Do you even believe in coincidence?"Hingal na hingal ah."
Natatawang napatingin ako sa kaklaseng si zoe na nasa gilid kong nag papahangin din. Galing kasing canteen, sino bang hindi hihingalin nasa 3rd floor pa ang room namin tapos mag lalakad kapa ng ilang seconds bago makarating sa canteen.
Dulo kasi 'yung room building kung nasaan kami. Bale pagpasok mo ng gate una mong makikita mga lalagyan ng trophies, then may hagdan sa left side 'yon ung tinatawag namin na C-building, pag-akyat ay may locker ka na makikita, pag lumingon ka sa bandang kaliwa may tatlong room at computer room naman sa kanan ng hallway, kapag diniretso naman ay office ng D.O.
Sa gilid ng office ng D.O mayroong hagdan pababa kung saan makikita ang Faculty office. Kung hindi ka naman aakyat sa C-building. Pag pasok mo ay makikita mo ang mga trophies sa kabilang gilid naman ay may mga computer kung saan nag t-tap in and out kami.
Pagkatapos ay makikita mo sa gilid ang tinatawag naking cat walk dahil madaming mga pusa dito. Dyan din makikita ang bulletin board at mga announcements about sa student achievers. Doon madalas tumambay ang mga studyante kapag may inaantay.
Mga ilang hakbang naman ay makikita ang clinic katapat ang Guidance office. Sa bandang kaliwa nadoon ang isang building sa gilid na tinatawag naming A building at sa kanan naman ang B-building habang sa harapan naman ay ang main building kung nasaan ang court at mini stage.
Mayroong hagdan sa kanan at kaliwa sa gitna naman ay makikita mo ang nakasulat na "Registration office" pag pasok doon ay una mong makikita ang cashier sa gilid ang registrar, kapag diniretso naman mayroong board room sa gilid, sa kaliwa naman ng hallway ay mayroong library, at mayroon ding hagdan.
Kapag inakyat ito unang makikita ang AVR 1 na nasa pinaka dulo, sa harapan naman nito ay mga rooms. Ito ang tinatawag na 1st floor. Kapag dineretso pa ang corridor na ito may hagdan kang makikita papuntang 2nd floor.
"Zoe!" I called him loudly, nakita kopang bahagya itong napatalon sa gulat dahil sa pag sigaw ko bago ito inis na lumingon sa akin.
"Ano na-naman ba?" He replied loudly mukhang nainis dahil sa pag sigaw ko kaya bahagya akong natawa.
"H'wag mo kasing harangan 'yung hangin!" I said trying to surpass my laugh. Hindi ako nito pinansin kaya hinampas ko siya ng hawak kong notebook, nag r-review kasi ako dahil may quiz kami mamaya.
"Nag babangayan nanaman kayong dalawa diyan." Napatigil ako ng marinig ang adviser namin.
Umayos kami ng tayo bago sabay-sabay na bumati sa guro pagkatapos ay pinaupo na din kami bago nito inilibot ang paningin sa amin.
"Ang dami namang wala." She commented.
"Last man standing kami dito ma'am." I laughed.
Napalingon kami sa pintuan nang may marinig na katok mula doon.
I laughed when I saw our class president.
"Late na 'yan." I told miu na secretary namin, siya kasi ang nag lilista ng mga late at absents.
"Buksan n'yo na." Utos ng aming guro na sinunod naman.
"Hi ma'am." Bati nito habang akward na tumatawa.
Napailing na lamang si ma'am.
"Since this is your first time being late Mr. Santo, I'll let this slip." Ma'am vilma strictly said.
Napatango naman ang huli at humingi ng pasensya bago pumunta sa upuan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang maka upo sa likuran, mukhang napansin niya ang pag tingin ko kaya nag taas ito ng tingin and when our eyes met. I instantly rolled my eyes at him before fixing how I sit.
BINABASA MO ANG
Embracing My Shepherd [COMPLETED]
RomanceEmbracing series#1 Is there really a light at the end of the tunnel? Or was it just a motivational for them to continue running? Reiela krish Sandoval, Grew up feeling like no one is capable of loving her, She grew up seeing herself as a burning fi...