Chapter 17

53 3 3
                                    

Hapon ng sumunod na araw matapos ang nangyaring pag-atake sa amin ay kaagad na ipinaayos ni Damon ang mga nasira. Ngayon ay hindi na ako pwedeng mawala sa paningin nilang dalawa.

Nababahala sila sa banta na iniwan ng mga kalahi nila. Habang sila ay nababahala, ako ay nanghihinayang. Ang mga nabasag na salamin ng bintana sa library ay pinalitan na lang ng plain na salamin. Hindi na yung maraming kulay.

Napasalampak na lang ako sa sofa sa living room ng mansion ni Damon. Ano na kaya ang nangyari kila Vince? Umalis ako ng walang paalam. Biglaan akong naglaho at hindi na nagpakita. Sana naman ay hindi galit ang tita niya dahil sa ginawa ko.

“Lalim ng iniisip mo,” untag sa akin ni Damon.

Napa-iling ako, “pwede ba ako lumabas? Ang gara kasi nung bigla kong paglalaho. Yung trabaho ko sa cafe…”

Kumunot ang noo niya, “mas importante pa ba ang bumalik sa cafe na yon kaysa sa buhay at kaligtasan mo?”

Muli akong umiling, “magpapaalam lang naman ako ng maayos.”

Napanganga ito sa akin at bumaling kay Damian na nakahiga sa sofa.

“Kung ayaw niyo naman, tatawagan ko na lang si Vince.”

Lalong napanganga si Damon sa akin. Inabot niya ang phone niya at agad ko namang itinipa ang numero ni Vince na kabisado ko saka lumayo sa kanila ng bahagya.

“Yooo, kabisado mo number niya?” Tumango ako nang hindi lumilingon sa kanya.

Ring ng ring ang phone pero hindi ito sinasagot.

“Ayos ka lang sa ganon?” rinig ko na tanong ni Damon.

“Sino may sabi sa'yo na ayos lang?” sagot naman ni Damian.

“Yung makikipagkilala nga lang sa kanya ay pinutulan mo ng kamay.”

Nagsawa na ako sa katatawag kay Vince kaya nag-iwan na lang ako ng mensahe.

“Hindi ko pwedeng gawin yon doon. Kaibigan niya yon e.”

“Hah! Kawawa.”

Nang bumaling ako sa mga lalaki ay nanahimik naman sila kaagad. Ano yung pinag-uusapan nila sa gilid? Hindi ko gaanong maintindihan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa paligid para hanapin ang pinanggalingan ng malakas na tunog kasabay ng pagyanig ng sahig.

“Tol, lumilindol ata,” sabi ni Damian. Sabay-sabay kaming napa-atras nang mula sa mga dingding ng mansyon ay may lumitaw na humahabang sanga at papunta ito sa amin.

Sinubukan ko umatras ngunit kaagad nitong nahuli ang paa ko at hindi ko na magawang gumalaw. “Damian! Hindi ako makagalaw!” tumakbo siya palapit sa akin pero kaagad na nahuli ng sanga ang paa niya at hindi niya na magawang gumalaw.

Hinanap ng paningin ko si Damon at maging siya ay hindi makagalaw kahit na sinusubukan niya. Hindi siya kalayuan sa akin kaya rinig na rinig ko ang malutong at sunod-sunod na mga mura niya.

Bigla na lang lumitaw mula sa kung saan ang isang lalaki na mukhang tao ngunit mahahaba ang kuko at pulang pula ang mga mata. Naglakad ito papalapit sa akin.

Isinisigaw ng utak ko na dapat akong gumalaw pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko magalaw kahit na ang daliri ko.

Iniunat ng lalaki ang braso nito, ang mahaba niyang kuko ay nasa baba ko.

“Huwag mo siyang hawakan!” Malakas at gigil na sigaw ni Damian. Nangingilid ang mga luha ko habang patuloy ang pagdaloy ng takot sa mga ugat ko. Hanggang sigaw lang ang magawa nilang magpinsan habang ako ay pagluha lang ang kayang gawin.

Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa labis na pagluha nang unti-unting maglaho sa pandinig ko ang sigaw ng magpinsan. Napalitan ito ng mainit at pamilyar na pakiramdam na ngayon ko lang muli naramdaman matapos ng mahabang panahon.

Ipinalibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim, mainit. Biglang sumulpot sa harapan ko ang lalaki na may pakana ng nangyayaring ito, nasa tabi niya sila Damian at Damon na hindi pa rin makagalaw.

“Hindi mo siya dapat dinala dito, Abbadon,” mahinahon na sambit ni Damon. “Tao lang siya, mamamatay siya dito.”

“That just makes it exciting.” Bumaling sa akin ang lalaking tinawag ni Damon na Abbadon. “You have five minutes to do everything I want you to do. Kapag natapos mo lahat ng iyon sa loob ng limang minuto, ibabalik kita sa mundo ng tao. Kapag hindi mo nagawa, dito ka na mismo babawian ng buhay.”

“Huwag, Samantha. Gawin mo man o hindi ang pinagagawa niya, mamatay ka pa rin dito. Mauubos ang dugo mo,” pakiusap sa akin ni Damian.

“Summon the missing demon, human,” utos nito. Pinakawalan niya ako mula sa sanga na nakahawak sa paa ko kaya nakagalaw na ako ulit.

Tinitigan ko lang siya at hindi ako nagsalita. Wala akong balak na gawin ang pinagagawa niya. Wala namang dahilan para i-summon ko pa ang nawawala kasi hindi ko naman kilala yon at maraming dugo din ang kakailanganin ko.

“Time is running, human.” Hindi ko siya kinibo, tinitigan ko lang siya ng masama hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang sakit sa dibdib ko. Napaluhod ako sa sahig at sinapo ko ang dibdib ko at diniinan, umaasa na mababawasan ang sakit na lumulukob sa pagkatao ko.

Nahihirapan na akong huminga at pati ang mga boses sa paligid ko ay halos hindi ko na marinig. Malabo ang lahat. Malabo na. Ang paghinga ko ay naging singhap na lang. Hindi ko magawang huminga ng malalim dahil sa sakit na kasama sa aking paghinga.

Makalipas ng ilang sandali ay naglaho ang sakit na kasama sa paghinga ko. Napalitan ito ng kakaibang lakas na hindi ko alam kung saan nagmumula. Mula sa pagkakaluhod sa sahig ay tumayo ako. Nag-angat ako ng tingin at ang unang nakita ko sa mga mata nila ay gulat.

“Your eyes…” bulalas ng lalaki.

Ngumisi ako, “so who's gonna die?” I took a step forward, he took a step back. “I appreciate your help. Mas napadali ako na bawiin ang lakas ko. Bagay na hindi ko magawa habang nasa mundo ako ng mga tao.”

“Samantha… what is this?” tanong ni Damian habang ang mata ay gulong-gulo. “What are you? Why do you posses that eye color?”

I suddenly felt sad. Pakiramdam ko ay tinraydor ko si Damian. Pakiramdam ko ay niloko ko siya kahit na hindi ko naman talaga inamin kung ano ba talaga ako.

Hindi na ako nagkaroon pa ng oras para sagutin si Damian nang biglang sumulpot ang demonyo na naging dahilan kung bakit ako napunta sa mundo ng mga tao. Ang demonyo na dahilan kung bakit ako umabot sa ganito.

“Lucifer…”

BLOODSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon