Chapter 14
Tirik na ang araw nang marating ng expedition team ang inaabangang constant point; isang talampas kung saan nakatirik ang mga pader ng isang lumang kaharian. Ang mga naiwang bakas ng isang sibilisasyong hindi pinatawad ng Gitnang Eterniya.
Pagbagsak sa sahig ng huling bandidong hinarap ang espada ni Xander, kasabay nito ang biglang katahimikan sa paanan ng talampas. At ngayon, habang inihahanda ng mga tauhan ang ilang mga establisyimento, isang mesa ang agad naisaayos ilang hakbang lamang mula sa mga nakapilang mga bagon.
"What a waste. Kung hindi gumagalaw ang mga lupaing nakapalibot sa ruin na 'to, napaka-cost effective kung magtatayo rito ng isang lab."
Nakaupo na si Mayumi at may hawak na kutsara't tinidor, habang nakaupo sa harap ng isang hapagkainan sa lilim ng isang puno. Nakahanda na rin sa mesa ang ilang mga putahe, kasama na ang ilang lutong pilipino.
"Siyanga pala, Yumi. Kumusta naman ang development ng Storm Jewel?" tanong ni Odin sa gitna ng hapagkainan.
"Maayos naman, Tito," sagot ng dalaga matapos humiwa ng tinapay. "Madalas man kami makaranas ng mga challenges, agad naman kaming nakakahanap ng solution. In fact, nagkaroon kami ng panibagong breakthrough kamakailan lang."
"Storm Jewel, ha," bigkas ng puting pusang kaharap ni Mayumi sa mesa. "Sikat na sikat na ang iyong pangalan sa Black Forest, Lady Mayumi. May mga ilang witch at estudyante nga sa amin na gustong bisitahin ang Ironchester, para lang makita sa personal ang Storm Jewel. Neow."
"Black Forest? Nanggaling po kayo sa tahanan ng mga witches, Lady Beatrice?" tanong naman ni Amelia sa tabi ni Mayumi.
"Kabaliktaran naman ang nangyayari sa kapital," pahayag ng nakahalumbabang si Odin. "Yaman, kapangyarihan, ang Phoenix Quill at ngayon, ang teknolohiya ng Storm Jewel. Tuwing tumatawag ng konseho, palagay ko'y pinagtutulungan na tayo sa Round Council. Kahit ako'y nakakakaramdam ng banta galing sa ilang mga senador."
"Pero hindi po ba't makakatulong rin sa kanila ang Storm Jewel?" tanong muli ni Amelia.
"Kung sa 'yong mga mata'y kasaganahan ang hatid ng Storm Jewel, sa iba nama'y kapangyarihan ang resulta nito, Amelia," paliwanag ni Emma sa tabi ng dalaga. "Natural lamang na ang ilang mga sakim sa kapangyariha'y matakot sa banta nito."
"And I'm sure na hindi magugustuhan ng senado kung malalaman pa nila ang kolaborasyon natin sa House Marshall. Neow," dagdag pa ni Beatrice. "Maaaring hindi na kailanganin pang gumamit ng mga elepante sa susunod ninyong expedition. Neow."
"Ngayong nabanggit ang House Marshall, wais ang desisyon mong i-recruit si Winter, Yumi," pahayag ng kabalyero matapos uminom sa isang gintong baso. "Pambihira ang paggamit niya ng mga abilidad, lalo na ang dala niyang Blessed Item. Batid kong hindi ganito kaayos ang ating paglalakbay kung hindi dahil sa kanya. Meron pa ba siyang itinatago?"
"Bukod sa patay na patay s'ya sa akin?" giit ni Mayumi nang punasan ng panyo ang labi. "I hate to admit it, pero perpekto niyang nagamit sa isang try ang Storm Jewel, sa point na nakakuha kami ng data na maaaring katumbas ng dalawang taong research..."
"Ehh?!" tili naman ng puting pusa. "Sa isa lamang try, neow?!"
"Totoo ba ito? Emma? Amelia?" tanong ng kabalyero.
Matapos ang naging tugon ng dalawa, kumunot ang noo ni Mayumi nang napansing sumandal si Odin sa kanyang upuan habang nakapisil ang dalawa daliri sa kanyang baba. Nang muling dumako sa kanya ang tingin ng kabalyero, nagkaroon ng masamang kutob ang dalaga.
"Ilang taong gulang ka na nga ba, Yumi?"
"Wala pa akong balak magpakasal!" sambit naman ng dalaga.
***
BINABASA MO ANG
The Storm Princess [Anime For Filipino Fans]
FantasyTaglay ang pambihirang abilidad ng kanyang mga palad, isang sikretong misyon ang kailangang gampanan ni Winter Faraon upang iligtas ang dalagang nakaturo ang isang propesiya. Laban sa isang halimaw na nakatago sa dilim, isang paglalakbay sa kontinen...