Chapter 18

45 3 1
                                    

“LUCIFER…”

Ngumisi ito sa akin at dahan-dahang naglakad papalapit.

“I can sense your presence from far away, Lilith.” Napalunok ako para pahupain ang umaalsa na takot sa mga ugat ko.

“Really? That's good,” sabi ko. Bago pa ako makalimot ay muli kong nilingon si Abbadon. “Pakawalan mo sila Damian.”

Hindi ito sumunod.

I took a threatening step at kaagad niya namang pinakawalan ang mag-pinsan. Nang nakagalaw na si Damian ay kaagad niya akong hinablot para ilayo kay Lucifer.

“You don't know who she is?” tanong ni Lucifer. Hindi sumagot si Damian at lalo lang humigpit ang hawak sa pulsuhan ko. Hindi ko alam kung saan mauuwi ang nangyayaring ito pero sigurado ako na kung hindi pa titigil si Luci, mauungkat ang mga bagay-bagay na dapat na nakabaon sa limot.

Lucifer snapped his fingers and that same time, I passed out.

Nagising ako na masakit ang buong katawan. Napailing ako nang mapagtanto na nakakulong ako at ang paraan lang para makalabas ako ay wasakin ang bakal na nagsisilbing harang.

Napatingin ako sa labas ng kulungan ko nang may tumapat dito. “Lumalakas ang presensya mo kapag gising ka.” Nagliliyab sa sobrang pula ang kanyang mata at punong-puno ito ng galit. “Ang dapat sayo ay mamatay na. Pinatakas mo siya at ngayon ay hindi ko na mahanap!”

“Iniligtas ko lang siya mula sayo!” Tumayo ako at lumapit sa kanya. Ang rehas na lang ang nagsisilbing harang na pagitan naming dalawa. “Ikaw ang dahilan kaya hindi mo siya mahanap.”

Napatigil ito at ang galit sa mga mata nito ay lalong lumala. “Huwag mo isisi sa akin dahil hindi siya dapat nawala sa tabi ko!”

“Papatayin mo siya kaya ko siya itinakas!” singhal ko pabalik. Hinawi niya ang rehas at nagmistula lang itong kurtina dahil walang kahirap-hirap niya itong nawasak.

Sinakal niya ako at itinaas ng walang kahirap-hirap. “Hindi ko siya binabalak patayin dahil ang gusto ko ay itali siya sa akin para hindi siya makalayo!”

Natauhan ako sa sinabi niya. Kung hindi ko siya itinakas dati ay baka buhay pa siya at kasama niya si Lucifer. Pero ayaw naman niya kay Lucifer! Hindi ko na alam ang iisipin. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan.

Tama lang na abot langit ang galit niya sa akin. Tama lang na gusto niya akong patayin. Kasalanan ko ang lahat.

Kaya ko lumaban pero hindi ko na ginawa. Para saan pa na lalabanan ko siya kung ako naman ang dahilan para malayo siya sa minamahal niya? Kahit na mali ang paraan niya, may mali pa din ako.

“Nasaan siya?” tanong niya at lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa akin.

“Dead,” malamig na sambit ko. “Ikaw ang pumatay sa kanya! Pinatay mo si Rica!”

Bumagsak ako sa lupa nang bigla niya akong mabitawan. Sunod-sunod na atras ang ginawa nito habang umiiling ng walang tigil.

“Hindi… Hindi totoo yan!” Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo palabas. He's so distressed kaya hindi niya ako napansin na tumakbo paalis.

Bago pa ako tuluyang makalayo ay nahablot niya na kaagad ang buhok ko at hinila ako.

“Hindi ko siya pinatay!”

Nagpumiglas ako. “Sinubukan niyang bumalik sayo! Pero anong ginawa mo?!” Nanlaban ako kaya nakalayo ako sa kanya.

Habol ko ang sariling hininga habang nakatitig sa kanya.

“Pinatay mo siya kung kailan handa na siyang bumalik sayo! Kung kailan handa na siyang harapin ang nararamdaman niya para sayo!”

++Flashback

“I've been thinking this a lot of time now, Sam,” panimula ni Rica nang sagutin ko ang tawag niya.

“Dis-oras na ng gabi, Rica. Deretsahin mo na.” Humikab ako at kinusot ang mata saka umayos ng pagkakahiga. Bumabagsak na ang talukap ko kaya nanatili akong nakapikit ngunit ang diwa ay gising.

“I can't stop myself. Gusto ko bumalik sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto ang nararamdaman kung kailan ako napalayo sa kanya.”

“Ano ba sinasabi mo? Nakasinghot ka ba ng kung ano?”

“Babalik ako sa kanya. Nakahanap na ako ng paraan kung paano ako makakalapit sa kanya,” puno ng kumpyansa ang kanyang boses at hindi ko sinira ang kumpyansa niya na yon.

“Nakahanap o naghanap?” Natahimik siya sa kabilang linya at makalipas ang ilang sandali ay pinatay niya ang tawag.

I was about to drift to sleep when my phone suddenly rang which I answered immediately.

“Nagawa ko na. I already summoned him pero wala pa siya dito. Sleep tight, Samantha.”

Rica never knew who I really am. Ang alam niya lang ay isa akong tao, kagaya niya — na dinala ng demonyo papunta sa mundo nila. Hindi niya naisip na isa ako sa mga nilalang na kinamumuhian niya dati.

Umalis si Lucifer noong panahon na nagpasya ako na itakas si Rica. Kinuha ko ang pagkakataon na yon para ilayo siya dahil nakikita ko kung gaano siya kalungkot sa piling ni Lucifer kahit pa alagang alaga naman siya nito. Noong nasiguro ko na ang kaligtasan ni Rica sa mundo ng mga tao ay saka ko lang siya iniwan para makabalik na ako sa mundo kung saan ako nabibilang.

Yun nga lang ay habang pabalik ako, nakabalik na pala si Lucifer at nalaman niya na itinakas ko si Rica na ikinagalit niya ng husto. Kung hindi siguro ako nakatakas sa kanya ay malamang sa malamang, patay na ako.

Nagawa ko makatakas noong tumalon ako sa tubig kaso lang ay mahabang panahon ang kinailangan ko para muling makabawi. Muli kaming nagkita ni Rica at tinulungan niya ako hanggang sa mabawi ko ang lakas ko.

Yun nga lang ay hindi ko na nabawi pa ang kapangyarihan ko.

* * *

Nanghihina si Luci habang nakaluhod sa sahig. Ang paghinga niya ay naging sunod-sunod na singhap na lang habang nakatitig siya sa sahig na para bang ito ang pinaka interesanteng bagay sa mundo.

Napaatras ako sa gulat nang mag-angat siya ng mukha sa akin. Pulang pula ang kanyang mata ngunit bakas dito ang matinding pagsisisi at lungkot.

“H-hindi ko alam…” Napasinghap ako ng hangin sabay iwas ng tingin nang mabasag ang malalim na boses niya. “Isa lang naman ang nag-summon sa akin…”

Kumuyom ang kamao ko. That's the confirmation for me. Siya nga. Siya nga yon. Siya ang pumatay kay Rica. Siya ang pumatay sa kaibigan ko na tinulungan akong mabawi ang lakas ko nang walang pagdududa na ang lahi ko ay kagaya ng mga nilalang na kinamumuhian niya.

Gustuhin ko man magalit, sumpain at saktan si Luci, ayoko. Ayokong gawin dahil sa aming dalawa, alam ko na siya ang mas nasasaktan dahil sa kamay niya mismo nagwakas ang buhay ng minamahal niya.

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon