Chapter 5

88 4 6
                                    

Ang kanyang mga mata ay aktibong nakamasid sa lahat ng reaksyon ko simula pa kanina. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit hindi ako naiilang sa kanya.

“Hindi ko alam.” Napa-amang na lang ako sa sagot niya sa akin. Sarili niya tapos hindi niya alam? Wait, just like me!

“Sinasabi mo ba na wala kang alam sa mga nangyayari sa sarili mo?” Alanganin na tanong ko dito. Napangiwi ako nang kumamot siya sa kanyang pisngi at nabahiran ng dugo ang makinis na pisngi nito.

“Yes.” Deretsahan na sagot nito na nagpanganga sa akin.

Tumikhim ako at ako na ang nag-iwas ng topic mula sa tanong ko kanina. Dahil pareho kami ng nararamdaman ngayon, nalilito. “Maligo ka muna kaya? Ang daming dugo sa katawan mo, malansa.” Nakangiwing sabi ko dito.

Agad naman itong tumayo para maligo. Muli akong nakaramdam ng kirot mula sa sikmura ko na sinuntok kanina. Huminga ako ng malalim at ininda ang sakit nito.

Ipinikit ko ang mga mata, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Naalimpungatan ako nang tumunog ang pinto ng cr nang bumukas ito.

Mula sa cr ay lumabas si Damian. Ang tuwalya ko ay nakapulupot sa kanyang bewang kaya exposed ang upper body nito. Bahagyang napaawang ang bibig ko, hindi dahil sa magandang hubog ng katawan niya kundi dahil pati sa bandang gitna ng dibdib niya ay may kalmot din.

Maliit na ngiti ang pinakawalan nito nang makita ang reaksyon ko. “Hey, tignan mo yung gagawin ko.” Proud na sabi nito sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang unti-unting paghihilom ng mga sugat niya hanggang sa tuluyan itong mawala.

“Kaya mo naman pala gamutin yung sarili mo tapos nagpakita ka pa sa akin na puro galos!” Tumawa ito nang mahina at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Tinitigan ko lang ito at tumigil siya nang isang metro na lang ang pagitan namin.

“Wala akong damit na susuotin. Pwede naman hubo't hubad akong magpalakad-lakad dito sa bahay mo, walang problema sa akin yon. Per—” Hindi natapos ang sinasabi niya nang pumikit ako sandali at tumayo na.

Sinamaan ko siya ng tingin saka pumasok sa kwarto ko at naghanap ng pwede niya isuot. Natampal ko na lang ang aking noo nang mapansin na ni isa sa mga damit ko ay walang kakasya sa kanya.

Binalikan ko siya sa sala at nakita ko ito na nandon pa rin sa kinatatayuan niya kanina. Inabot ko sa kanya ang bath robe na kinuha ko mula sa damitan. Kinuha niya iyon at binulatlat, “ito ang susuotin ko?” Tumango ako. “Seryoso?”
Muli akong tumango. Hindi naman siya kumilos at nakatitig lang sa roba.

“Hindi mo iyan masusuot kung tititigan mo lang.”

Ngumisi ito sa akin, “isuot mo sakin.”

“Fuck you.”

“When?” Hindi ko ito sinagot at basta na lang itong tinalikuran. Para akong duduguin sa sobrang stress dito sa demonyo na to.

Nang tapos na ko kumuha ng damit ay lumabas na ulit ako sa kwarto. “Sabihan mo ako kung kailangan mo ng tulong ko. Paliguan kita.” Hindi ko ito sinagot, itinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa kanya at natawa siya ng mahina.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako sa cr at inabutan ko ito na nagluluto. Nakasuot siya ng pajama at walang pang-itaas. Nakakita siya ng kakasya sa kanya, yun nga lang ay wala siyang damit. Nakalantad tuloy sa akin ang malapad na katawan nito. Parang ang sarap kagatin.

“Kung makatitig ka naman,” Puna nito sakin. “Baka minomolestiya mo na pala ako sa isip mo wala akong kaalam-alam.”

Duduguin ata talaga ako ng wala sa oras.

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon