TLL 41:

47.2K 1.2K 115
                                    

I Never promise anything....mas busy talaga ako kapag holidays.

#OT at pagod

#unedited

...

41.

"So you stood there like a fool?" Napakagat labi siya habang kausap sa phone si Jose, patulog na siya ng tumawag ito, natsismis na marahil ni Michelle ang nangyari sa kanya. Being Jose Bautista The Fourth himself, hindi ito papahuli.

"Medyo oo,"

"Ay tanga!" Ang harsh talaga ng  bibig nito, kung malapit lamang ito ay nakatikim na ito ng mag-asawang sampal at magkapatid na batok.

"Tanga talaga?" She asked sarcastically, si Ren nga hindi siya sinabihan ng ganoon. She misses him already, gusto niya ng patayin ang tawag dahil baka nakauwi na ito at tinatawagan na siya.

"Kasi naman, mag aabogado ka pero sa simpleng bagay na ganoon, hindi mo man lang naipagtanggol ang sarili mo? Wag ka na lamang tumuloy kung ganoon, Nasaan yung mga rason? Objections?Don't tell me pumupurol na ang utak mo dahil sa pag-ibig? Buti pala ako hindi." Mayabang na sabi nito. Medyo may tama ito, nablangko nga siya habang nakatingin sa mukha ng babae. Mukha itong hindi gagawa ng mabuti, ang mga mata nito na matatalim na may mukhang binabalak na masama. Nakaramdam siya ng takot, aminado siya doon. 

Isa pa, nahihiya siya sa sasabihin ng kanyang boss, hindi maganda sa imahe ng coffee shop kung makikipag away siya ng ganoon. Mas mabuti na siya ang maging dehado kaysa mawalan ng mga customer ang kanyang pangalawang tirahan.

"Hayaan mo na, ibaba ko na ito, baka tumatawag na si Ren." Gusto niya na lamang talaga na tapusin na ang kanilang usapan, gusto niya ng i text si Ren kung safe ba itong nakauwi.

Hindi naman siya ganoon nanghihinayang, she will do better in a court room, kapag nagtatanggol na sa kanyang client. She will vow that she will do everything, hindi na siya mag hehesitate. Hindi naman siguro yun ang basehan kung bakit gusto niya ang kurso na iyon, hindi na lamang dahil sa ganoon ang natapos ng ama, gusto niya rin talaga amd God knows she will do everything to make that dream come true  and Ren will support him all the way.

Pag kawala ni Jose sa linya ay mabilis na nag ring ito. Natatawa na lamang siyang naiiling. Sabi na nga ba.

"Busy phone mo kanina pa, kanino ka nakikiapid?" Natawa naman siya sa bungad nito, talagang nakikiapid? Kay lalim ng tagalog nito.

"Hello din,"sabi niya na lamang dito.

"Sino kasi kausap mo?" Maktol nito sa kabilang linya. Kung pwede lamang siguro itong lumabas sa phone ay kanina pa nito ginawa.

"Si Jose, sumagap ng balita, yung kanina."

"Ganoon ba?Kung di niya girlfriend ang bestfriend mo, iisipin ko bakla yun, ang tsismoso eh."

"Sumbong kita,"pananakot niya dito, tumawa naman ito sa kabilang linya.

"Samahan pa kita!"mayabang na sabi nito, ito pa ba ang tinakot niya. "Pero seryoso, don't be upset over that old hag, kapag nakita ko yun, papaluhurin ko yun sa harapan mo. I will force her to beg for your forgiveness."he said sweetly, as if naman na hihilingin niya yun. To know that there are people who care for her are more than enough.

"Thank you Ren."

"Thank you for what?" Natatawang wika nito sa kabilang linya.

"Thank you for coming into my life..." halakhak nito ang naging sagot, itong lalaki talaga nito, kahit pagtawa napaka sarap sa pandinig. Hulog na hulog na talaga siya dito.

"H'wag kang masyadong magthank you, mahal din kasi ako maningil." Napa arko naman ang kilay niya sa sinabi nito. Akala niya libre, may bayad pala.

"Ano na naman?Kung kaya bakit naman hindi diba? " wag lang talagang pinansyal, knowing Ren na, meron na lahat, hindi ito hihiling ng materyal na bagay.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon