Chapter 1
Kasisikat pa lamang ng araw nang bumukas ang isang pinto, sa ikalawang palapag ng isang apartment. Pumasok ang isang binatang nakasuot ng tracksuit habang basang-basa ng pawis.
Ilang sandali niyang hinabol ang kanyang paghinga, saka bumunot ng isang baraha mula sa bulsa. Barahang panandaliang lumiwanag bago parang alikabok na unti-unting naglaho sa hangin.
Lumiwanag rin sandali ang suot ng binata. Ngunit imbis na maglaho, nag-iba ito ng hugis. Naging puting polo't itim na slocks ang kanyang pananamit, miski ang suot na sapatos niya'y agad ring nagbago. Kahit ang tagaktak ng kanyang pawis, himalang nawala. Sa isang iglap, aakalaing bagong paligo na ang binata.
"Misyon, ha..." bigkas ng binata matapos huminga ng malalim.
Ilang araw na ang lumipas nang ipagkatiwala sa kanya ang isang misyon, galing sa isang kabalyerong nagngangalang Kidlat Florante. Subalit hanggang ngayon, wala siyang ideya kung ano't tungkol saan ang nasabing misyon. Ang tanging niyang nakuha ay isang librong nakapatong ngayon sa kanyang mesa, kung saan nakatala ang ilang impormasyon tungkol sa isang kilalang halimaw.
Nang tumunog ang smartphone sa bulsa, pumitas muna ang binata ng kapirasong saging sa mesa, saka binunot at binasa ang ilang mga mensahe para sa kanya.
"Isang estudyante ng San Pablo Colleges ang makakalimutang isarado ang kanilang tangke ng gas. - Future Gazer."
"Success! You paid PHP320,406.00 via instapay. Ref. No. 0XXXXXXXX."
"Hoy, Daga! Dumating na inorder mong TV dito sa clubroom kagabe! Grabe linaw ng 4K! Na-marathon ko tuloy Hunter Eks Hunter nang wala sa oras!"
"You won $10,000! You may deposit PHP5000.00 for the processing fee to our account in-"
"Nandito kami malapit sa apartment mo, Winter Faraon! Alam mo na ang naghihintay sayo!"
Habang ngumunguya'y kumunot ang noo ni Winter at napaisip sa kanyang nabasa.
Katatapos lang niyang mag-binge watch? Sa school ba lagi natutulog itong si Arnold? bulong niya, bago itinabi ang smartphone.
Matapos humigop sa isang baso, agad isinilid ng binata ang aklat sa loob ng kanyang bag, saka lumarga patungong eskwelahan. Ngunit hindi pa siya nakakalayo sa gate ng kanyang apartment nang may eksena siyang naaktuhan. Isang grupo ng kalalakihan ang pumalibot sa kanya, sa gitna ng kalsada.
"Kumusta, Winter Faraon. Malamang ay may ideya ka na kung ano ang sadya namin..." wika ng isang lalaki.
May kanya-kanyang mga armas ang mga matong kaharap ni Winter. Ang ilan ay may bitbit na baseball bat, ang ilan nama'y kutsilyo ang hawak. At bukod sa mga ngiti nilang nagpapahiwatig ng masama nilang binabalak, kapansin-pansin rin ang iba't-ibang mga tatu nila sa katawan, na tila kumikinang habang nagtatago sa kanilang mga damit.
"Sinasabi nilang isa lamang ang paraan upang kilalaning pinakamalakas sa lugar na 'to. Ang talunin ang kilalang Ice Master na nagngangalang Winter Faraon..." sabi naman ng isa.
"Kaya naman dapat ka nang magdasal! Alam mo ba ang tawag nila sa'ming mga-"
Hindi pa man natatapos, biglang binalot ng kristal ang parte ng kalsadang kanilang kinatatayuan. At wala nang ibang narinig pa sa mga maton. Tanging mga mata lamang ang kanilang naigalaw sa pagkakatayo, nang sila'y nakulong lahat sa makakapal na yelo.
"Sino nga ulit kayo...?" bigkas naman ng binata.
Nang narating at malampasan ang gate ng kanilang paaralan, humihikab pa si Winter nang dumaan sa isang canteen. Tumigil siya sa isang tindahan at dumampot ng isang tinapay, bago iniabot ang hawak na mga barya.
BINABASA MO ANG
The Storm Princess [Anime For Filipino Fans]
FantasyTaglay ang pambihirang abilidad ng kanyang mga palad, isang sikretong misyon ang kailangang gampanan ni Winter Faraon upang iligtas ang dalagang nakaturo ang isang propesiya. Laban sa isang halimaw na nakatago sa dilim, isang paglalakbay sa kontinen...