TLL 14:

49.2K 1.4K 78
                                    

...

14

"Just don't -" hindi na nito tinuloy ang sasabihin, paano kasi nakangisi pa rin siya dito, para namang hindi nito mahanap ang salita, hinawakan siya nito sa braso bago binuksana ng pinto ng pasenger seat. Marahan siyang iginiya doon. Isinarado nito ang pinto bago mabilis na umikot.

Pigil pa rin ang ngiti pero hindi ang kilig na kanyang nararamdaman.

"Seat belt o gusto mong ako maglagay?"

"Kaya ko po," sagot niya dito, baka hindi na siya makahinga kapag pinagsilbihan pa siya ng ganoon. Nakakabigla na nandito na naman ito ngayon at ililibre siya ng dinner.

"Yung mga kaibigan mo?" Di mapigilan niyang usisa, nakakahiya at lalo siyang tutuksuhin ng dalawa, lalo na si Josh, kahit saan pa naman siya nakikita, iinisin siya noon. Wala iyong pinipiling lugar at pagkakataon.

"Let them be, masyado silang maraming free time kaya lagi nilang napapansin ang mga ginagawa ko." His eyes still on the road while answering her questions. Patuloy ito sa pagsagot kaya ginaganahan pa siyang magtanong.

"Ikaw marami ka ring free time," kung wala itong oras marahil wala ito ngayon sa kanyang tabi.

"Why are you working? Mukha naman kayong mayaman, maganda yung bahay nyo." Hindi nito sinagot ang kanyang tanong bagkus tinanong siya ng bagay na sensitibo para sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon, iiwas niya ang topic sa ganito, pero meron si Ren na may parte sa sarili niya na gustong magbahagi ng kanyang personal na buhay.

"Bahay ng ate ko yun, saka ng asawa niya. Nahihiya ako na walang maitulong sa bahay kaya naman , nagsisikap ako sa pag aaral para scholar ganoon at nagtatrabaho din para may panggastos. Nakakahiya naman kung aasa ako lagi sa kanya."

"She's your ate anyway, I can do the same for my siblings." Iyong kaibahan nila.

"Magkapatid lang kami sa ama, pero kahit ganoon tunay na kapatid ang turing ko sa kanya, saka syempre sa mga pamangkin ko," pinasaya niya ang kanyang boses, hindi naman niya hahayaan na may masabi siyang hindi maganda patungkol sa kanyang ate,tama na muna na si Michelle. Pero kung magpapatuloy ito, isang araw i oopen niya ang lahat. Ioopen niya ang lahat sa tanong mapagkakatiwalaan niya.

And she's secretly hoping that, that person is the man beside her right now.

"Saan tayo kakain?" Tanong niya matapos.

"How about pizza for tonight?"

"Sounds good" mukhang mapapalaban na naman ang kanyang tiyan, paborito pa naman niya yun.

...

"Let's go?" Yaya ni Dion kay Eunice, pero mabilis na napalis ang ngiti nito. Kanina lamang masaya itong nagkukuwento tungkol sa bago nitong subject. Nawala ang ningning sa mata nito habang nakatingin sa isang direksyon. Tinalunton ng kanyang mata iyon, nakita niya si Ren kasama ang isang babae.

" Can we stay some more?"pakiusap nito.

" ikaw ang bahala," umayos siyang muli ng upo habang pinapanood itong nakatingin sa lalaking kinasanayan na nitong itaboy sa takot na matakot na matulad sa ina. Alam niya ang lahat kay Eunice, alam niyang ang iniisip nito, ang buhay nito at kung ano ang tunay na nasa puso nito.

Matagal na nitong gusto si Ren, higit sa pagiging kapatid, gaya ng pagkagusto ng huli. Kanya lamang pinipigil nito ang sarili na pakawalan ang pag-ibig, natatakot ito na may gawin ang kanyang tunay na ina sa oras na bumalik ito sa pamilyang kanyang iningatan. Sa pamilyang nag-alaga, nag-aruga, nagmahal sa panahong tinalikuran siya ng kanyang ina para sa pansariling interes. Hindi darating ang panahon na sasaktan nito ang pamilya Romualdez, kahit pa kapalit noon ay pagkalaban sa sariling ina.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon