TLL 61:

51.8K 1.3K 86
                                    

My love by lee seung chul ( kailangan nito para hindi antukin,naiimagine ko sumasayaw ang RenDice.

#unedited
...

61.

"Sir, yung bago nyo pong sasakyan ay  nasa labas na...yung sasakyan po ni Attorney C inaayos na po. .medyo matatagalan lang po ng konti, dahil medyo malaki po yung  sira nang pagkakabunggo nyo..." Tinignan niya ng masama si Portugal, ang kanyang assistant, bigla naman nitong tinikom ang bibig. Dapat lamang dahil wala siya sa mood, nandito siya ngayon sa opisina niya malapit sa site, hindi pa makukumpleto ang construction hangga't hindi naayos ang gusot ng mga residente na ayaw pang umayon sa kanilang negosasyon. Sila na nga ang agrabyado dahil pribado ang lupa, ginawang komunidad ng mga taong bandang huli inangkin na ito. Hangga't maari ay ginagawan nila ng paraan para mailipat ang mga ito ng tirahan, hindi naman nila ito ginagawang talo dahil oras na maitayo ang lugar, karamihan sa mga kukunin na empleyado ay ang mga residente ng nasabing lugar.

"Sino bang nagsabi na ipagawa mo pa yung bulok na kotse na yun?"

"Diba po kayo?" Napakamot pa ito ng ulo habang sumasagot sa kanya.

"Tss." Hindi niya matandaan,"Buy her a new car, yung maganda, yung latest, don't mind the price." Utos niya dito, wala talagang pumapasok sa isip niya, nakatingin lamang siya sa mga plano na nasa mesa at sa mga papeles na katabi noon.

"Po, sa tingin ko po, hindi po iyon matatanggap ni Attorney,"

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Oo nga po, bibili na po ako talaga ngayon din po, paalam po muna sir." Yun lamang at umalis na ito. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair, sinandal niya ang kanyang katawan, ang sakit pa rin talaga. Pinagkasya nya kasi ang katawan sa maliit na sofa, may mga nakipyesta pa sa kanyang lamok kagabi, sobrang pagod na rin siya kaya  nakatulog agad, paraan din yun para nakaiwas sa usapan.

Kahit ipikit niya ang mga mata ay ang galit na mukha ni Candice ang kanyang nakikita. Wala siyang alam sa mahirap na pinagdadanan nito, ni hindi man siya nag abala na alamin ang mga bagay na may kaugnayan dito, sa pamilya nito
, kaya kung sinuman ang magsabi, maririnig niya na napakababaw ng sinasabi niyang pag-ibig. Pero paano nga ba sinusukat ang babaw at lalim ng isang pagmamahal?

Hindi niya alam...kaya siguro hindi madali na matanggap siyang muli ni Candice sa buhay nito, hindi niya alam.

Nabaling ang kanyang atensyon sa pagriring ng kanyang cellphone, international number iyon, agad niya iyong dinampot matapos na magpakawala ng malalim na buntunghininga.

"Hello?"

"Ren, kumusta? Pasensya na sa abala."

"Okey lang Eunice, bakit?"  Narinig niya ang boses ng batang anak nito sa kabilang linya, nakikiusap na makausap siya. Sa kanyang hinala, pinilit na naman nito ang ina na tawagan siya. Alam kasi ni Eunice na abala simula ng umuwi ng Pilipinas, hindi lang talaga nito matanggighan ang magandang anak.

"Si Hennisy, gusto kang makausap..pasensya ka na, alam kong marami kang inaasikaso." Pinutol niya na rin ang sasabihin nito, gusto rin naman niyang makausap ang bata, malaki na ang naging bahagi nito sa kanyang buhay. Nandoon siya sa tabi ni Eunice habang nasa tyan ito, hanggang sa ipanganak, gumapang, maglakad at magsalita.

"Okey, I want to talk to her too." Ilang sandali lamang ay nasa linya na ang bata, masayang bumabati sa kanya, kahit nasa ibang bansa ay marunong itong magtagalog.

"Hi tito Ren -Ren, hindi ka na po tumatawag, na mimiss na kita." Paglalambing nito, medyo nakakabata ang tawag nito na Ren -Ren kaya okey na.

"Sorry Henny, busy lang si tito."

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon