EPILOGUE

84.6K 2K 310
                                    


A/N:Ren is my favorite ang dapat name niya noon, Jayron, tapos nickname niya ang Ren...last minute, change my mind, why not Ren na lang...it was fun creating him, kapag naalala ko lahat ng mga bata na inaasar ko noon na sumasagot pabalik, sa bata na bumibili ng gatsby wax na gwapong gwapo sa sarili ( hindi daw siya gwapo kapag hindi naglagay ng gatsby)

50 lang talaga dapat ito...ewan bakit umabot dito? I will really really miss Ren, pero nandyan si Ron...and how I love I want my stalker back...

Guys thank you for everything, sorry for the typos, and grammars at sa unedited chapters, di talaga ko nag eedit , 1% lang.

And i really end my story this way :J that was all for today/tonight.

God bless us all.



#UNEDITED.

...

TLL EPILOGUE:

Napapakamot ng ulo si Ren matapos umibis sa kanyang sasakyan, inihagis niya ang kanyang susi sa driver nila. Niluwagan niya na rin ang kanyang neck tie habang papasok sa loob ng mansion. He was in the middle of an important meeting yet tha call the he received cannot be ignored.

Lalo na ngayon.

"Ren? What did you do this time?" salubong sa kanya ng kanyang honey, kahit nagsusungit ito ay mukha pa ring mabait, lalo na ngayon na magiging lola ulit. Ang unang apo, syempre galing kay Ran, isang napakagandang babae. Yumakap naman siya dito habang pinapakalma. Hindi talaga bagay dito ang magalit. Nakatingin siya sa taas kung nasaan ang kanyang boss.

"Wala mommy, namimiss lang ako siguro ni attorney."

"Bawasan kasi ang pagiging pilyo, she's pregnant, saka hindi pa rin siya nakaka get over doon sa kasal de gulat mo, mana ka talaga sa pinagmanahan mo." Natawa naman siya doon. Base on his mother 's experience. He can't forget that day. Yung araw na yun kung saan nagkaayos si Candice at Eunice, nakita ni Candice ang mommy nito at syempre ang kanilang bigalaang kasal. Noong humingi siya ng pabor sa kanyang ama na gusto niyang magpakasal sa araw na iyon ay hindi siya nakadinig ng pagtutol. Inayos nga nito ang plano niyang kasal. Madaling araw noon, tumawag siya sa ama habang nakamasid siya sa payapang mukha ni Candice sa kanyang tabi. Pinagod nya masyado,masyado siyang masaya para makatulog.

Sa office ng kanyang daddy naganap ang simpleng kasal, kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, buo ang pamilya niya, nandoon ang mommy at ang kuya ni Candice. Hindi ito makapagsalita ang inilagay niya sa palasingsingan nito ang mga singsing na medyo matagal niya na ring inihanda. Kung pwede lang madaliin ang seremonya para hindi na ito makaatras ay ginawa na niya noong araw.

Nakakabaliw man , pero gaya ng sinabi niya noong araw na yun, hindi lilipas ang maghapon ng hindi maidudugtong ang apelyidong Romualdez sa pangalan ni Candice. He will be her family, yung hindi aalis, hindi mang-iiwan at hindi siya sasaktan.

To follow na naman talaga ang church wedding, it's something that he wish to give to her. Dapat malaman ng lahat kung gaano siya kasaya na si Candice ang kukumpleto sa kanyang buhay. Nandito na siya sa tuktok ng kanyang mga pangarap, kasama niya yung taong magiging partner, bestfriend at lover niya habang buhay. Sa lahat ng kwento ng buhay ay meron na siyang kasalo. Hindi na siya sisingit sa love story ng parents niya dahil meron na siyang sarili.

"Tumawag yung wedding planner? Kailan ba talaga ang balak ninyo?" tanong ng kanyang mommy, siya man ay naiinip din, yun nga lang talaga ay nagbago ng isip ang kanyang boss.

"Susuyuin ko pa po, ayaw niya daw maglakad ng may dala dalang bola." He sigh, lagi na lang kasing tinatawag ni Candice na bola ang nasa tyan nito.

"Ok, puntahan mo na!" utos ng kanyang honey, sa mansion sila nakatira...ginagawa pa ang kanilang dream house saka buntis si Candice, mas palagay siya na kasama nito ang kaniyang mommy sa bahay, para kung anuman ang mangyari ay may mga nakatingin dito. Candice gave up her career in Bataan, ilang araw matapos ang kasal noon ay umuwi sila kasama sina Benjo na maayos na. Inayos nila ang lahat bago muling bumalik sa Manila, iba na ang nagsupervise sa site , si Portugal ay sinama niya na rin sa Manila , iyak nga ito ng iyak sa tuwa. Na starstruck nga talaga ito ng makilala ang kanyang ama, yun nga lamang nagulat sa bagsik nito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon