Tapos na ang lahat...maging ang DOTS na kinabvaliwan ko hanggang ngayon, wag nyo ng punahin ang bagong cover, kailangan ko ang presence ni Joongki para mainspire muli magsulat :) Kasing haba lamang ito ng BMO ..
#unedited
...
65.
"Gutom ako, gusto ko ng pagkain!" Nagulat si Ren ng hampasin siya ni Benjo, nakatalikod kasi siya dito nakaharap pa siya sa maliit na espasyo na naghihiwalay sa kanila ni Candice. Panira din talaga ng moment ang isang ito. Abalang abala siya sa pag iisip kung paano sisirain ang munting pagitan na iyon, on the contrary wag na lang kaya. Paniguradong lalo lamang itong magagalit. Mabuti na rin na hindi na siya sa kanyang sasakyan magpapalipas ng magdamag.
"May bahay ka bakit hindi ka umuwi doon at kumain?" Mahina niyang bulong, habang sinasabi iyon ay napabunot na rin siya sa kanyang cellphone. Tinawagan niya si Portugal para magpadala ng pagkain. Bahala na kung ano ang maisipan nito, mukhang hindi naman maselan si Benjo sa pagkain, baka kung ano ngang bagay na pwedeng matunaw sa tyan ay kakainin nito.
"Hoy, pagkain!" Muling usal nito.
"Oo na, pwede ka bang maghintay? Ang galing mo mag utos ah!" Inis na tugon niya dito, ngisihan lamang siya nito, nilitaw na naman nito ang ngipin na ayaw niyang makita. Buti talaga pinapagalitan siya noon ng kanyang honey kapag hindi siya nagtotoothbrush.
"Ok " tumalikod naman ito, sinundan niya na rin kung saan ito nagpunta, naupo ito sa sala habang nakataas ang dalawang paa sa coffee table doon.
"Wala kang tv? Wala kang pera?" Muling tanong nito sa kanya, wala kasing appliances sa loob. Sa bagay , kung dito siya titira siguro kakailanganin niya rin ang mga gamit. Uutusan niya na lamang si Portugal. Imbes na nakatayo ay naupo siya sa tabi nito, tinitignan niya ito habang nilalaro ang mga daliri sa paa.
"Paano ka naging ganyan?"
"Ha?" Maging siya ay nawirduhan din sa kanyang tanong, napabuntunghininga na lamang siya, pero nakakatuwa lang kasi na ang pera na nakuha niya dito ay ginawang downpayment sa bahay para sa kanya.
"Bakit mo binayad dito ang pera?" Huamgikgik naman ito, hinintay niya na lamang na matapos ito sa katatawa na ito lang naman ang nakakaalam.
Patience is a virtue."Mukha kang tanga pag nandoon sa labas, ngayon hindi ka na mukhang tanga." Muli itong tumawa .
"Ganoon? Eh kung sapakin kaya kita!"
"Wag masakit!" Pinagkrus pa nito ang mga braso sa mukha, mukhang natakot ito sa kanyang sinabi. Mabilis namab siyang nakunsensya, ang siste ,ito lang pala ay may karapatang manlait siya wala.
"Joke only."
Nakasibangot na binaba ni Benjo ang kamay," Masama ang sapakin, masakit , ayaw ko ng masakit, ayaw ko ng away eh." Nakaramdam siya ng awa sa hitsura nito, siya ang matino pero siya ang mababaw umintindi, sa sitwasyon nito, hindi malabo na makatikim ito ng panlalait sa iba. Ganoon ang mundo, kahit nasasaktan ka na, lalo ka pang sasaktan...kahit nadapa ka na, lalo ka pang aapakan.
Alam niya ang bagay na iyon...kasi once in his life, kabilang soya doon sa populasyon ng mundo na nanakit at nang apak.
"Tagal ng pagkain, gutom na ko." Hawak na nito ang tiyan, tumunog nga iyon, natawa na lamang siya sa lakas noon.
"Hindi ka ba pinapakain sa inyo?"
"Konti lang."
Maya maya pa ay dumating na si Portugal, may dala itong pagkain mula sa kanilang paboritong fastfood chain. Buti naman at madami ang inorder nito... Matatahimik na rin ang isip batang may alagang sawa.
BINABASA MO ANG
The Law of Love (completed)
Romance(please read Blame me once first) Story of Ren Martinez Romualdez, ang makulit, madaldal at tinik sa sikmura ni Jett, ang sweet na sweet na honey ni Clem, at ang may sapak at overacting na kambal ni Ran. Sa mundong sya lagi ang tama, uubra kaya sya...