito, halos madurog ang puso nila sa nalaman, galit na galit rin ang kanyang daddy. Tinuring na nitong anak si Eunice, gusto nitong mahuli kung sinuman ang gumawa noon kay Eunice. Babawi sila, igaganti niya si Eunice.
"You need to rest, tatawagan kita agad kapag may development." Sa huli ay sumuko na rin siya, umuwi siya sa kanilang mansion. Amg mga kapatid niya ay nakaupo sa living room, tahimik ang kanilang bahay.
"Kuya, kumusta si ate Eunice?" Tinawag siya ni Rojan, natutuwa naman siya at tinawag nitong ate si Eunice, alam niyang nag aalala din ito.
" Nakaligtas siya sa operasyon...kailangan niya na lang gumising," tumalikod na rin siya sa mga ito, nagtungo siya sa kwarto, naramdaman niya ang pagsunod ni Ran, alam niya kahit hindi siya lumingon.
"How did it happened?" Wala rin siyang alam, kung ano lamang ang sinabi ng pulis ay yun lamang din ang sinabi niya kay Ran. Naupo ito sa gilid ng kanyang kama habang siya naman ay kinuha sa bulsa ang kanyang phone.
Low bat. Kaya hindi niya matawagan si Candice. Sinaksak niya ito agad, he needs to call her, baka ano na ang isipin nito. Nag aalala siya kay Eunice at nag aalala din siya sa kung anuman ang isipin nito.
"You didn't believe me when I told you that they're contacting each other." Napabaling siya kay Ran nakahalukipkip ito sa kanya." You're damned smitten that's why you refused to believe me, now this happened. Nalulungkot din ako, at the same time masaya ako dahil namatay na rin siya sa wakas. Noon pa sana." Napakunot na ang noo niya sa kapatid, hindi niya alam ang sasabihin tungkol dito.
"Ganoon ba ako kasama? Siya ang babaeng sumira sa atin noon, Am I really that bad to feel happy about her death?" Naiwan sa ere ang tanong nito.
Tinawagan niya agad si Candice ng ma charge ang kanyang phone.
"Hello?" Nababahala rin siya sa boses nito.
"Sorry mahal, hindi kita natawagan, nasa hospital ako."
"Bakit? Napano ka?" Napangiti naman siya dahil sa pag-aalala nito, pero nalulungkot pa rin siya sa sinapit ni Eunice.
"Naaksidente si Eunice, and partly it's my fault." Hindi na niya mapigil ang sarili...napaiyak na rin siya sa kabilang linya, he need his Candice right now.
"Nasaan ka?Pupuntahan kita!"
...
Tbc
BINABASA MO ANG
The Law of Love (completed)
Romance(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura ni Jett, ang sweet na sweet na honey ni Clem, at ang may sapak at overacting na kambal ni Ran. Sa mundong sya lagi ang tama, uubra kaya sya...