Chapter 3

126 6 5
                                    

Nang magdilat ako ng mata ay kaagad dumapo ang paningin ko sa lalaki na nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ko. Nakatitig ito sa akin, pasimple kong pinunasan ang magkabilaang gilid ng labi ko dahil baka may tumulong sumpa.

Kung ibang pagkakataon ito at hindi siya isang demonyo ay malamang na kikiligin ako sa intensidad ng pagkakatitig nito sa akin. Pasimple akong napabuntong hininga at umupo sa kama.

“Buhay pa naman ba ako?” nakakatangang tanong ko dito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang diin ng pagkakadikit ng kanyang mga labi. Hindi ko nga lang mawari kung may sinusupil ba na ngiti ang kanyang mga labi o baka kaya ko naiisip yon ay dahil kagigising ko lang.

“Ano sa palagay mo?” Hindi ko na ito sinagot at hinanap na lang kung saan nakarating ang phone ko. Nang mapansin niya na may hinahanap ako ay inabot niya naman sa akin ang phone ko.

Inabot ko iyon gamit ang nanginginig at nanlalamig kong mga kamay. Sinubukan ko tawagan si Marie dahil may lakad kami ngayon.

“The subscriber cannot be reach. Please try again later.”

Malinaw sa isip ko ang sinagot niya sa tanong ko kahapon. May glove din siya na suot sa kaliwang kamay. Sana mali ako.

Umalis ako sa kama, hindi ko na tinapunan pa ng pansin ang demonyong literal na nakamasid sa akin. Alas dos na ng hapon at alas sinco naman ako aalis para pumasok sa convenience store.

Pupunta muna ako kila Riley. Napabuntong hininga ako at tinapos na ang paliligo. Ang hirap tanggapin na wala na siya, wala na ang kaibigan ko.

Lumabas ako sa banyo ng nakadamit na. Napahinto ako sa pagpasok sa kusina nang may makita na may lutong pagkain na nakatakip sa may lamesa. Bumaling ako sa pintuan ng kwarto ko. Nagluto siya?

Ipinilig ko ang ulo at nagsandok ng pagkain. Sa unang subo ko ng ulam na niluto niya ay napapikit ako. Kakaiba ang lasa, parang dinuduyan ang taste buds ko sa sarap.

Nang magdilat ako ng mata ay pinamulahan ako ng mukha nang magtagpo ang mga mata namin. Nakasandal ito sa gilid ng daanan papunta sa kusina habang matiim ang titig nito na para bang kanina pa ako nito pinagmamasdan.

“Kamusta ang lasa? Pangtao man lang ba?” Tumango-tango ako nag-thumbs up pa.

Nababaliw na naman ata ako. Kapag kasi natutuwa ako sa sobra ay lumalabas ang childish side ko. Nang matapos ako ay nagligpit ako ng pinagkainan. Akmang huhugasan ko na ito nang biglang sumulpot si Damian sa gilid ko at mahina akong binunggo pakanan gamit ang katawan nito.

Nakatitig ito sa akin ng inis akong bumaling, “may sira ka ba sa utak?!” Tumaas ang isang kilay nito at hindi ako sinagot.

Padabog akong umalis sa kusina at bumalik sa kwarto ko para kunin ang wallet at phone ko. Lumabas ako ng bahay, walang lingon-lingon sa iniwan kong demonyo sa loob ng bahay ko.

Sumakay ako ng tricycle, inabot ng kalahating oras bago ako makarating kila Riley. May mga upuan at lamesa sa labas pero wala gaanong tao. Nagbayad ako at nang tumapak ako sa loob ng bahay nila ay kaagad kong naramdaman ang bigat ng atmospera.

“Ate Sam,” garalgal ang boses na tawag sakin ng babae. Naupo ako sa tabi niya at tinapik-tapik ang kanyang likod habang ang luha ko ay masaganang umaagos.

Hindi ko kayang tagalan dito. Kada makakarinig ako ng hagulgol ay dinudurog ang puso ko sa sakit. Naging malapit sa akin si Rica at lagi namin itong source ng chika ni Marie.

Si Marie…

Napapikit ako at pinilit na kayanin ang sakit na lumulukob sa pagkatao ko. Hilam ang luha ko nang magpaalam ako kila Riley na uuwi na.

Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging biyahe ko pauwi. Nakatulala lang ako. Naibalik lang ako sa reyalidad nang huminto ang tricycle na sinasakyan ko. Nagbayad ako at wala sa sariling naglakad papasok sa bahay.

Bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay napatid pa ako sa pinto. Dahil wala ako sa sarili ay natumba ako at napaluhod sa sahig. Dahil din sa pagiging lutang ko ay hindi ako nakaramdam ng sakit.

Nanghihina ang buong pagkatao ko, hindi ko nagawang tumayo. Naramdaman ko na lang na may umalalay sakin para makatayo ako at inalalayan pa ako nito para makaupo sa sofa.

May naririnig ako na nagsasalita pero malabo iyon sa pandinig ko. Mababaliw na ata ako.

MAG-isa ko na itinawid ang shift ko ngayong gabi dahil hindi nagpakita si Marie. Nang sumunod na gabi ay naabutan ko ang manager sa loob ng convenience store.

“May papalit kay Marie simula ngayon. Maya-maya lang ay nandito na yon.” Dahil medyo napaaga ako ng dating ay naupo muna ako habang hinihintay ang oras na ako na ang papalit.

“Bakit papalitan si Marie?” Hindi ko mapigil ang sarili na magtanong sa manager.

“Hindi naman pwede na ikaw lang ang tatao sa magdamag. Kailangan mo ng katulong at kung sakali man na pumasok si Marie ay makakasama niyo pa din yung bago. Kapareho mo ng schedule iyon.” Tumango na lang ako bilang sagot.

Tumunog ang bell nang bumukas ang pinto. Nang mag-angat ako ng paningin ay kaagad ko itong nakilala, nakasuot ito ng uniform na kagaya ng sa akin.

“Am I late?” tanong nito gamit ang malalim at pantay na tono.

“Hindi naman, sakto lang,” ikinumpas ng manager ang kanyang kamay sa direksyon ko. “Siya ang makakasama mo simula ngayon. Sana ay magkasundo kayo.”

Maliit na ngumiti sa akin ang lalaki at lumapit nang nakalahad ang palad, “Damian Writhford.”

Tinanggap ko ang kamay niya, “Mayers. Samantha Mayers.”

“Iwan ko na kayo dito. Sam, ikaw na bahala sa kanya, turuan mo.” Tumango lang ako. Matiwasay ang takbo ng gabi dito sa convenience store. Nakakasira lang ng peace of mind ang mga lalaking costumer na nangungulit sakin.

Nagluluksa yung tao tapos may mangungulit. Putek na yan baka di ko sila matantya.

Nag-vibrate ang phone ko nang makarecieve ako ng text mula sa number ni Marie.

'Samantha, mommy ito ni Marie. Pwede ba kitang tawagan ngayon?' Tutal naman ay walang costumer, ni-reply-an ko kaagad ito. Maya-maya lang ay nag-ring na ang phone ko.

“Samantha…” nanikip ang dibdib ko kasabay ng paghagulgol ng ginang. “Wala na si Marie… Wala na ang anak ko.” patuloy lang sa paghagulgol ang ginang.

Nanlalamig ang buong katawan ko, kusang lumuwag ang hawak ko sa phone kaya nabitawan ko ito. Nanlalabo ang paningin ko, pati ang utak ko nabablanko. Hindi ko na mahanap ang ulirat ko, para akong nawawala sa sarili.

HANGGANG sumapit ang alas-quatro ng madaling araw ay tulala ako. Umuwi ako ng wala sa sarili dahil nandito naman na ang kapalitan namin. Habang naglalakad sa kalsada at diretso lang ang tingin ko. Ramdam ko na may nakasunod sa akin pero hindi ko na nilingon.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay ng matiwasay kahit na wala ako sa sarili. Malamang ay kabisado ng aking paa ang daan pauwi sa bahay.

Wala sa sarili akong naglakad papunta sa kwarto ko at dumapa sa kama, hindi na ako nagbihis at kumain.

“Tangina mo naman!” Hiyaw ko nang may nagtulak sa akin dahilan para gumilid ang katawan ko na nakadapa sa kama.

“Ikaw lang ba ang pwede magpahinga?” taas kilay na tanong nito sa akin.

“Sino ba kasi ang nagsabi sayo na pwede ka dito? Dun ka nga nabuburyo ako sayo!” Hindi ito sumagot at nahiga sa tabi ko. Naging malalim at patag ang paghinganiya pero alam ko na hindi pa ito natutulog.

Ang binti niya ay lumagpas sa haba ng kama, ang haba kasi ng biyas. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na ito pinakialaman. Isa pa ay baka bigla itong mabwisit sa akin, baka maubusan ng pasensya at bigla akong sakalin para patayin.

“Damian…” Mahinang tawag ko dito. Hindi ito kumibo, kahit kaunting galaw ay wala din. “Patayin mo na ko.” Naramdaman ko ang paggalaw ng kama at sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na ito. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon