Chapter 11

52 4 1
                                    

Para akong prinsesa.

Yon ang pakiramdam nang muling makasama si Damian. Para akong prinsesa kung ituring niya. Hindi naman ako nagrereklamo, gusto ko nga eh.

Pumasok siya sa kwarto at naupo sa kama saka ako tinitigan. “Gutom ka na?”

Ngumuso ako at tumango. Natawa siya at inalalayan akong bumangon. Hindi naman ako baldado para alalayan pero hindi ako tumutol. I love it!

Ipinagsandok niya pa ako at kulang na lang ay subuan niya na ako sa sobrang pag-aasikaso niya sa akin.

Tumikhim ito kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Pag-alis mo pala mamaya ay aalis din ako.”

Nilunok ko ang pagkain na nasa bibig ko. “Saan ka pupunta?”

“May aasikasuhin lang ako pero babalik ako bago ka makauwi. Wag na wag kang gagawa ng kalokohan.” Seryoso ang tono nito habang matiim ang titig sa akin.

“Kalokohan? Ano yon?” Sinamaan ako nito ng tingin at humagikhik na lang ako.

Mukha ba akong gagawa ng kalokohan? Grabe naman siya mag-isip kung ganon. Sa tanda ko na to? Tsk.

Ang sarap sa piling niya. Bukod sa para akong prinsesa, ang gaan ng pakiramdam ko at alam ko na ligtas ako sa tabi niya.

Ayaw ko na umalis sa tabi niya pero alam ko na may sari-sarili kaming gawain na kailangan gawin, kagaya na lang ng pagpasok ko sa cafe.

Gusto ko pa sana sa tabi niya pero kailangan ko na pumasok. Pwede ba na bumagal muna yung oras para makasama ko siya ng mas matagal?









Bagot ako sa cafe at ngayon naman ay gusto ko na bumilis ang oras para makauwi na ako kaagad.

“Hindi ka mukhang binagsakan ng langit at lupa ngayon ah,” puna sa akin ni Vince. “Let me guess, pinansin ka na nung lalaking walang pangalan no? Iba ang awra ng mukha mo.”

Ngumiti lang ako at umiling. Tita niya naman ang sadya niya kaya nandito na naman siya. Bakit kaya hindi niya na lang samahan ang security guard na magbantay sa pinto ng cafe?

Nang makaalis siya sa paningin ko ay si Trisha naman ang pumalit. “Samantha!” tili nito. “Nagsabi ako sa boss natin na maaga ulit ako uuwi kung okay lang sana. And guess what?!” Inalog-alog niya ang balikat ko, “pati ikaw ay pwedeng umuwi ng maaga!”

Napa-awang ang labi ko sa gulat. Totoo ba to?! Oh my gosh! Maaga ako makakauwi ibig sabihin ay makakasama ko si Damian ng mas mahabang panahon! Ito ang unang beses akong uuwi ng maaga at hindi ko maiwasan ang matuwa.

Nang matapos ang shift ay nagmamadali akong umuwi. Ewan ko ba kung bakit madaling madali ako.

Binuksan ko ang pinto at kaagad kong nakita ang pigura na nakaupo sa sofa. Isinara ko ang pintuan nang bigla akong matigilan kasabay ng  pag-gapang ng takot sa buong sistema ko nang mapagtanto na hindi si Damian ang nakaupo sa sofa ngayon.

Mula sa likod ko ay sinalat ko ang door knob at hinawakan iyon. Handa na akong pihitin iyon nang biglang tumayo ang kaninang nakaupo sa sofa.

Tumingala ito at mistulang may inaamoy sa hangin at nang bumaling ito sa akin ay nahigit ang hininga ko. Ang pula nitong mga mata ay mistulang nakamamatay dahil sa paraan ng pag titig nito sa akin.

“I can smell his scent here.”

I take a deep breath, forcing myself to focus on the rhythm of my heartbeat, the steady rise and fall of my chest.

Umalis ako sa pinto at bubuksan na ang ilaw nang biglang tumama ang likod ko sa malamig na pader at napasinghap ako dito. Mariin ang hawak ng malalaki niyang mga palad sa mga braso ko na lalong bumuhay sa takot ko.

“Wait … his scent. It's on you.”

Lumayo ito sa akin at pinagkatitigan ako. Kinuha ko ang pagkakataon na yon para buksan ang ilaw na nagawa ko naman kaagad. Pamilyar ang awra ng mukha nito habang naka-awang ang labi na nakatitig sa akin.

“Now I get it…” tumango-tango ito. Sino ba ang kausap nito? “You are the woman who made him a fool.”

What the fuck? Bakit ba naninisi ito? Sino ba itong taong to?!

“Excuse me?” taas kilay ko na tanong dito.

“Oh, shit.” Kumamot ito sa kilay. “Hindi iyon kagaya ng pagkakaintindi mo, okay? What I mean is, ikaw yung dahilan ng biglaan niyang paglapit sa akin.”

Kumunot ang noo ko. “Sigurado ka ba na tamang bahay itong napuntahan mo? Saka paano ka nakapasok dito?”

“I'm just like Damian.” Oh, a demon. That's why. “You know, it's been a decade since he last approached me. Tapos biglang kumatok sa bahay ko para itanong ang tungkol sa kakaibang nararamdaman niya daw.”

“Bakit sayo tinatanong, doctor ka ba?”

Napakamot ang lalaki sa batok niya. “Hindi naman kasi tungkol sa sakit yung inusisa niya.”

Tinaasan ko ito ng isang kilay kaya bumalik ito sa couch. Sumunod naman ako at tumayo sa harap nito.

“Naglalagi ba siya dito?” tanong niya nang makaupo siya.

“Dati. Tapos nawala siya ng ilang buwan at kahapon ay bumalik.”

Pinaningkitan ako nito ng mata. “Bumalik ba talaga?”

My lips formed a thin line, “urgh, fine,” pagsuko ko. “I summoned him.”

Napanganga ito sa akin. “What the fucking hell?” Napatayo ito at hinawakan ako sa balikat saka niyugyog. “Are fucking serious?!”

Napakurap-kurap ako dito dahil sa biglaang pagiging tuliro nito. “Yeah, why?”

Napabitaw siya sakin at natulala. “Naglalagi dati dito, tapos sinummon mo.” Napanganga ito kaya kumunot ang noo ko. “Dalawang beses mo na siyang nai-summon. Ikaw ang unang nakagawa non.”

Muli itong umupo sa sofa. “Alam mo ba bihira sa mga taong nagsa-summon ng demonyo ang nabubuhay?” Tumango ako. “At ikaw, nagsummon ka pa ng dalawang beses.”

Unsure of what to say, awkward akong ngumiti. “Uh… thanks?”

“That's not a compliment. Take that as a warning,” umayos siya ng upo sa sofa at sumandal dito. “Any moment from now, magiging matunog ang pangalan mo sa mundo namin.”

Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi nito. Ibig sabihin ba non, pwede akong mapahamak? 

“Does that mean, lalapit sila sa akin?”

Tumango ang lalaki at nagbitaw ng mga salita na nagpayanig sa pagkatao ko, “maari ka nilang patayin.”

“Damon!” Napabaling ako kaagad sa bandang kusina nang marinig ko ang boses ni Damian. Mabilis ang pagkilos nito, naramdaman ko na lang na umangat ako at ang nasa harapan ko na ay ang malapad na likod ni Damian.

Napangisi yung demonyo na tinawag ni Damian na Damon, “hi, my dear cousin.” Sinilip ako ni Damon dahil natatakpan ako ni Damian. “Siya pala yon.”

Damian's fists turned into a ball, “anong sinabi mo sa kanya?” he growled.

“Kung ano ang dapat niyang malaman.”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon