TLL 66:

44.2K 1.1K 37
                                    

4/22/2016

#unedited

...

66.

Dinampot ni Candice ang bat na nasa gilid ng kanyang kama, nakahanda iyon kung sakali para sa mga hindi inaasahan na mangyayari. Dahan dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto para malaman ang sanhi ng ingay sa pagkakataong ito. Naka ready na ang bat, mahigpit ang hawak niya dito, nararamdaman niya pa rin ang kaluskos, lagot talaga kung sino man ito, kung pusa ay mapapatawad niya pa, pero kung tao iyon, sisirain niya talaga ang panghampas na hawak sa katawan nito. Hindi kaya biro ang makaramdam ng takot.

Pag punta niya sa kusina ay ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya ng pusa lamang pala iyon, yung magnanakaw na pusa na hindi niya alam kung saan dumadaan.

"Ikaw lang pala." Binaba niya na ang bat, binuksan niya ang ilaw para umalis ito. Laking gulat niya ng mapagtanto kung sino ang nasa kanyang harapan.

"Hi." Nakangising bati nito.

"Anong ginagawa mo dito?!Paano ka naapasok? At bakit wala kang pang itaas?" Paano na naman siya hindi magugulat kung sa gitna ng gabi magpapakita ito ng nakahubad pa rin.

"Kunin ko na yan, baka hampasin mo ako, sayang ang katawan at mukha." Kukunin nito sa kanya ang bat kaya lamang ay hindi niya iyon binibitawan. Mas kailangan niya iyon dahil ang panganib ay nasa kanyang harapan.

"What are you doing here, at bakit nakaganyan ka lang?" Naiinis na tanong niya dito.

"Ah, yun lang ba?"

"Yun lang ba? Halos bigyan mo ako ng sakit sa puso tapos sasabihin mo yun lang ba? Nag iisip ka ba? Sino ang matino na papasok sa bahay ng may bahay sa gitna ng gabi?"

"Guilty na po!" Binitawan na siya nito saka itinaas ang dalawang kamay. She needs to step backward para malayo dito, kanya lamang pader na ang nasa kanyang likuran. "Pero nag paalam naman ako kanina na isosoli ko yung shoes mo, dala ko na." Itinuro pa nito ang living room kung saan siguro nito iniwan ang kanyang sandals. Napairap na lamang siya sa mga walang kwentang rason nito.

"Sa pagkakatanda ko, hindi ako pumayag."

"Sa pagkakatanda ko rin, hindi ako humingi ng permiso, sinabi ko lang."

"Puwede ba Ren ,stop acting like this! Hindi ka na nakakatuwa!" She gritted her teeth at him, sinalubong naman nito ang kanyang galit, ito ang unang nag iwas ng tingin.

"Bukas ka na lang magalit...makikitulog muna ako sa'yo, mainit sa bahay ko walang aircon o electricfan, sisesantihin ko talaga yung assistant ko." Tumalikod ito at naupo sa kanyang sofa, nakaawang lamang ang kanyang bibig sa kilos nito. Kahit gaano pa yata siya magalit ay wala itong pakiramdam, kailan ba ito titigil? Kailangan na nitong ihinto ang kung ano man na ginagawa  nito sa kanya. Hindi na maganda, nakakasawa na lagi silang nagtatalo. Nakakasawa na walang kinapupuntahan.

"Ang kapal talaga ang mukha mo, sino ba kasi nagsabi na magtiyaga ka sa bahay sa kabila? Bakit mo ipinagpapalit ang malambot na higaan diya sa sofa na luma na? Tama na Ren, hindi ako nadadala." She said to him, kahit nakatakip ang braso nito sa mata ay tiyak nya na nakikinig ito sa kanya.

"Because you're, I'd rather be here than anywhere else...pero hindi ko na pwedeng baguhin yung desisyon na ginawa ko noon. I only have these choices now, and that includes you...whether you like it or not, I will always be around you."

She wanted to laugh.

Pero bakit parang naiiyak siya?

If those words....kung ang mga salitang yun, noon niya pa narinig, siguro nabatukan niya ito bago hinalikan ng matagal.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon