TLL 54:

54.1K 1.5K 129
                                    


Na lock ang phone ko, kaya napwersa ako mag update dito sa topakin na laptop, hay, paano ko marerecover yun? ok na yung password ko sa google, hindi ko siya maopen sa phone, naka off wifi at data connection, what to do?



#unedited

...

54.

Alas dos ng hapon ng matapos siyang maglinis ng buong apartment. New year kasi kaya kailangan malinis ang buong bahay para magaan ang pasok ng taon. She wish na sana marami siyang mahawakan at maipanalo na kaso, hindi pala dapat wish lang...hihiling na rin lang dapat ay kailangan lubusin na. Dapat manalo ang kanyang mga mahawakan na kaso, para marami pa siyang matulungan na naapi at naagrabyado.

Nagriring ang kanyang phone kaya naman mabilis niyang tinapos ang paghahanda ng mga prutas sa kanyang mesa, sinigurado niya na labing dalawang klase na prutas iyon para swertehin siya lalo, itinabi niya doon ang mansanas at orange na binigay ni Benjo, yung kapitbahay niya na tumatawag sa kanya ng sinta. Nahihiya nga siya dahil kinuha daw ito sa mesa ng pamilya nito, isosoli niya sana ang mga iyon, pero tumawa lamang ang mga magulang nito at kuhanin na raw ang binibigay ni Benjo dahil iiyak lamang ito kapag binawi nila. Higit sa lahat maliit na bagay naman lang daw iyon.

"Yes ninang paalis na po ako ng bahay,"natatawa niyang sabi sa kabilang linya, sinisigurado talaga ng mga ito na pupunta siya sa Dona Francisca para doon mag New Year, kawawa naman ang kanyang bahay dahil maiiwan na mag-isa, pero na eexcite naman siya na mag New Year sa Dona dahil maraming magaganda at magagara na Fireworks ang masasaksihan niya doon, di hamak na mas maganda doon sa Fireworks na nasa screen kagabi. Nakakatawa lamang dahil kapag bongga ang inihanda ng gobyerno, makakarinig ka na nagwawaldas lamang sila ng pera para sa walang kwentang bagay, kapag naman kabaliktaran ang ginawa katulad ng kagabi, sari saring pagkukuripot, pagtitipid at pangungurakot ang iyong maririnig. Mga tao talaga...

"Bilisan mo iha, kanina pa ako kinukulit ng ninong mo, dinadala ang kanyang pagiging judge kahit dito sa loob ng bahay," reklamo nito sa kanya...natatawa siya sa samahan ng dalawa, ang paglalambingan ay dinadaan sa madalasan na pagtatalo.

"Opo, ninang paalis na po ako ng bahay.,. hindi ko kaya palalampasin ang mga luto niyo," sabi nya dito na may paghanga, kahit ilang taon lamang niya itong nakilala, hindi na siya tinuring nito na iba, bagay na lubos niyang pinagpapasalamat. Marami ngang nawala sa kanya, pero marami naman ang mga pumalit, kaya masasabi niya sa kanyang sarili na sulit ang bawat sakit na kanyang naramdaman.

"Sige iha, mag ingat ka sa pagmamaneho..marami pa naman na lokong mga tricycle driver ang mahilig magsisingit, " paalala nito sa kanya. Nakakataba ng puso.

"Opo, salamat ninang."

Kung tutuusin, masaya naman ang New Year ng mga ito kahit wala siya, nag siuwi kasi ang mga anak nito na sa ibang bansa na naninirahan kasama ang kanya kanyang mga pamilya, pero gusto ng mga ito na kasama siya. Mabait naman kasi mga anak ng mga ito na sina Tetet at Trina, parehas na matanda sa kanyang ang dalawa, dalawang taon lamang ang pagitan ng magkatapatid.

"Sinta aalis ka?" napalingon siya sa tawag ni Benjo, may dala itong pang gunting ng damo, siya naman ay binubuksan ang gate para mailabas ang kanyang kotse.

"Oo,pupunta ako kina ninong, doon ako mag New- New Year, " nakangiti niyang baling dito...hindi naman siya nakakaramdam ng pagkailang dito, pati ang pagtawag nito sa kanya ay kinakasanayan niya na rin. Kung tutuusin ito nga ang unang kumausap sa kanya sa lugar na ito, tumulong sa pagbababa sa kanyang mga gamit noong naglilipat siya, yun nga lamang hindi na ito pumapasok sa loob ng kanyang bahay buhat noong magkaroon siya ng aso. Sabi kasi ng magulang nito ay may phobia daw ito sa aso dahil nakagat daw ito noong bata pa lamang pati noong nagbinatilyo ito. Maswerte lang talaga at walang rabies yung mga aso na nakakagat dito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon