Chapter 6
Hindi pa sumisikat ang araw nang bumangon si Mayumi sa kanyang kama. Dali-daling niyang hinubad ang suot na pajama at nagsipilyo, bago binuksan ang shower. Matapos lumabas ng banyo'y isinuot niya ang isang t-shirt at shorts, bago kinuha ang isang saklob. Pagbukas ng pinto ng kanyang silid, mabilis siyang sumilip sa dalawang gilid bago dumiretso sa isa pang pinto, patungo sa unahang hardin ng mansyon.
Sinadya ng dalaga ang isang tagong sulok sa hardin. Isinuot muna niya ang dalang saklob bago inilabas ang isang baraha mula sa kanyang bulsa. Matapos lumiwanag ang spell card, unti-unting nabura ang katawan ng dalaga sa hangin at pumasok sa siya Invisible State.
"Kung hindi ako nagkakamali, maya-maya lang ay magpapakita na si Winter..."
Ilang araw pa lang nang nakilala personal ni Mayumi si Winter Faraon. Pero sa mga araw na iyon, sa dami ng mga nangyari'y naging misteryoso si Winter sa paningin ng dalaga. Kaya naman napagdesisyunan ni Mayumi na ito ang araw upang malaman niya ang lahat tungkol sa binata.
Ang Blessed Item kung tawagin ay Gambit Ring... First time na nakakita ako ng ability na naka-base sa chance.
Bago personal na puntahan ang club ni Winter, gumawa muna ng maikling imbestigasyon si Mayumi sa pagkatao ng binata. Doon niya nalaman na galing sa isang bahay ampunan si Winter at natampok sa isang episode ng KMJS bilang 'Undefeated Boy in Jakenpoy, 1000 - 0', bago siya nagsimulang mag-aral sa ilalim ni Sophia Marshall pagtapak niya ng elementarya.
Kaya naman matapos ang naging salo-salo nila kagabi, agad nagkulong sa kwarto si Mayumi at sinuri ang mga nakalap na video clips ng kanyang android. Napag-alaman niyang hindi lamang nagawang tumawag ni Winter ng sandata dahil sa lumabas na roletang nakalutang sa hangin, sa oras na tumapat ang pointer ng roleta sa slot na may nakasulat na 'Power Up', tila dumoble ang lakas ng hampas ni Winter gamit ang kanyang espada.
At hindi lamang iyon. Ang malubhang sugat ng nag-aagaw buhay na si Carlo, animo'y gasgas lamang nang humilom dahil rin sa kapangyarihan ng mahiwagang roleta. Ngunit ang mas nakapagtataka, ang mga resultang lumabas sa mahiwagang roleta, tila naaayon sa sitwasyon ni Winter Faraon.
"Something's fishy..."
Nang nakarinig ng papalapit na ingay, agad sumiksik si Mayumi sa isang sulok ng hardin at tinanaw ang mukha ng paparating.
"Wala talagang tatalo sa fifty kilometers run!" wika ni Winter nang mag-unat sa harapan ng gate ng hardin. "May oras pa ako. Makapaggala muna sa bayan..."
Sa oras na nagsimulang maglakad ang binata palayo, gumalaw rin si Mayumi ilang metro lamang ang pagitan nilang dalawa. Nakatutok lamang ang mga mata ng dalaga sa likuran ng binata nang agad napatalon si Mayumi pabalik sa pinanggalingan niyang sulok.
Biglang lumingon si Winter sa kanyang likuran habang nakakunot ang noo.
"Huh...? May sumusunod ba sa akin?" bigkas ni Winter bago tumuloy sa paglalakad. "Ganito pala ang pakiramdam ng may stalker."
Assuming... bulong naman ni Mayumi sa sulok.
Matiyagang minanmanan ni Mayumi si Winter hanggang sa narating nila ang pamilihan. Pansin ng dalaga na pamilyar na si Winter sa lugar dahil sa pag-iwas nito sa mga kalyeng kinaroroonan ng mga agresibong tindero.
Sa rami ng mga tao't karwahe na kanilang dinaanan, naging madali ang pagmanman ni Mayumi, na ngayo'y nakatago pa rin sa mahika ng kanyang baraha. Pero ang sumunod na nangyari, hindi inasahan ng dalaga. Bigla na lamang pinaligiran si Winter ng ilang mga kalalakihan.
"Hoy, Pilipino! Mukhang mamahalin 'yang suot mo, ha?" tili ng isang maton.
"Baka naman pwede mo 'yang ipagkaloob sa amin? Kasama na rin ng iyong salapi!" sigaw pa ng isa.
BINABASA MO ANG
The Storm Princess [Anime For Filipino Fans]
FantasyTaglay ang pambihirang abilidad ng kanyang mga palad, isang sikretong misyon ang kailangang gampanan ni Winter Faraon upang iligtas ang dalagang nakaturo ang isang propesiya. Laban sa isang halimaw na nakatago sa dilim, isang paglalakbay sa kontinen...