TLL 78:

54.3K 1.4K 38
                                    

#UNEDITED

...

TLL 78:

She can't believe na nasa harapan niya si Justin, nakangiti sa kabila ng pag iyak nito. Binata na talaga ang kanyang alaga at napakagwapo. She secretly look at his leg, napansin naman nito kung saan siya nakatingin. Tumalon talon pa ito.

"I'm perfectly fine tita, hindi ka naman dapat umalis, hindi mo naman kasalanan yun, masyado lamang talaga akong makulit." Rason nito, bigo dahil lumaki ng hindi siya kasama. Pero ayaw niya na kasing palalain pa at maghirap ang kanyang ate, kapag nakikita siya nito ay lagi lamang itong nagagalit. Dumating din siya sa punto na ayaw niya na, pagod na siya sa pagintindi dito, kaya kahit gaano niya kagusto na manatili para alagaan ang mga pamangkin, lalo na si Justin ay hindi niya nagawa.

She freed herself.

Tinuro sila ni Ren sa isang restaurant kung saan sila makapag usap ni Justin, marami siyang gustong itanong dito, pero nauunahan siya ng mga kwento nito.

"Gusto sumama nina ate Brit at ate Bea, kaya lang may exam sila parehas, naiinggit nga sila sa akin dahil makikita kita ngayon." Masayang kwento nito, namimiss niya rin ang dalawang babae, malulusog pa rin kaya ang mga ito.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo?"

"Syempre magaling ako tita, kahit hindi ako magreview nangunguna ako sa klase namin," pagmamalaki nito, natutuwa naman siyang makinig sa mga kwento nito, sa sarili, sa mga kapatid maging sa ate niya.

"Tita, kailan ka makikipagkita kay mommy?" natahimik naman siya sa tanong nito, hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung sakaling makita siya ng ate.

Natatakot siyang makarinig muli ng mga masasakit na salita dito...natatakot siya na kahit lumipas ang panahon ay malas pa rin ang tingin nito sa kanya. Nginitian na lamang niya ang tanong nito.

"Alam mo tita, kahit hindi sabihin ni mommy, alam namin nina daddy na namimiss ka nun, nalungkot din siya noong umalis ka...pero alam mo na hindi yun umaamin, ma pride si mommy eh, kasing taas ng mga building dito sa Manila." Natawa na rin siya doon, napatingin ito kay Ren na nasa kabilang table.

"Kayo pa rin pala Tita?" nginuso nito si Ren.

"Ha?"

"Thanks to him, tinawagan niya ako para sabihin na makikita na kita...ang totoo, mula noon, umaasa ako na tatawag ka sa bahay, na tatawagan mo kami, pero hindi ka nakatawag, siguro masyado ka lamang busy." Hinawakan niya ang kamay ng pamangkin na nasa mesa para pisilin.

"Sorry." Naluluha siyang muli habang sinasabi yun.

"Para sa hindi mo pagtawag?" tumango siya.

"Saka doon sa nangyari sa'yo." She mean it. Hanggang ngayon baon niya pa rin iyon, napapanaginipan, hindi niya alam kung ano ang sasapitin niya kung sakaling hindi nakaligtas si Justin.

"Pero nandito na ako tita, wag mo na yung isipin, mag move on tayo, hmm?" natapos ang usapan nila ng nagpapicture pa sila, iinggitin daw nito ang mga kapatid, they also exchange numbers, hindi pa man nakakalayo at nakatanggap na siya ng message dito, nagtatanong kung kailan daw sila magkikita ulit.

"You happy?" tanong ni Ren sa kanya habang papunta sa kotse, papunta naman sila ngayon sa hospital.

"Salamat, all thanks to you, hindi ko talaga akalain na makikita ko si Justin ngayon." He smile at her.

"Gone were the days na wala akong alam sa'yo at sa mga pinagdadaanan mo...i will do everything to make you happy." She can feel his sincerity, buti talaga at naglakas siya ng loob na muling magtiwala dito.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon