#unedited
...
46.
Nakatalikod si Candice kay Ren, napakagat labi siyang habang inaalala ang mga pangyayari kanina. She can still feel him inside her, ganoon pala yun, magugulat ka na lamang wala na, magugulat ka na lang tapos na. She was caught on that moment, may pagsisisi dahil mas maganda sana kung ginawa niya iyon sa mismong gabi ng kasal pero... ang nagbibigay kasiyahan lamang ay sa lalaking mahal niya binigay ang sarili. Hindi naman niya pinagtatanggol ang kanyang maling desisyon, mali pa rin ito. Hindi siya tumupad sa pangako niya sa mommy niya na dapat ikasal muna siya, pero ang kasal wala sa isip niya ngayon.
Naramdaman niya ang paghalik ni Ren sa kanyang balikat.
"Stop it." Saway niya dito, pero sa halip ay lumapit pa ito lalo at niyakap siya. Sakto ang laki ng katawan nito para sa kanya.
"Napagod ba kita?" She can sense amusement in his tone, nakapagpahinga na kaya naman lumalandi na naman. Hindi na naawa sa kanya, madilim na sa labas, kailangan niya nang umuwi.
"Ano sa tingin mo?" nakatalikod pa rin siya dahil sa totoo lamang, nahihiya pa rin siyang humarap dito.
"Mukhang napagod ka nga..." naramdaman niya ang pag amoy amoy nito sa kanyang buhok, kung nauubos lamang ang amoy, wala ng natira sa kanya.
"Ano sa tingin mo?" She said sarcastically.
"Kung makapagsalita ka parang ako lang ang nasiyahan? Eh kanina nga yung mga ungol mo-"
"Ren!" Saway niya habang kinukurot ang braso nito na nakayakap sa kanya, tama bang pag -usapan yun? Nakakahiya.
Tumawa naman ito ng malakas, tinigilan niya na rin ang pagkurot ng makitang namamaga na ito.
"Sakit noon ah, dapat panagutan mo ako, Candice let's get married after our graduation," bigla siyang naubusan ng hangin sa sinabi nito. All of a sudden? Oo at naririnig niya ang mga plano nito tungkol sa kanilang future, pero kasal? Napakabata pa niya, nila, marami pa siyang pangarap na gustong makuha. Isa pa,kahit na may nangyari na sa kanila, hindi naman sagot ang kasal.
"Hindi ka na nakasagot?Ayaw mo bang makasal sa akin? Sa bagay ang pangit ng proposal kl, walang candle light dinner, wala ding singsing and flowers. I just have my body, heart, and soul. I wish I am enough, please Candice?" Nagsusumamo ang boses nito...wala na siyang nagawa kung hindi ang lumingon at tignan ang mga mata nito. He can't be serious.
Pero hindi niya kaya na magpanggap na okey lang, na tatanggpin niya ang mga alok nito. That's too much, sapat na muna ang status nila, hindi nila muna dapat palitan para maitaas sa mas mataas na level.
"Ren, I am not yet ready." Pagkabigo ang remehistro sa gwapong mukha nito, maya maya ay naupo ito sa kama. Sumunod na rin naman siya, sa ibang direksyon nakatuon ang pansin nito.
"So kailan ka ready?"
"I don't know...4 to 6 years?" Agad bumaling sa kanya ang mga mata nito, gulat.
"Seryoso ka? Tang ina ang tagal pa noon! Hindi ba pwedeng after 4 to 6 months?" Pakikipagtalo nito, pero desidido si Candice, kailangan kapag naging abogado siya dala niya ang apelyido ng ama. Ang daddy niya na nakilala din sa ganoong larangan , hinahangaan , tinitingala.
"Ren, before we met, iyon na ang pangarap ko." Tumayo ito, lunapit sa may teresa, naka pajama naman na ito, wala nga lamang pang itaas, malayo ang tanaw nito, hindi nagustuhan ang kanyang katwiran. Bumuntunghininga si Candice, itinapis niya ang kumot sa kanyang katawan, lumapit siya dito at niyakap habang nakatalikod.
"Ren please understand I have my dreams too." Pilit niyang pinapainintindi dito, kahit gaano pa katigas ang ulo nito. Kanina lang magkasundo sila, pero ngayon war na agad.
BINABASA MO ANG
The Law of Love (completed)
Romance(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura ni Jett, ang sweet na sweet na honey ni Clem, at ang may sapak at overacting na kambal ni Ran. Sa mundong sya lagi ang tama, uubra kaya sya...