TLL 22:

47.3K 1.3K 49
                                    


A/N:171819...7:00...To 1:30 +24....

basta ang mahalaga nagising ako <3
Dedicated sa mga nakakulitan ko sa fb chat, today 11/24/2015 mula 1:00 to 5:30 pm.

May isa akong story, If In Love like them...para sa mga katulad nina Casper at Andrew pagdating sa pag ibig, para sa inyo yun.

#UNEDITED
...

22.

He bring Eunice sa bahay nila sa tabing dagat. Isang oras ang byahe mula sa Metro, para itong batang tumakbo agad papunta sa dagat pagkababa sa kotse.

The carefree Eunice.

He smile as he gets off from the car. Sinundan niya ito.

"Ren dating gawi," she tease as she removes her shoes. Napapailing na lamang siya.

"Humanda ka!" Hinubad niya na rin ang kanyang sapatos at hinabol ito, hiyaw  naman ito ng hiyaw, dahil likas siyang mabilis naabutan niya ito. Binuhat niya ito at pinaikot ikot. Tawa naman ito ng tawa habang nagrereklamo na nahihilo na. Dahil sa pagpupumiglas nito ay parehas silang natumba sa buhanginan. Napadagan siya dito.

"Kulit mo," sabi ni Ren habang nakatingin sa magaganda nitong mata.

"Mabilis ka pa ring tumakbo," humihingal ito habang nakangiti sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, bigla siyang nailang ng mapagtanto ang kanilang posisyon. Umalis siya bigla at humiga sa buhanginan. Nakatingin siya sa langit, hapon na kaya tama lang, hindi nakakasilaw. Hindi masakit sa mata. Pero ganoon pa man, napapikit siya. He feel so tired and he doesn't have any idea why.

"Ren?"

"Hm," hindi niya alam na nakaupo na ito habang matamang nakatingin sa kanya.

"What is your dream?"

"To successfully run the company." He said simply. Hindi niya alam na napawi yung ngiti ng babae sa kanyang tabi.

Hindi iyon ang sagot na inaasahan ni Eunice, hindi iyon ang pangarap nito na nakasulat sa papel na eroplano na pinalipad nito noon papunta sa kanya. Noong mga bata pa sila. Hindi iyon ang nasa isip niyang pangarap nito.

Nakalimutan na.

"Ikaw?Maging sikat na artist diba?" Nakadilat na ito at nakatingin sa kanya. Sumang ayon siya sa sinabi  nito. Ito nga ang pangarap na sinabi niya noon. Pero may isa pa, yung pinakamahalaga sa lahat. Pangarap niya na gusto niyang malaman nito ngayon.

"May isa pa."

"Meron pa? Sa bagay, okey lang  a magkaroon ng maraming pangarap,may kakilala ako,"napatigil ito."nevermind."bumangon na ito at umupo, tinukod naman nito ang mga kamay sa magkabilang gilid.

"Magkaroon ng buong pamilya."  Sinipat ni Eunice ang magiging reaksyon nito, ngumiti naman ito sa kanya.

"Mangyayari yun, sino man ang piliin mo, ibibigay yun sa'yo" tumayo na ito at inabot ang kamay sa kanya." Nagugutom ako, tingin tayo ng makakain sa bahay," inabot ni Eunice ang kamay nito. Hindi niya inasahan na bibitawan nito ang kanyang kamay matapos niyang tumayo. Nauna itong maglakad , wala siyang magawa kung hindi ang sumunod.

Sinalubong sila ng mag asawang katiwala.

"Senyorito," bati ng matandang babae, nagbigay galang din ang lalaki.

"Makikigulo lang po kami ng konti, uuwi din kami," tumango lamang si Eunice sa pagbati ng mga ito. Alam niya ang mga tingin na iyon, silang dalawa lamang kasi ni Ren, hindi maiiwasan na mag isip ang iba. Lalo na at alam ng buong mundo na , alaga lamang siya, hindi kadugo.

Nagtungo si Ren sa kusina, nagbukas agad ito ng Ref, namimili ng makakain. Siya naman ay naaa living room, iniikot ang mga mata. May litrato ng buong pamilya na nakasabit sa wall, agaw pansin din ang malaking picture ng mommy nito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon