Chapter 14

55 2 1
                                    

Naka-indian sit ako sa kama habang nakayuko at ang mga kamay ko ay nakatakip sa mga tenga ko. Mariin na nakapikit ang mga mata ko habang tinitiis ang boses na aking naririnig.

I keep hearing the same phrases over and over again. I can't stand it. I can't. Ayokong marinig ang boses na iyon dahil pag-aari iyon ng tao na may balak patayin ako.

Lalong dumiin ang pagkakatakip ko sa tenga ko but it didn't even suppress the voice. The voice… it's in my head. 

Lilith… ayan na naman.

I'll kill you!

But before I could silence the voice that brings terror to me, darkness consumed my vision and my body bounced on the mattress.


Namumuo ng pawis ko sa noo at ang hangin ay nagdadala ng lamig sa aking batok na nagpapatayo ng mga balahibo ko sa katawan. Bawat ihip ng hangin ay palakas ng palakas, kasabay ng unti-unting paglakas ng tibok ng puso ko.

Habol ko ang sariling hininga nang makarinig ako ng kaluskos mula sa aking likuran. Nilingon ko iyon at ang nakita ko lang ay anino na gumagalaw ng mabilis at halos hindi masundan ng paningin ko.

Bigla itong sumulpot sa harapan ko at sinakal ako. Kahit na anong piglas ang gawin ko ay hindi ako makawala sa pagkakasakal nito. Napaubo ako at nanlalabo na ang paningin pero hindi pa rin ako binibitawan nito. Alam ko na malaki ang galit niya sa akin at intensyon niya ang patayin ako.

Napabangon ako na sapo-sapo ang dibdib at habol ang hininga. Agad ko na ipinalibot ang tingin at napagtanto na nasa kwarto pa din ako.

I rested my face on both of my sweaty palms, trying to calm down my heightened senses. Bakit bumabalik ang mga iyon? Matagal na nangyari yon at ngayon ay nagsisibalikan ulit.

Nanginginig pa din ang mga palad ko nang lumabas ako sa kwarto para maglakad-lakad at magpahangin. Kailangan ko kumalma dahil hindi ako makakapag-isip ng maayos kung ganito ang lagay ko.

Hindi ko alam kung gaano kagatal akong naglalakad, kung ilang liko ang ginawa ko bago ako makarating sa garden. Makulay ang garden, buhay na buhay dahil iba-iba ang kulay ng mga bulaklak na nakatanim dito.

Makulay ang hardin, may mga malalagong puno sa gilid at napaka-aliwalas. Hindi mo aakalain na demonyo ang may ari ng lugar na ito dahil masyado itong makulay.

May bench na nasa lilim ng puno, hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Naglakad ako papalapit saka naupo doon.

Tumingala ako at doon ko napansin na puting-puti pala ang pintura ng mansyon sa labas. Habang sa loob, iba-iba ang kulay kada kwarto. Malakas ang ihip ng hangin at nakaramdam ako ng antok dahil para akong dinuduyan ng hangin, pinapakiusapan ako na ipikit ang mga mata.

Sa huli ay nagpadala ako sa kagustuhan ng katawan ko na pumikit. Dahil sa pagpikit ay lumakas ang pakiramdam ko kaya agad kong naramdaman ang pag-galaw sa sanga ng puno na nasa itaas ko. Kaagad akong napadilat at tiningala iyon.

May lalaking nakaupo sa sanga at nakasandal sa puno habang nakatingin sa malayo. Sa tingin ko ay maramdaman niya ang pagtitig ko kaya nagbaba ito ng tingin sa akin.

Napatayo ako nang tumalon ito pababa sa puno. Tumayo siya ng maayos at hinarap ako sabay lahad ng kamay niya, “Ramon.”

Akmang aabutin ko na ang kamay ng lalaki pero biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-gapang ng kilabot at pagkablangko ng utak ko.

Napasigaw ang lalaki sa sakit habang sapo-sapo ang sugat na pinagtanggalan ng kamay niya. Kaagad siyang tumakbo paalis habang sumisigaw sa sakit. My breathing were unsteady and ragged as horror consume my human being.

The way the blood splattered in the air, the man's scream. I looked down on the ground, his hand still here, covered in blood while the flesh is still pulsating. I felt like my stomach has been punched and I badly want to throw up.

A hand held my wrist and in just a split second, we're back at the library. Damon clicked his tongue whilst shaking his head. “That's just too rude, Damian. Makikipagkilala lang naman yung tao.”

Rude? Iyon lang ang itatawag niya sa ginawa ni Damian? Seriously? What's wrong with these two?! That's fucking unreasonable and Damon just called it rude!

“Sabihan mo ang mga nagtatrabaho sayo na dumistansya kay Samantha.” Hindi na maipinta ang mukha ni Damian at napakadilim nito pero tinawanan lang siya ni Damon.

Baliw ba itong magpinsan na ito?

“How many guys have you hurt already?” Natahimik si Damian, ngumisi naman ng nakakaloko ang pinsan niya. “Nakapatay ka na rin dahil sa kanya ano?”

Pasimple akong napatango-tango sa gilid. Totoo yon, tama ang hula ni Damon dahil nakapatay naman talaga si Damian dati. Tapos pinagtripan niya pa yung isaw na kamukha ng bituka ng pinatay niya.

Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang ibalik ng utak ko ang nakita ko dati. Ang pagtalsik sa dugo, paglipad ng ibang laman, yuck! Nasusuka ako bigla.

“Buti naman ay nasa sarili ka pa matapos ng mga nasaksihan mo.” Napabaling ako kay Damon at sa akin ito nakatingin. May maliit na ngiti na sumisilay sa labi nito.

“Pinipilit ko na huwag mawala sa katinuan,” mababang boses na sagot ko. This is not a thing I should be proud of, so, I'd rather say it in a low voice than be heard clearly.

Though it's true. I can't even count how many times I almost lost my sanity because of the thought that Damian can easily kill anyone without mercy. Kaya niyang pira-pirasuhin ang kahit na sino nang hindi man lang pinagpapawisan. And that disturbs me the most.

That truth is disturbing and I am deeply affected. Alam ko na kaya niya rin gawin sa akin yon kung gugustuhin niya kaya ganon na lang ang takot ko.

“Should I change myself, then?” tanong ni Damian.

Nilingon ko siya, seryoso ang bakas ng mukha habang matiim ang pagkakatitig sa akin, wala kang makikita na pag-aalinlangan sa mga mata niya dahil malamlam ang mga iyon.

Kahit hindi magsalita ay alam ko na concern siya sa akin, iyon ang pinapakita sa akin ng kanyang mga mata.

I smiled, trying to chase his worry away. “Even if it makes me scared for my own life, I love it. It makes me feel alive,” I paused. “It makes me feel important, and loved.”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon