Prologue

317 7 1
                                    

I draw the sigil on my palm. I then closed my eyes as I say the phrases.

"Veni ad me. Ostende mihi teipsum. Ostende mihi potestatem quam obtines. Veni ad me. Ostende mihi teipsum. Ostende mihi potestatem quam obtines."

I opened my eyes as I slash my palm with a sharp knife. I hissed as I endure the pain, blood dripped into the floor and I just stared at it.

A harsh wind blows out the light of the candle I am holding. "Bwiset, wala na."

Pasalampak akong naupo sa sahig at tumitig sa palad na sinugatan ko. Nasayang yung paghihirap ko dahil lang sa pesteng hangin na iyon.

Ang sabi pa naman din ay isang beses ka lang pwedeng tumawag ng demonyo. Tangina naman kasing bintana yan, ni-lock ko yan kanina eh.

Hinilot ko na lang ang aking sentido nang makaramdam ng hilo. Nang tignan ko ang oras ay mahina akong napamura. Ala-una na ng madaling araw, inabot ako ng madaling araw dahil sa katangahan ko na nauwi lang din sa wala.

Nang lalong lumala ang hilo na nararamdaman ko ay sinikap ko nang makapasok sa kwarto ko para mahiga at matulog. Nang sumayad ang likod ko sa kama ay ang siya namang pagsimula ng ubo ko.

Ubo ako ng ubo, kulang na lang ay lumabas ang aking baga sa bibig. "Ahh, shit!" Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot nang maramdaman ang kakaibang kirot mula sa sugat ko sa palad.

Pinilit ko umalis sa kama na naging resulta naman ng pagkahulog ko sa sahig. "Kung minamalas ka nga naman." Dahil hindi makatayo sa hilo, gumapang ako papunta sa aparador at naghanap ng bimpo.

Inangat ko ang kamay ko na may sugat at napansin na medyo maitim ang kulay ng mga dugo na lumabas mula sa sugat ko. Hindi ko na ito pinagkaabalahan pa na linisin dahil hindi ko din naman magawang tumayo. Binalutan ko na lang ito ng bimpo para kahit papaano ay mabawasan ang pagdaloy ng dugo mula dito.

Ginapang ko muli ang pag-akyat sa kama ko at natulog na nakadapa. Bago ako tuluyang lamunin ng antok ay naramdaman ko pa na lumundo ang kama, pero masyado na akong sabog para intindihin pa iyon.

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon