TLL 76:

50.3K 1.4K 74
                                    

#UNEDITED

...

TLL 76:

"Sorry po at hindi nakatawag si boss, masyado kasi siyang nag aalala kay Benjo kaya sana maintindihan nyo." Paulit –ulit na sa sabi ni Portugal, hindi naman na mahalaga sa kanya ang hindi pagsipot ni Ren sa dinner kasama ng kanyang ninong, may importante namang dahilan kung bakit wala ito. Nag-aalala siya kay Benjo, una daw itong itinakbo sa St. Joseph Hospital para mabigyan ng paunang lunas, si Ren daw ang nag insist na dalhin ito sa Manila kung saan maraming espesyalista na titingin sa malubhang kalagayan ni Benjo. Kanina pa siya nanginginig sa takot at kaba. Hindi nya rin namalayan na pababa na ang sinasakyan na helicopter sa rooftop ng isang kilalang hospital.

"Dito po tayo Attorney," Sumunod lamang siya kay Portugal, maging ito ay uneasy na rin. Ilang sandali pa ay natanawan niya na ang pigura ni Ren, nakaupo ito sa upuan doon habang sapo ng dalawang kamay ang ulo.

"Boss, nandito na po si Attorney." Si Portugal ang nagsabi noon dahil hindi siya makapagsalita. Ang mga magulang ni Benjo ay nagdarasal sa chapel ng hospital kaya naman si Ren lang ang kanilang nadatnan doon.

"Candice." Pagod ang boses nito at may bakas ng dugo ang damit, mabilis itong tumakbo sa kanya at ikinulong siya sa bisig nito. Napakahigpit ng yakap nito na konti na lang ay parang mapipipis na siya. Hindi niya magawang magreklamo dahil nararamdaman niya ang kaba nito.

"Thank God you're here." Ren cupped her face. Parang ayaw pa nitong maniwala na nasa harap siya nito, nagawa nitong ngumiti sa kabila ng lungkot sa mga mata nito. She wants to know what he is thinking.

"Kumusta na si Benjo?"

"Nasa O.R. pa siya." Iginiya niya si Ren paupo, ikinuwento nito kung ano ang nangyari, kung paano nauwi sa aksidente ang paang-aasar na ginawa ng mga bata kay Benjo.

"He saved the kid. Yun ang ginawa niya kaya siya nasa panganib ngayon." Malungkot na kwento ni Ren sa kabila ng ngiti na nakikita niya sa labi nito habang nakatingin sa kwarto kung nasaan si Benjo at ang mga doctor at mga na nurses na naglabas masok. Wala ni isa sa mga ito ang nagpaunlak sa kanilang mga tanong kung ano na ang kalagayan ng pasyente.

"Napakabait ni Benjo sa kabila ng kalagayan niya." Candice commented, bayani nga na maituturing ang bagay na ginawa ni Benjo na sana hindi mabalewala. Sana magsilbing aral iyon sa mga bata , sana maging daan iyon para magtino ang mga ito.

"Yeah,kaya nga nakakahiya, kailan lang, isa ako sa mga taong nanghahamak sa kanya, nakakalungkot isipin na kung sino pa ang normal sila pa yung kulang sa pag-iisip, katulad ko noon." Napatango na lamang siya sa sinabi ni Ren. Ginagap nito ang kamay niya at nilagay sa hita nito.

"Nagbago ka naman, sinong mag –aakala na magiging close kayo? Ikaw of all people?" hindi rin talaga siya makapaniwala, kung tutuusin kasi kulang sa pasensya si Ren, pero iba ang nangyari paglipas ng mga araw. Natutuwa siya kapag nag-uusap ang dalawa na parang magbarkada, natutuwa siya kapag tinatanong siya ni Benjo kung kailan daw niya sasagutin ang pare nito. Hindi niya alam kung turo ba yun ni Ren o ano, pero natutuwa talaga siya sa dalawa.

"Sorry, hindi ako nakarating, nalimutan ko sa pag-aalala ko kay Benjo." Sinserong sabi nito, pinisil niya pabalik ang kamay nito.

"Okay lang, ipapaliwanag ko na lang kina ninong."

"Baka bad shot na ako sa kanila." Gustong matawa ni Candice sa mukha ni Ren, para kasing bata. Hinaplos niya ang mukha nito.

"No. Sasabihin ko na may mas mahalaga kang bagay na ginawa, may buhay kang sinagip kaya hindi ka nakarating." Sa sinabi niya ay gusto niya ring umiyak, kitang kita niya kasi ang lungkot sa mukha ni Ren, itinaas pa nito ang ulo para supilin ang luha na gustong kumawala.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon