Epilogue

92 5 5
                                    

“A snake!” bulalas ko at pinagkatitigan ang ahas na inaayawan ng lahat. It's red scaly body shines when hit by light. Inilapit ko ang kamay ko sa mukha niya, halos magpapadyak naman ako sa tuwa nang lumingkis siya sa braso ko ang hindi na bumitaw.

I decided to call her Serpentina. Inangat ko siya at pinagkatitigan ang pulang mata nito. Ang ganda! Hinimas ko siya at inuwi sa tinutuluyan ko.

Palagi ko isinasama si serpentina kahit saan ako magpunta. Madalas ay nasa braso ko siya nakapulupot pero minsan ay nasa leeg ko siya, nagsisilbing scarf.

Masaya ako na kasama si serpentina pero hindi masaya ang mga nakakakita sa amin. Pinandidirihan at ayaw nilang makita si serpentina, bagay na hindi ko maintindihan. Ang ganda-ganda ni serpentina para pandirihan at pagtabuyan. Nakikita ko si serpentina na sinasaktan dati bago ko pa siya alagaan.

Masaya ako palagi dahil kasama ko si serpentina. Bantay sarado din siya sa akin dahil ayoko na bigla na lang siyang saktan ng kung sino kapag nalingat ako.

Hindi ko makita si serpentina sa higaan niya. Hinalughog ako ang buong bahay para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Paulit-ulit ko isinisigaw ang pangalan niya at napalingon ako doon nang pumasok siya doon.

Kaagad ba nag-unahan tumulo ang luha ko dahil puno ng sugat ang katawan niya. Ang pula niyang katawan ay lalong naging pula dahil sa dugo niya. Gumapang siya papalapit sa akin ngunit kapansin-pansin na mahina na ito.

Hinimas ko ang ulo nito habang umiiyak. Ramdam ko ang paghina ng kapangyarihan na taglay niya. Unti-unti ay bumaluktot ito, kasabay ng pulang liwanag na bumalot sa kanyang katawan. Nang humupa ang liwanag ay nakita ko sa sahig ang isang staff.

Lalong bumuhos ang mga luha ko at napahagulgol ako. Ginamit niya ang natitira niyang lakas para gawing staff ang sarili.







Bumangon ako at napatitig sa pira-pirasong staff na nasa harapan ko. Masaganang umagos ang luha ko sa mga mata ko nang dinampot ko at pinagsama-sama ang mga piraso nito pero walang nangyari. Nabasag ang sphere, nasira ang staff. Kung tititigan ng mabuti, hindi na mukhang staff dahil pira-piraso na ito.

Ang natitirang kapangyarihan na nasa staff ko ay inilipat sa akin ni serpentina para magamit ko pa rin ang kapangyarihan niya kahit wala na ang staff.

Inilapit ko sa akin ang palad na naglalaman ng mga piraso ng alaala ni serpentina at tahimik na humagulgol.

Nag-angat ako ng tingin, ang mga kalahi namin ay mga nanghihina na at halos hindi makagalaw. “Sinabi ko naman na hindi ko kayo papakialaman,” napalunok ako nang mabasag ang boses ko.

Ibinaba ko ng maingat ang piraso ng staff ko na nasira. Pinunasan ko ang luha ko pero muli lang yon na umagos.

“Ayoko na ng gulo. Kaya nga ako nasa mundo ng mga tao… kasi gusto ko na ng panibagong buhay. Gusto ko ng payapang buhay…” Tumayo ako. “Gusto ko ng bago at tahimik na buhay. Kaya noong nakatakas ako sa galit ni Lucifer ay hindi na ako bumalik kasi ayoko na maging magulo ang pamumuhay niyo dito dahil sa takot niyo sa galit ko.”

“Bakit kailangan na umabot pa sa ganito? Handa naman ako na pabayaan na kayong mabuhay dito, bakit ibinalik pa ako? Hindi ko na ginusto pa na bumalik. Matagal ko nang tinalikuran ang lugar na ito, pati ang kapangyarihan ko!” Napasinghap ako at napasulyap sa palad ko na may nabubuong pulang liwanag. Pinagsawalang bahala ko ito at patuloy na inilabas ang mga hinanakit na naipon sa aking dibdib. “Gusto ko lang ng payapang buhay. Bakit pati yon ay pinagkait niyo sa akin? Bakit pati ang alaala sa akin ni serpentina ay pinagkait niyo?!”

Biglang sumabog ang pulang ilaw at napaluhod ako habang habol ang hininga. Anong nangyari? Hindi makapaniwala na ipinalibot ko ang tingin sa paligid, wala na silang malay. Lahat sila.

Para bang sumabog ang galit ko na naipon sa loob ng mahabang panahon.

“Itinago mo sa amin ang totoo.”

Napatingin ako sa likod ko nang marinig si Damon. Napayuko ako nang makita si Damian sa tabi niya.

“I'm sorry,” bulong ko. “I tried to forget kung sino ba talaga ako. Saka hindi na rin naman ako umasa na makakabalik pa ako sa ganitong pagkatao ko. Itinuring ko nang biyaya ang nangyari na hindi ko mabalik ang kapangyarihan ko kaya nabuhay ako sa ibang pagkatao. Kulay lang ng buhok ang pinagkaiba dahil bilang si Samantha, purong itim ang buhok ko at bilang si Lilith, itim na may halong violet at red.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Maiintindihan ko naman,” mahinang sambit ni Damian.

Tumayo ako at hinarap siya saka pinagkatitigan ang malamlam niyang mata. “Ayoko ng katauhan na ito. Ayoko nito dahil ang gusto ko lang ay normal na buhay.”

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Huminto siya nang isang hakbang na lang ang pagitan namin. Hinawakan niya ang buhok ko at pinaglaruan ang mga hibla non.

“Mahal mo pa rin ba ako ngayon na nalaman mo na kung sino talaga ako?” mahinang tanong ko habang nasa lapag ang tingin. Hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya dahil wala naman akong karapatan na magtanong.

“If I were to be asked, who I love more, Samantha or Lilith? I'd answer both because they are just one person. Iisang tao lang sila, magkaiba lang ng pangalan.”

And that is the answer to my question.

Ang tao na totoong mahal ka, tanggap ka sa kung sino ka man. Baliwala ang itsura, pagkatao, o ugali dahil kung mahal ka ay mahal ka talaga at walang makakasira doon.

Kahit na itago mo pa ang totoong pagkatao mo sa taong mahal mo, matatanggap pa rin niya ang buong pagkatao mo once the real you resurfaced.


~~~

T h e  e n d .

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon