Chapter 8

63 4 2
                                    

“Hi, Sammy!”

“Vince!” Umalis ako sa counter at naglakad para salubungin siya. “Napadalaw ka ata?”

May inabot na paper bag ang lalaki sa akin at kaagad ko naman na kinuha. “Pakibigay naman niyan kay tita.”

“Nandito ka naman na bakit hindi mo pa ibigay ng diretso?”

Pumilantik ang kanyang dila. “Basta pakibigay na lang.”

Ibinaba ko sa sahig ang hawak na paper bag at bumalik na sa counter saka siya nilingon. “Hindi kasama sa trabaho ko ang iabot yan.”

Nakatanga lang sa akin ang lalaki at tila hindi inaasahan ang aking ginawa. Inismiran ko lang ito at hindi na pinansin. Kanina ko pa napapansin na sarili ko na medyo mainitin ang ulo ko ngayong araw.

Nababuntong hininga na lang ako at wala sa sariling napasulyap sa kalendaryo. Napakabilis ng araw. Isang buwan na lang ang natitira kong palugit kay Damian para bumalik sa akin.

Pero paano kung ayaw niya na pala kaya hindi na siya bumalik? At imbis na patayin ako, iniwanan niya na lang ako?

Naalis ang tingin ko sa kalendaryo nang may tumuktok sa lamesa ng counter. Pag-angat ko ng tingin ay nasalo ko ang matiim na titig ni Vince.

“Kanina pa ako nagsasalita dito.” Napalunok ako dahil sa tindi ng titig niya. Kalaunan ay napabuntong hininga na lang siya. “May sakit ka ba?”

Umiling ako, “ano ba yung sinasabi mo kanina?”

Napakamot ito sa batok. “Aayain sana kita pumunta sa mall mamaya.”

Tumango-tango ako, “pag-isipan ko muna,” sagot ko. Nagtatalo pa ang isip ko sa pagpayag na nakapagtataka. Bakit kailangan pa pag-isipan kung pwede namang ayawan na ng deretso?

Ayos lang kaya kay Damian na sumama ako dito kay Vince? Lihim akong napa-iling para iwaksi ang naiisip ng malikot ko na utak. Ano naman sa kanya kung sasama ako.

Hindi naman masama na magliwaliw minsan. Sa tingin ko ay kailangan ko yon ngayon dahil ang isip ko ay ginugulo ng maraming bagay.

Nakatitig ako sa kanya, ang mga mata niya ay nagmamakaawa. Hindi ko alam kung anong nais niyang mangyari. Gusto niyang sumama ako sa kanya sa mall, ngunit may kaba at pagtutol na bumabalot sa aking dibdib.

"Kailangan ko lang ng kasama," sabi niya, ang kanyang mga mata ay humihiling ng pang-unawa.

Nag-aalinlangan, binaba ko ang aking tingin at pinagmasdan ang aking mga kamay. Ang mga salita niya'y nag-echo sa aking isipan. Sa huli, marahan akong tumango. "Sige, sasama ako."

Nang makarating kami sa mall, ramdam ko ang kakaibang kaba, hindi pa rin nawawala ang pagtutol ng aking puso. Ang mga tao ay naglalakad-lakad, nagtatawanan. Sa gitna ng lahat ng ito, nag-iisa ako kasama ang aking mga alalahanin.

Nakatitig ako sa malayo habang naglalakad, ang aking isipan ay puno ng mga alaala. Naaalala ko si Damian, sa tuwing maalala ko ang lalaki, nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit.

Ngayon, habang nakatitig ako sa malayo habang naglalakad, naaalala ko ang bawat sandali na kasama ko siya. Ang bawat tawa, ang bawat galit, ang bawat pagkabahala.

Napabuntong hininga ako. Sana ay tapos na ang pangatlong buwan bukas dahil kating-kati na ang bibig ko na banggitin ang pangalan niya. Naiinip na ako. Three months feel like eternity.

“Nandito ka nga pero wala dito ang isip mo.” Napalingon ako kay Vince nang bigla itong magsalita.

I suddenly feel bad for him. Oo nga at sinamahan ko siya pero parang wala din siyang kasama dahil kanina pa ako walang kibo.

“Pasensya na,” is all I can say.

“Sana nagsabi ka na ayaw mo para hindi ka napipilitan ngayon.” Yumuko na lang ako ay pinagmasdan ang aking mga paa dahil sa guilt na gumagapang sa sistema ko. Hinawakan niya ako sa braso kaya nagpatianod na lang ako sa paghila nito.

Pumasok kami sa isang restaurant at nag-order siya ng pagkain para samin.

“Sino?”

Napa-angat ang tingin ko mula sa pagkain papunta sa kanyang mata na nagtatanong. “Huh?”

“Sino ang dahilan ng pagkatulala mo?” Napakurap-kurap ako at hindi magawang sumagot. Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya dahil masyadong matao sa lugar na ito at kaagad na mapapansin ang biglaan niyang pagsulpot. Umiling ito at naglabas ng limang libo na hinawakan sa kaliwang kamay habang ang isang kamay niya ay nakabukas at walang laman. Itinaas niya ng bahagya ang kamay na may hawak na pera, “Limang libo o yung lalaki na walang pangalan?”

Kumunot ang noo ko. “Lalaking walang pangalan?”

Tumango ito. “Ayaw mo sabihin yung pangalan eh.” Ginalaw nito ang kamay na may hawak na pera at ganoon din ang ginawa sa isa pa. “Pera o yung lalaking walang pangalan?”

“Lalaking walang pangalan,” sagot ko na walang pag-aalinlangan. Napangisi naman ito nang marinig ang sinagot ko.

“See? Pinili mo siya kahit na ang kalaban niya ay ang limang libo.” Napailing pa ito at hindi inalis ang ngisi sa labi na ipinagpatuloy ang pagkain matapos ibalik ang pera sa wallet niya.

Hindi ko magawang sumagot kaya ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay naglakad-lakad kami hanggang sa hinila niya ako papunta sa miniso.

Kaagad niyang dinampot ang isang milktea na plushie at ipinakita sa akin. “Cute ano?” Tumango ako at ginigilan ang plushie sa pamamagitan ng paglamukos dito habang hawak ni Vince.

“Itong plushie o yung lalaking walang pangalan?” Napaawang ang labi ko dahil sa biglaan niyang pagtatanong. Napatigil tuloy ako sa ginagawang pag-gigil doon sa plushie at nag-angat ng tingin sa kanya.

Tumikhim ako saka kinagat ang pang-ibabang labi. Gusto ko yung plushie pero kapag ba pinili ko iyon, mapupunta ba sakin yon? Tsk. Malamang ay hindi.

Sa kalagitnaan ng malalim kong pag-iisip ay kusang binigkas ng aking labi ang mga salitang “lalaking walang pangalan.”

Dahil sa gulat ay natakpan ko ang aking bibig at tumawa naman ang lalaki. “Dati naman ay baliw ka na,” muli itong tumawa at pinahid ang luha sa kanyang mga mata na lumabas dahil sa katatawa niya. “Pero binaliw ka lalo ng lalaking iyon.”

Binaliw?

“Wait tumatawag si tita.” tinanguan ko lang ang lalaki at tumingin-tingin sa mga plushie habang hinihintay na matapos ang tawag.

Ang lalambot naman ng mga ito. Napakamot ako sa ulo ko. Paanong nagkusa ang bibig ko na piliin si Damian at hindi itong cute na plushie na to?

“Gusto ni tita na samahan mo siya sa party bukas.”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon