TLL 59:

55.8K 1.5K 152
                                    

#unedited

...

59.

Hindi kinuha ni Candice ang ibinibigay na card ni Ren, bakit kasi nandito ito ngayon? Nawalan siya ng composure kanina dahil sa pagkabigla na nasa harapan na niya ito. Instantly gusto niyang mawala ito sa kanyang paningin, kaya naman sumakay agad siya sa kanyang kotse kahit sobrang kinakabahan. Kailangan niyang ayusin ang kanyang sarili, hindi dapat siya ganito. Ngayon pa at nararamdaman niya na palagian na magkukrus ang kanilang landas. Kung bakit kasi hindi nai explain sa kanya ang lahat ng detalye ng ipasa sa kanya ang kaso? Pero kahit na pala, hindi niya kayang tanggihan ang mga taong nangangailangan ng kaniyang tulong.

"Still stubborn are we?" Inirapan niya na lamang ito, sumunod na rin ang mga naiwan nila doon partikular ang nakita niyang mukhang assistant nito. Agad nitong sinuri ang sasakyan.

"Sir, bago lang po ang kotse na 'to ay, may problema po ba sa break?"

Nakita niyang napalabi lamang si Ren, "Oo, pangit ang model, bumali ka na lamang ng bagong magagamit." Sagot nito habang nakatingin sa kanya," kay attorney mukhang wala ng pag-asa, bilhan mo na rin siya." Mayabang na sabi nito.

Mahangin pa rin talaga kahit sa paglipas ng panahon.

"Sorry attorney, kasalanan ko po, ako ang napili ng kotse , hindi po sinasadya ng boss ko," kung sino pa ang walang kasalanan ay siya pa ang paulit ulit na hiumihingi ng tawad, samantalang ang walang hiya ay nakatayo lamang sa gilid habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa.

Tinaasan niya ito ng kilay, ano kayang kalokohan ang naglalaro sa isip nito.

"Attorney, okey lang po ba kayo? Dalhin ko na kayo ni sir sa hospital baka kung napano na kayo." Concern na sabi nito, tinaggihan niya ang alok ng assitant ni Ren. She just wanted to stay away from him.

"No need po, tatawagan ko lamang ang kaibigan ko." Bago pa man siya magdial ay tumatawag na si Greg.

"Yes Greg, nabunggo ang kotse ko."Gusto niyang sabihin na binunggo, sinadya pero ayaw niyang mas mag alala pa ang kausap. Masama siyang napatingin kay Ren na nawala na ang ngisi sa mukha.

Inis ito? Mas inis siya!

Galit ito?Mas galit siya!

Akala niya magmamature na ito sa paglipas ng taon, hindi pa rin pala, immature pa rin ito.

"Nasa malapit ka lang, sige daanan mo ako dito, malapit ako sa Gas Station." Ten minutes lamang ay makakarating na si Greg, si Aimee sana ang balak niyang tawagan, buti na lamang at available si Greg.

Napasandal na lamang siya sa kanyang sirang sasakyan.

"Sinong tumawag boyfriend mo?" Usisa nito , nakahalukipkip itong nakatingin sa kanya, umiwas siya at lumipat s kabilang side para hindi ito makalapit sa kanya.

"Wala kang pake." Mataray niyang sabi dito. Gustong gusto niyang hilahin ang oras.

"Syempre may pake ako, hindi ka dapat mag boyfriend kasi may boyfriend ka pa, masama yun." Pinapatawa ba sya nito? Sarap nitong sapakin at bigyan ng mag asawang sipa agad, buti na lamang at abala ang assitant nito kaya hindi naririnig ang kalokohan na lumalabas sa bibig nito.

"Wow! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Wala na tayo, tapos na tayo!" Gusto niyang idiin iyon sa kokote nito, mukha naman itong hindi natitinag. Ilang taon silang walang balita sa isat-isa, well maliban sa kung ano ang naririnig niya sa mga balita tungkol dito, bukod doon ay wala na, dahil naniniwala siya na wala na silang dapat pakealamanan.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon