Chapter 18

7 2 0
                                    

Chapter 18

Mabilis na maituturing kung makabalik ng Ironchester ang natitira sa Expedition team sa loob ng walong araw. Ngunit makalipas lamang ang pitong oras sa likuran ng puting halimaw, napanganga na lamang ang ilan nang natanaw mula sa likod ni Lazaro ang inaabangang mansyon.

Sa paglatag ng mga bagon sa harapang hardin ng House Trillion, agaran ang naging kautusan ni Lucas sa mga miyembro ng ekspedisyon.

"Makinig kayo, R&D Team! Gawing prayoridad ang mga nasaktan! Sa oras na maging stable ang kanilang kalagayan, hatiin ang inyong grupo at magtalaga ng mga rescue unit na babalik sa unang constant point!"

Matapos ang mga salita'y dumako naman ang tingin ni Lucas sa mga armadong kasamahan.

"Mga squire! Kailangan ko ng mga tauhang lalahok sa rescue unit pabalik ng Gitnang Eterniya. Personal ninyong puntahan ang mga kilala ninyong maaaring lumahok, kahit mga squire at kabalyerong naka-off-duty. Magtitipon tayong lahat bago lumubog ang araw! Dismiss!"

Matapos humiwalay ng iba, si Mayumi naman ang bumaba ng bagon. Nasa likuran lamang siya ng Defense team nang napatigil sa paglalakad at tila may napansing kakaiba.

"Strange... Bakit wala akong nakikitang mga nakakalat na tauhan sa mansyon?"

Miski kay Winter, katakataka ang naging pagsalubong ng House Trillion sa kanila. Ni isang kabalyero, wala silang nakita sa hardin man o sa mismong harapan ng mansyon, na para bang inabandona itong mag-isa.

"Ano ang unang ninyong gagawin, Miss Mayumi?" tanong ni Lucas nang lumapit sa dalaga.

"A simple request is not enough, Lucas. Buhay ang nakasalalay sa bawat oras na lilipas. Kailangan kong humarap sa konseho upang personal na kumuha ng support. Kailangan kong makausap si Lord Otis!"

Nagmartya si Mayumi kasama ang Defense Team sa kanyang likuran, patungo sa harapang pintuan ng mansyon. Habang si Winter na kasunod lamang ng grupo, ay nakatitig nang masama sa katabi niyang si Lucas.

"Sa tingin ko'y alam mo na ang susunod na mangyayari..."

Hindi na umimik pa si Lucas. Iniwan na lang nito si Winter at sinundan ang dalaga.

Bumukas ang ilang pintuan ng mansyon at narating agad ng grupo ang trono ng House Trillion. Ngunit kahit ang silid, wala silang taong natagpuan.

"What's happening here?" tanong ni Mayumi. "Nasaan ang mga miyembro ng konseho? Nasaan si Lord Otis?"

"Hindi kaya may ibang pagtitipong nilahukan ang konseho?" wika naman ni Emma.

Maya-maya lang, isang pinto ang hindi namalayang bumukas sa tabi ng trono. Isang kasambahay na may hawak pang walis ang nagtungo sa grupo matapos ang naging katanungan ng dalaga.

"Paumanhin po, Lady Mayumi. Nagkaroon po ng biglaang pag-uutos si Lord Otis noong nakaraang araw. Dahilan kaya po kasalukuyang bakante ang konseho."

"At si Lord Otis?" tanong naman ni Lucas.

"Ayon ho sa aming mayordoma ay umalis sila ng Ironchester. Ngunit huli ko ho siyang nakita sa hardin kaninang umaga...?"

Yumuko na lang ang kasambahay bago nagtungo sa kabilang silid. Ang Defense team, tila naguluhan sa kanilang narinig.

"Nagsasabi ba siya ng totoo?" pagtataka ni Margaret.

"Hindi tugma ang mga sinabi niya," giit naman ni Anthony.

"Meaning, may kakaibang nangyayari dito sa mansyon," dagdag pa ni Emma.

"At kailangan natin itong malaman bago tayo bumalik ng Gitnang Eterniya," suhestiyon naman ni Xander bago pumaling ang paningin kay Lucas.

The Storm Princess [Anime For Filipino Fans]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon